Chapter 3

4.9K 92 3
                                    

       

       Tahimik ang mansion pagdating ni Shu sa bahay kaya naman diretso siya sa second floor kung nasaan yung kwarto niya.

     Pabagsak siyang humilata sa malaki at malambot niyang kama at tumitig lamang ng deretso sa kesame.


      "Magiging ganito nalang ba ang buhay ko forever? Abandoned wife? I mean, abandoned virgin wife of the faceless General Demon?! Oo nga nu! P-paano pala kung wala na talaga akong balak uwian ng lalaking yun?!"

Agad siyang napabalikwas ng bangon dahil sa isiping iyun.

    Noon na niya nasulyapan ang printed human-like pillow niya. Naka-imprinta doon ang isang buong wangis ng heneral ngunit walang mukha.

    Naningkit ang mga mata niya noong matitigan iyun bago niya iyun hinablot para ipaharap sa kanya. "Ikaw! Wala ka ba talagang balak uwian ako, hah!" Naniningkit ang mga matang singhal niya dito kasunod ng isang suntok sa bandang tiyan.

    "Anu, sumagot ka! Ah ayaw mong magsalita ah, itong sa'yo!!!" Mungkahi niya pa sabay tapon ito sa kama at sunod na dinaganan na tila ba'y nasa fight ring siya.

Kasalukuyan niyang nire-wrestling yung pillow version ni General Griffin na pina-customize niya pa n'ung matigilqn siya. May naulinigan siya mula sa labas ng silid niya kaya agad umandar ang utak niya.

Utomatiko siyang napangiti n'un sa isiping ang heneral iyun dahil mukhang yabag papaakyat ng third-floor yung narinig niyang ingay kung nasaan ang balwarte ng heneral.

      "OMG! Siya na ba yan? Umuwi na siya?!" Namimilog ang mga matang bulalas niya bago dali-daling inayos ang sarili sa salamin ngunit natigilan din siya't napangiwi.

     "Hay, anu bang ginagawa ko? Bakit ako excited? Mukang tanga ka naman Shu! Dapat nga awayin mo siya!" Pang-i-ismir niya sa sarili at kalauna'y parang sigang lumabas mula sa silid niya. Akala mo naman ay nakahanda talaga itong sugurin ang kinakatakutang General Demon ng sambayanan na nakaligtaan niya yata.

   ___




     Nang marating niya ang third floor ay tahimik ang paligid. Sarado din ang pinto ng higanteng silid ng heneral.

     "Di kaya si Nana Tacy lang iyun?" Bulong niya bago lumingon-lingon sa paligid.

     "Hmm, baka nga si Nana lang, may inaayos dito. Nana?! Nana Tacy?!" Kapagkuwa'y tawag niya dito ngunit walang sumasagot kaya nagdesisyon na siyang sumilip sa silid ng heneral.

     Bawal niya iyung gawin ngunit likas na matigas ang ulo niya. Ang totoo'y tatlong beses na siyang pumasok doon para lang maghanap ng litrato n'ung heneral ngunit wala kahit litrato manlang nito noong bata pa na napaglipasan na ng panahon.

      Palibhasa ay napaka plain lamang ng kwarto nito.  Black and white lamang ang makikitang kulay. Actually, yung buong mansion ay minimalistic lamang ang datingan which is fancy. Pero para sa kanya boring. Parang bagong gawa, walang kahit anung bakas ng pagkagamit. Ang mga gamit naman ay either neutral shades, white, or gold.

     Nangangati na nga ang mga kamay niyang lagyan ito ng dekorasyon tulad ng paintings kung pwede lang. Pero sa loob ng dalawang taon, hindi niya iyun magawa-gawa. Una, takot siya dahil baka ikagalit ito ng heneral kapag umuwi na ito at makita ang mga paintings niya. Pangalawa, wala siyang magandang gamit sa pagpinta. She's been longing for it ngunit wala naman siyang sapat na pera. Limited ang allowance na meron siya na nagmula pa sa asawa niya.

      Hindi sa pang-aanu ngunit kuripot ang heneral. Sapat lang para sa isang araw na expense niya ang daily allowance na inaabot sa kanya ni Nana Tacy every day.

The Demon General's Young WifeWhere stories live. Discover now