Chapter 38 - why are you following me!

Start from the beginning
                                    

Sa ngayon ay hindi pa naman nakakatunog ang mga kalaban namin. Mahina siguro ang boss nila. Haha!

Hindi kagaya ni boss na planado talaga lahat ang mga ginagawa niyang galaw.

Lalong-lalo na pagdating dito sa nag-iisang anak niya. Mukhang gagawin niya talaga lahat masiguro lang ang kaligtasan niya.

"Mga tol! Lalabas yata yung anak ni boss! Palabas ng gate!" King ina netong James na to! Kung makapag-react parang may namatay na!

Kaya naman lumapit ako sakanya tyaka binatukan.

"Tae tsong! Para saan yon!?" Siya habang sapo ang ulo niya.

"Gago! Akala ko naman kung ano na! Kung maka-sigaw ka. Tssss." Talikod ko sakanya at lumabas na kasama si Jayson para sundan ang anak ni boss.

Agad din naman siyang sumunod at tuluyan na nga kaming lumabas para asikasuhin ang trabaho namin.

Sinusundan lang namin siya. Ewan namin kung saan siya papunta dahil kanina pa siya naglalakad at wala naman kasi kaming ka-alam alam dito sa lugar na to.

Natigilan kaming tatlo ng lumingon siya sa amin at ang sama makatingin.

Kanya-kanya kaming iwas ng tingin sakanya. At hindi nagtagal ay nagpatuloy siya sa paglalakad at lumiko.

Binilisan din namin ang lakad namin para hindi siya mawala sa mga paningin namin.

At ganon nalang siya kabilis nawala dahil hindi siya mahagilap ng mga mata ko. Ganun din ang mga kasama ko na palinga-linga sa paligid.

At ang mas nakakagulat pa ay bigla nalang siya sumulpot sa kung saan at agad na sinuntok si James na dahilan ng kanyang pagkatumba. Sunod niyang inatake si Jayson at binigyan iyon ng malakas na sipa sa sikmura.

Alam kong ako na ang isusunod niya kaya naman inihanda ko ang sarili ko.

Pagtingin ko sa dalawa ay wala ng malay si James habang si Jayson naman ay iniinda ang sakit sa sikmura niya. Fvck!? Ganon siya kalakas at napatulog niya si James?

Ng tignan ko siya ay papalapit na siya sa akin. Habang ako ay inaabangan ang pag-atake niya. Ng sinuntok niya ako ay agad ko iyong naiwasan. At binigyan pa niya ako ng isa at nasangga ko iyon. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa dahil ang kamay na pinang-sangga ko sa suntok niya ay hinawakan niya at saka pinisil ang pulsuhan ko. Napa-impit ako sa sakit. Tang-ina! Ang saket!!!

At ang sunod ay hawak na niya ang leeg ko. Fvck!? Ganon kabilis ang kamay niya!

"Why are you following me!?" Galit na sigaw niya sa mukha ko habang ang isang paa niya ay nakatapak sa leeg din ni Jayson.

"Wa-Wala po! Accck!" Ako na nahihirapan na masyado dahil sa papahigpit na paghawak niya sa leeg ko.

Medyo nabuhayan ako ng pag-asa ng makita kong gising na si James at akma ng tatayo ng....

"Try to stand up! Or I'll kill you!" Sigaw na naman niya na nakatingin parin sa akin." Inuubos mo pasensya ko eh! Bakit niyo ako sinusundan!" Gigil na gigil na siya sa akin kaya naman. Agad akong nag-isip ng isasagot ko.

"Gu-Gusto ka daw po kasing ma-makilala na-ng mga kasama ko...aaaaccck!" Sa huling sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa leeg ko at agad din naman iyong binitawan.

Walang anu-ano ay tinalikuran nalang niya kami at nagtuloy na naman siya sa paglalakad.

"Shit tol! Ang bangis! Mana siya kay boss! King ina. Akala ko katapusan ko na talaga kanina." -___- si James.

"Tssss! Lintek! " pagmumura naman ni Jayson.

At ako naman, kahit medyo nahihirapan pa ay kinuha ko ang cellphone at i-dinial ang number ni boss.

"Oh Ciano! Anong balita dyan. Kumusta ang anak ko?" Bungad niya sa kabilang linya.

"Na-Nakasagupa po namin ang anak niyo boss." Nahihirapang balita ko sakanya.

At mukhang sanay na ako sa boses niya.

"Tang ina niyo! Oh ano!!? Pinatulan niyo naman!? Ang sabi ko ay bantayan lang siya at hindi patulan!" Sigaw na naman niya. Lagi naman siyang ganyan. Tsk!

"Muntik na po niya kaming mapatay na tatlo boss. Ang bangis ng anak niyo." Ako.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahaha! That's nice! O siya. Mamaya kana ulit tumawag at busy ako. Hinatyin niyo ang maaga-agang bonus niyo. Just keep an eye on her." Yun lang at pinatay na ang tawag.

Ngayon ko lang narinig na tumawa ng ganon si General. Iba talaga ang saya niya pagdating sa anak niya. Tsk!

"Ano daw tol? Papauwiin na ba tayo kasi palpak tayo?? Ano na? Mag-iimpake na ba tayo?" Si Jayson na parang atat na atat ng umuwi.

"Hintayin daw ang bonus na ipapadala niya." Walang ganang sagot ko sakanya.

"Tang ina!! Talaga? Tara na! Pabugbog ulit tayo sa anak ni boss!" Si James na siraulo talaga kahit kelan.

Hanep ang lakas niya! Paano nalang kapag turuan pa siya ni boss? Mas dodoble pa ang lakas niya. Tsk! Iba talaga ang kamandag ng mga Terrora.

Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now