Chapter 16

3K 52 1
                                    


__

"Bago ka umuwi, can we spare a walk around the park even just for a lil' while?" Ani Khallib kaya natigilan siya dahil seryoso parin ito.

Noong mapansin nito ang pagtataka niya ay tumawa ito at bumalik sa dating sigla ang mood nito.

"Hay, ang seryoso mo naman! Gusto ko lang maglakad-lakad muna tayo kasi ayuko pang umuwi. Nakainom ako, so, kapag umuwi akong ganito masasabon na naman ako ng walang banlawan ng subrang bait kong ina. Panahon na para samahan mo naman ako, bayad-bayad din ng utang mo!" Matabil ang bibig nitong saad kaya napatawa siya.

"Utang?"

"Oo. Marami ka ng utang sa'kin. Hays, mahal din ang gasolina hah!" Pagbibiro pa nito.

"Eh sino ba kasing nagsabing ihatid mo ako ng ihatid pag-uwi?" Sungit-sungitan naman niyang usal.

"Eh sino ba kasing nagsabing sa tuwing pauwi na ako after ng 7pm classes ko ay nasa daan ka at mag-isang naglalakad, eh gabi na?" Sumbat naman nito kaya tumawa na lamang siya dahilan para tumawa din ito bago sila tumuloy sa pag-iikot sa park.

Napuno lamang ng tawanan at walang kwentang kwentuhan ang paglalakad nilang iyun ng halos dalawang oras.

Nang tawagan na si Khallib ng kanyang ina dahil hating gabi na ay nagpaalam na ito.

"Oh siya sige na. Mauna ka ng umalis. Papasok ako kapag nakaalis ka na." Saad naman ni Shu dito.

"Okay sige. Pumasok ka agad ah. You're wearing a dress and a make-up, baka pagkainteresan ka!"

"Bakit? Kasi ang ganda ko?" Pagbibiro naman niya ngunit umiling-iling ito.

"Hindi, baka mapagkamalan manananggal o bampira, naka-pula ka pa man din." Tugon nito at pinaandar na ang motor.

Napatawa naman siya dahil doon.

"So, I'm going. Thanks for the walk, I was able to turn your sadness into smiles." Mabilis niyong saad at sinabayan pa ng pagbusina bago tumalilis papalayo kaya hindi niya iyun halos narinig.

"A-ano daw sabi niya? Ang weird, thank you lang ang naiintindihan ko. Hmm, makauwi na nga, inaantok na ako." Maya-maya'y saad na lamang niya at pumara na din ng taxi para umuwi ng mansion.




___

      "Hmm, New Year na Han, wala ka pa bang balak umuwi? Sa ibang bansa ka ba magnu-new year?" Pakikipag-usap ni Shu sa isang baso ng fruit-shake sa harap niya.

Tahimik namang nagtitinginan ang dalawa niyang kaibigan na noo'y nakaupo sa harap niya. Nasa labas sila nun para kumain at para samahan si Shu bago sila magsiuwian sa mga pamilya nila upang salubungin ang bagong taon, pagsapit ng alas-dose mamaya.

     "Hoyyy frenny? Okay ka lang? Kailangan mo ba ng psychiatrist or something? Lagi ka ng nakikipag-usap sa sarili mo." Maya-maya'y wika ni Pao kaya tinampal ito ni Ivon.

"Tumigil ka nga, kung anu-anong sinasabi mo!" Saad pa ni Ivon.

"Pinapatawa ko lang, ito naman!"

"Pinapatawa? More likely tinatakot!"

"Shhh!!!! Tama na nga yan! Okay lang ako anu ba kayo! Ako kaya ito, si Shu! Mas malakas pa ako sa malakas nu!" Maya-maya'y pagpapatigil ni Shu sa mga kaibigan bago nilagok ang isang basong fruitshake ng isahan lang.

Nagtinginan muli yung dalawa ngunit ngumiti din ng pilit sa kanya.
Alam niyang naaawa at nag-aalala ang mga ito sa kanya kaya pinipilit niyang ngumiti at maging masigla.

"Hay, okay nga lang ako! Sige na, ubusin na natin itong mga pagkain para makauwi na kayo sa mga pamilya niyo. Bagong taon na mamaya-maya lang. Baka naghihintay na ang mga pamilya niyo." Masigla niyang saad.

"Hmm, eh ikaw frenny? Anung gagawin mo? Uuwi ka na ba? Anu kaya kung sumama ka nalang sakin sa bahay para magcelebrate ng new year?" Nahahabag namang saad ni Ivon ngunit ngumiti lamang siya.

"Anu ka ba, hindi na. Nasa bahay naman si Nana Tacy tsaka yung mga bodyguards. Sila nalang siguro yung kasama kong magcelebrate ng new-year mamaya sa bahay. Or else, baka matulog nalang ako. Malay niyo, managinip ako ng maganda diba?" Masaya niyang saad kahit na bakas ang pilit niyang pagngiti, gayun pa man ay ngumiti na lamang din ang mga kaibigan niya.

"Hay sige na nga! Kung sabagay nandyaan naman si Nana Tacy mo. May kasama ka parin kahit papano." Ani Ivon.

"Hay, yang asawa mo naman kasi na yan. Ang cold na masyado ah! Hindi na nakakatuwa. Six months ba namang hindi nagpakita pagkatapos na pagkatapos ng kasal niyo ampüt--"

"Hoy! Bibig mo!" Saway naman kaagad ni Ivon na agad ding tinampal ang katabing si Pao.

"S-sorry! Nakakainis lang kasi eh!"

"Oo pero General parin yung tinutukoy mo oy! Tsaka, oo ako din naman naiinis sa kanya dahil sa pagiging cold niya at laging pag-iwan dito sa kaibigan natin. Pero, narealize ko din--  anu ba ang rason kong bakit siya nasa ibang bansa at busy sa trabaho? Eh diba, para sa kaligtasan ng bansa? Para sa atin din, para sa iyo ackla! Isipin mo ah, kung hindi siya o sila ang gumagawa nun' sino? Ikaw?" Maalam namang usal ni Ivon dahilan para mapatango si Pao.

"Pero seryoso, who else would want to take their place to protect the country to the extent of sacrificing their own life and everything? Oh diba ayaw mo o natin ng ganoong buhay? In short, may utang din tayo sa kanila, kay General Griffin for doing his duties." Lohikal na pahayag pa ni Ivon.

"May point ka naman! Oh eh, sorry na."

Napangiti naman n'un si Shu bago napatingin sa kawalan. "Oo nga pala, maaring asawa niya ako, p-pero bago ako, kasal na sila ng bansa." May saya at pait sa tinig niyang mahinang saad dahilan para tumayo si Ivon to hug her from the back.

Dahil doon ay hindi sinasadyang tumulo ang mainit-init niyang luha ngunit nagpunas din siya kaagad bago pilit ngumiti.

"Okay lang. Okay lang ako." Mungkahi niya pa bago ngumiti kahit na nanginginig ang kanyang mga labi.




___

Pag-uwi ni Shu sa mansion ay wala siyang naabutang kahit na anung ganap.

Naroon sa gate yung dalawang bodyguard. Naroon din si Sgt. Guillier na noo'y lagi lamang nakasunod sa kanya mula sa malayo lingid sa kaalaman niya. Ayaw kasing ipaalam ng Heneral sa kanya ang tungkol doon dahil alam nitong hindi siya magiging komportable and she won't be able to enjoy her normal life.

Pagpasok niya sa loob ng bahay ay hindi na niya inexpect na sasalubungin siya ni Nana Tacy dahil tumawag ito sa kanya kanina para magpaalam na uuwi muna sa pamilya to celebrate new-year at babalik din agad pagkatapos.

Syempre pumayag siya dahil alam niya ang pakiramdam ng magnew-year mag-isa and she's experiencing it now.

Matapos uminom ng tubig ay pumanhik na siya sa kwarto niya at naligo.

Matapos magbihis ay pabagsak na siyang humilata sa kama niya.

    Kakapikit palang niya ng mga mata noong mabulabog siya ng sunod-sunod na pagputok ng mga fireworks upang salubungin ang new year.

Ibat-ibang ingay pa ang mga narinig niya kaya naman ay tuluyan ng nagising ang kanyang diwa. Nacurious din naman siya sa mga naglalakasang fireworks kaya tinungo niya ang thirdfloor veranda para doon dumungaw at pagmasdan ang naggagandahang fireworks-display sa siyudad ng Maynila.

____

The Demon General's Young WifeWhere stories live. Discover now