Chapter 2

6.1K 116 2
                                    

         

         "Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya, 'Khallib', o diba ang ganda. Kaya lang mas malamig pa dito sa ice-candy sa kamay ko, huh!"
Nakabusangot na maktol ni Shu bago sumubo ng ice-candy.

      Nasa canteen sila at tanaw tanaw si Khallib na noo'y nasa ground kasama ang iba pang mga kalalakihan at si Dhark na lagi nitong kadikit.

       "Oy akla! Itigil mo nga yang kalandiang iyan, diba may asawa ka na nga?" Anaman ni Pao na siyang nagbalik sa kanya sa riyalidad.

      Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya dahil doon. "Yun na nga eh, may asawa ako pero abandoned wife naman ako. General demon na 'yun! Inuwi-uwi niya ako sa bahay niya tapos di naman niya ako uuwian!" Nakabusangot niyang saad dahilan para magngitian ang dalawa niyang kaibigan.

"Oh, para saan naman ang mga ngiting iyan?"

"Eh kasi girl, you sound like you missed your 'demon husband', pilyong asar ni Pao na nagtaas pa ng dalawang daliri to quote what he have just said.

      "Huh, missed? Ni diko pa nga nakikita, paano ko mamimiss aber?"

     "Asus! Yan tayo eh, pwede mo parin namang mamiss. Syempre parte na siya ng buhay mo kahit dimo pa nakikita."

"Korek! Isa pa alam naman naming excited kang sa wakas ay makita na iyung itsura niya para makulayan na yung mga imahinasyon mo sa kanya!"

Natigilan muna siya bago tumugon.

    "Eh, ewan ko rin ba. Alam niyo kasi nung pre-wedding namin, 15 palang ako kaya takot na takot ako na makita siya. Pero paglipas ng dalawang taon at dahil narin mag-e-eighteen naman na ako, feeling ko naman nagmature ako kunti and yes, natagpuan ko nalang yung sarili ko na gusto ko siyang makilala. Sino ba namang hindi nu' syempre curious din naman ako."

     "Naku excited na din kami frenny! Sana lang gwapo, bata, at matikas para fak na fak!" Tila kinikilig namang bulalas ni Pao kaya napangisi siya.

"Huh, huwag na kayong umasa. Matanda na siya." Ngisi naman niyang usal bago muling sumubo ng ice-candy.

"Matanda? Baka hindi naman, baka ikaw lang ang nagsasabing matanda na siya." Sabat naman ni Ivon.

      "Hay trust me! Yung katutuhanan palang na nakadalawang asawa na siya at pangatlo ako, nagpapatunay na na matanda na siya. May 20 years old bang nakatatlo na ng asawa? Tsaka isa pa, heneral siya! Like, literal ng heneral at hindi lang basta heneral, siya ang first-ranked General ng palasyo! It requires legendary merits and years of experience to be able to reach that far, nu! Just the fact na General ang rango niya, alam na nating ilang taon na siya sa serbisyo para umabot dun. Sabihin na nating 15 o kaya 20 years."

Nang magsimula ng magbilang yung dalawa ay nagsalita na siyang muli.

"Huwag na, huwag ng magbilang! Na-compute ko na. Sabihin na nating 20 years old siya n'ung grumaduate sa college. Two years training and exams. Tapos 15 to 20 years of experience para marating ang kinaroroonan niya ngayun."

"OMG! So ibig sabihin, ibig sabihin n-nasa 40 na siya?"

"OMG! Korek ka dyan!" Pagsang-ayon ni Pao pero ngumiti din pagkalipas ng ilang minuto.

"Hmm, naku! Lee Min Ho, Lee Dong Wook, Gong Yoo! Oh sino pa! Naku, kahit 40 yan kung fafa naman! Keri boom boom!" Malandi nitong pahayag kaya natawa siya.

"Hays, huwag ng umasa! Hindi naman yun koreano!" Negatibo niya paring turan ngunit positibo naman yung dalawa.

"Hmm naku! Naeexcite tuloy akong makita yang General Demon mo! Kelan ba siya magpapakita? Anu, nagkukulong ba iyun sa palasyo?"

The Demon General's Young WifeWhere stories live. Discover now