Chapter 33

2.1K 29 0
                                    


"Gusto ko ng mamuhay ng normal kasama ang anak ko Ate, kailan ko ba magagawa iyun? Kailan!!!" Mariin na bulalas ni Shuntal sa first-lady noong dalawin siya nito sa isang rest house. Doon siya nananatili at itinago ng first-lady ng ilang taon hanggang sa magdesisyon siyang magpakita na sa heneral ilang buwan bago ito ikasal sa bago nitong asawa na ang Ate niya mismo ang nagplano.

"Ah, kaya nakikipagkita ka na pasekreto sa heneral hmm?!" Galit namang bulalas ng first lady.

"Ate, sinusunod ko ang lahat ng gusto mo! Pero ilang taon na ang nakakalipas hindi mo parin ibinabalik sa akin ang anak ko! Ang anak namin ni Dhark!"

"Sinasabi ko na nga ba eh, madalas kayong nagkikita upang magkasundong suwagin ako!"

"Ate hindi! Wala kaming kahit na anung plano tungkol sa'yo, gusto lamang naming makasama ang anak namin! Gusto ko lang ding bumalik na sa trabaho at mamuhay ng normal! Wala akong kahit na anung ibang gustong gawin kundi iyun lang!" Halos maluha luha pang tugon ngunit umiwas lamang ng tingin ang first-lady at naupo sa sofa.

"Hindi pa pwede! Sinabi ko na sa'yo, marami pa akong mga planong hindi natutupad! Yang heneral na yan! He's such a pain in the ass! Ang hirap niyang pabagsakin!" Kapagkuwa'y inis nitong bulalas. Sinundan niya naman ito.

"Ate, Nakuha mo na ang lahat ng gusto mo. Napangasawa mo ang isa sa mga Villarialle, naging first-lady ka na! Napatalsik mo na si Tita Hillary sa palasyo! Nabakuran mo na ang kalayaan ng Heneral na magdesisyon para sa sarili niya! Nagawa mo na siyang tau-tauhan at ipinakasal sa kung sino-sinong mga babae! Anu pang gusto mo? Kelan ka ba matatapos sa paghihiganti mo at dyan sa kasakiman mo sa kapangyarihan?!" Hindi na niya napigilang bulalas kaya napatawa ng marahan ang first-lady with those killer eyes.

"Huh! Ang mga Villarialle na yan? Hindi ako titigil hanggat hindi sila mismo ang magpatayang magkapatid at ng maramdaman nila ang mga napadaanan ko, napagdaanan natin!" At yang si Dhark? Sa tingin mo ba talaga parang tutang nakasunod lamang yan akin ng dahil hawak ko ang anak ninyo? Nagkakamali ka dahil alam kong naghahanda na iyun para pabagsakin ako! At alam kong kasabwat ka niya Shuntal!"

"Ate,"

"Hindi ako makakarating sa kinaroroonan ko ngayun kung isa akong uto-uto Shuntal! Alam kong gusto mo rin akong suwagin! Isa pa, don't act as if you're innocent because you're the daughter of your greedy Mom who colluded with those Villarialles to destroy our family, kaya sila namatay! Now, hindi ako titigil hanggat hindi ko maipaparamdam sa kanila ang pagdurusang naranasan ko! At ikaw! We've adopted you para mapakinabangan pero anu? Ipinakasal kita sa Heneral para mas madali kang makakahanap ng paraan to ruin him ngunit mahina ka! Mas nauna ka pang nahulog sa kanya! And what? All you do is to try killing yourself para makatakas sa kapalaran mo! Mabuti na lamang at nabuntis ka, at least mapapakinabangan parin kita! Lalo na ang anak ninyo!"

"Ate please! Huwag ang anak namin! Wala pa po siyang muwang sa buhay. He's too young to be implicated in this mess! Ate please..."

"Huh, don't worry. I won't harm him. Pero wait lang kayo! Hindi pa ako tapos. Marami pa akong baraha!" Matatas parin ang mga dilang saad ng first-lady at tumayo na.

Nang akmang aalis na sana ito ay nag-iwan pa ito ng mga salitang tuluyang nagpa-iyak kay Shuntal.

"Gusto niyong makita ang anak ninyo? Sige, malapit na, hintayin niyo lang! He'll come in the most surprising way!"

____




Pagsapit ng umaga ay hindi makabangon si Shu dahil mabigat ang pakiramdam niya. She feels sick.

Hindi naman alam iyun ng Heneral dahil madaling araw pa lamang ay nagpaalam na ito sa kanya para sa trabaho since may biglaan itong out of town trip with the President.

The Demon General's Young WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon