Chapter 29

2.1K 40 1
                                    


"Madam, bakit niyo po hinayaang mahanapan din ni General Griffin ang asawa niya? Akala ko po, gagawin niyo sa kanya ang ginawa niyo kay Ma'am Shuntal noon."

"Karen, iba ang plano ko para kay Shu. Magagamit ko siya sa maraming paraan." Nakangisi namang kaswal na saad ng first-lady.

"Anung ibig sabihin nun Madam?"

"Ginawa ko iyun kahapon kay Shu just to test the General and try to sabotage him at the same time. But he was really born with keen and quick intellect."

"Madam?"

"Isang mahalagang misyon ang pagsama niya sa Presidente kahapon sa Zamboanga kaya ginawa ko iyun sa asawa niya para tignan kung anung gagawin niya." Pagsisimula nito.

"Kung iiwan niya ang responsibilidad niya bilang heneral at pipiliing puntahan ang asawa niya, makakahanap na ang konseho ng palasyo ng dahilan para tanggalin siya sa pwesto, bilang first-ranked General. BUT that heartless bastard! Huh, he sent his men to Santa Catalina to save his wife instead of going himself! Mas matimbang parin sa kanya ang kanyang trabaho kesa sa kanyang asawa. Kung sabagay, this is just a testing measure. I have more tricks to come." Mahabang pahayag pa ng first-lady habang inaayusan ito ni Karen dahil may pupuntahan itong charity event.

"K-kung ganun Madam, may plano na naman kayo sa kanya kaya ipinapatawag niyo na naman siya ngayong araw para samahan ka sa Charity event na dadaluhan mo?"

Ngumisi ang first-lady bago tinitigan ang sarili sa salamin.

"Huh, kakatapos lamang ng isa niyang trauma kahapon. Gusto ko siyang isama para i-comfort siya. Kung gagamitin ko siya in the future, hindi ba dapat, mas palapitin ko pa siya sa akin ng husto? Isasama ko siya upang makapag-bonding kami." Makahulugan at nakangiti nitong turan at tumayo na.

"Madam talaga, apaka witty niyo!" Nakangiti namang papuri ni Karen na noo'y kaagad ding sumunod sa first-lady.




____

Noong magising si Shu ay wala na ang Heneral sa tabi niya. Napaisip tuloy siya kung totoo ba ang pagtulog nito sa kwarto niya kagabi o panaginip na naman niya iyun.

Inikot niya pa ng paningin ang buong silid niya ngunit wala talagang bakas ng heneral kaya napapabuntong hininga na lamang siyang naiiling na nagtungo sa shower room para maligo.

Hindi na niya nagawang maligo kahapon dahil sa takot at sa pagod na nararamdaman niya pag-balik nila sa mansion. Ngayun, ramdam na niya ang panlalagkit ng kanyang katawan.

Habang nakababad sa shower ay pumasok sa kanyang isipan ang pagyakap sa kanya ng heneral kagabi.

Utomatiko siyang napangiti at namula ang pisngi dahil doon. Wala na siyang pakialam kung totoo iyun o panaginip.



Agad na niyang tinapos ang pagligo at nag-ayos na ng sarili.

"Umalis na ba siya? Hmm, kung sabagay, kahit lingo nagtatrabaho siya. Mag-isa na naman ako. Hayyy, lingo ngayun, anu na naman kayang gagawin ko?" Samo't sari niyang pahayag sa sarili habang paisa-isang humahakbang pababa ng hagdan, matamlay.

Nasa ganoong seste siya n'ung maulinigan niya si Nana Tacy, tila may kausap ito sa kusina kaya naman agad siyang napangiti. "N-nandyan pa ba siya?" Maliwanag ang mukha niyang naibulalas bago minadali ang pagbaba ng hagdan at tumuloy na agad sa kusina. That's when she started smiling brightly dahil nasilayan niya nga si Dhark.

Nakatalikod ito mula sa kanya. Nakaharap ito sa kalan at nagluluto ng kung anuman. Naroon naman si Nana Tacy sa tabi niya upang mag-abot ng mga kailangan nito.


The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon