Chapter 57

1.8K 34 3
                                    

___





Kakauwi lamang ni Shu sa mansion nang marinig niya ang balita mula sa TV na noo'y pinapanood ni Nana Tacy.

"Shu darling, n-nandyan kana pala." gulat namang bungad ni Nana Tacy nang makita siya.

"Nana-- t-totoo ba ang narinig ko?" Tilala naluluha naman niyang wika dito habang nakatingin parin sa TV.

Kaagad namang pinatay ni Nana Tacy ang TV.

"Darling," anaman nito na tila hindi din alam ang sasabihin.

"S-Si Dhark po, kumusta siya? Tumawag po ba siya sa inyo? Nana, baka ho kailangan natin siyang tawagan!" Aligaga niyang bulalas. Banaag ang kalituhan at pag-aalala sa kanyang mukha.

"Shu darling, huminga ka muna, relax lang ha. Nakatitiyak akong maayos lamang ang heneral. Nadawit lamang siya sa insidente pero hindi ibig sabihin n'un na makukulong siya anu ka ba." Pang-aalo naman sa kanya nito na noo'y lumapit pa upang haplusin siya sa likod.

"P-pero Nana, p-paano na siya? Y-yung trabaho niya? Ang sabi sa balita matatanggal siya sa posisyon bilang heneral! Hindi po ba ibig sabihin n'un na hindi maganda ang lagay niya?"

"Darling, huwag ka munang mag-overthink at kumalma ka muna, okay. Bakit hindi na lamang natin siya hintay--- General?" Biglang dugtong na saad nito kaya tumingin din siya sa pinto.

"HAN!" Walang kasing saya naman niyang bulalas nang masilayan ang kakapasok lamang na asawa.

Tumakbo siya para yakapin ito ng mahigpit. Sinuklian naman iyun ng Heneral na noo'y hinaplos pa siya sa likod, "I'm fine, don't worry." Sambit pa nito nang kumalas na sila sa isa't isa.

"K-kumusta ka? Anung nangyari? Bakit ganu'n ang nasa balita?" Kapagkuwa'y sunod-sunod niyang nababahalang tanong ngunit ngumiti lamang ito bago siya hinaplos sa ulo.

"Do you trust me?" Kalmado at marahan nitong saad.

"Hmm? O-oo naman." Nalilito naman niyang tugon.

"Then don't worry." kalmado parin nitong kaswal na wika at ngumiti pa kaya lalo lamang siyang nagbreakdown.

"DON'T WORRY? Pero paano? Paano ako hindi mag-aalala kung ganu'n ang mga nakikita at naririnig ko! Han, yung Mom mo, aarestuhin daw ngayun din mismo, tapos ikaw, ikaw ang susunod! Tapos sasabihin mo huwag akong mag-alala--"

"Shhh, Dean-- Deanna, listen! Just relax and listen to me firs--" kalmado paring singit ng heneral upang kalmahin siya ngunit nagpatuloy lamang siya.

"Hindi! Hindi, Han! That situation is not something that's relaxing! Tapos y-yung--- yung trabaho mo! May tendency na mawala sa'yo depende sa mapag-usapan ng konseho ngayung araw din mismo o bukas. Tapos anu? Tapos makukulong ka! Han, paano ako hindi mag-aalal---"

Naputol ang litanya niyang iyun noong biglang dumapo ang mga labi ng heneral sa mga labi niya. Namilog lamang lalo ang kanyang mga mata dahil doon at hindi na nakapagsalita.

Napabalik naman kaagad sa kwarto si Claire na noo'y pababa na sana ng hagdan dahil sa nasaksihan.

Nilisan na din ni Nana Tacy ang livingroom dahil sa ginawang iyun ng heneral.

"Han," mahina naman niyang tila nagtatampo paring saad matapos siyang halikan nito.

"Han, seryoso nga kasi ako! Paano ako kakalma kung ganito ang sitwasyon m--"

Hindi niya muling naituloy ang kanyang sinasabi nang muling dumapo ang labi nito sa mga labi niya kaya namilog lamang muli ang mga mata niya.

"HAN!" kapagkuwa'y naibulalas na lamang niya.

The Demon General's Young WifeWhere stories live. Discover now