Chapter 37: Moon Fest

10 1 0
                                    

Chapter 37: Moon Fest

"How is it?"

Kunot ang noo at nag-aalalang tanong ng isang Anghel habang dumudungaw sa clear na tubig mula sa fountain na siyang nagre-replekta ng isang imahe.

*sigh*

Hindi mapigilan ng isa pa sa mga nakasilip sa tubig ang mapa-buntong hininga at i-iling ang kaniyang ulo.

"Matatagalan pa..."

Mas lalong nangibabaw ang buntong hininga sa paligid ng fountain habang patuloy na nakasilip ang lahat dito.

"We'll definitely make it before the deadline that we set." Pagpapagaan ng loob ng isa sa nakapaligid sa fountain.

"We will."

Looking up, direktang nahagip ng mata ng nagsalita ang imahe mula naman sa isang salamin sa di kalayuan. Sa salamin ay makikita naman ang imahe ni Alpha Evil na patuloy na nag-iikot at nagpa-patrol sa Pack kasama ang ilang Pack members.

Ngunit, sa salamin, halos hindi na maanyuan ang imahe ni Alpha Evil dahil sa makapal na itim na aura na bumabalot sa bulto niya.

Muling naibalik ng lahat ang nag-aalalang tingin nila sa imahe na nasa fountain, bago mabilis na natahimik ang lahat.

~~~~~~~~~~
Greyleigh Pack
Main Mansion

"Daddy Alpha! Daddy Alpha!"
Marahang itinaas ni Alpha Evil ang kaniyang tingin sa pintuan na maingay na nagbukas bago bumaba ang kaniyang tingin sa batang malaki ang ngiting pumasok mula rito. Hila-hila ang isa pang batang lalaki na tahimik ring nakatanaw sa kaniya mula sa pinto.

"Axel, Axen."

Smiling widely sa pagtawag ni Alpha Evil sa kanilang pangalan, mabilis na nakalapit ang dalawa sa tabi ni Alpha Evil.

"Daddy Alpha~"
Axel raised his hands towards Alpha Evil, wala naring nagawa ang kaniyang kasamang si Axen kundi itaas narin ang kaliwang kamay na hawak-hawak ni Axel hangang ngayon while shyly burying his face sa libro na hawak ng kanan niyang kamay.

"No, Axel."

Fixing his necktie and straightening the collar of his long-sleeved white shirt, tumangi si Alpha Evil na kargahin si Axel.

"Ahh..."
Malungkot na ibinaba ni Axel ang kaniyang mga kamay habang kumikislap parin ang mga mata na nakatitig sa repleksyon ni Alpha Evil sa salamin.

"Daddy Alpha... looks great."
Mahinang bulong ni Axen habang nasa likod parin ni Axen. Peeking through the book with only the upper half of his face showing, halata parin ang pamumula ng pisngi nito habang nakatingin rin sa repleksyon ni Alpha Evil.

Reaching down to rub their heads, mabilis na nasalo ng kambal ang kamay na ginamit ni Alpha Evil sa kanila at hindi na ito binitawan. So, slowly descending down the stairs, mabilis na nangasim ang mukha ni Beta Khalid ng makita ang tatlo.

"What's with the extra keychains, Alpha? That looks heavy."

Mabilis na binati ng masamang tingin ng dalawang bata ang pasaring na komento ni Beta Khalid. With each of them occupying Alpha Evil's hands and refusing to let go, para nga naman silang nakasabit kay Alpha Evil dahil sa height difference, even needing the twin to tip toe para lang mahawakan ang kamay ni Alpha Evil, na naging dahilan ng mabagal nilang pag-usad sa pagbaba sa hagdan.

"Beta Khalid, you never changed. No wonder you're the only one na hindi pa nakikita ang Mate niya!"

"Y-yes...! You need to grow up!"

Mas lalong nangasim ang mukha ni Beta Khalid sa sinabi ng dalawa.

Not knowing how to retaliate, mabilis na umikot ang mata ni Beta Khalid, before finally focusing on their pants.

"Atleast ako tuli na."
Watching as the kids faces turned red, Beta Khalid was finally satisfied.

*Thump.*

Reaching the end of the stairs, wala nang nagawa ang kambal kundi ang bitawan na ang kamay ni Alpha Evil. Straightening his posture and putting on a serious face, mabilis ring bumati si Beta Khalid.

"Good eve, Alpha. The agenda today is the Moon Fest and Lady Selena's coming of age ceremony."

Taon-taon na ginaganap ang Moon Fest, it's a joint celebration for every person na magle-legal age sa mga wolves. You don't really need to give each and everyone of the people na magka-coming of age ng regalo, but it's mandatory to give one to someone na kilala mo, no matter your relationship with the other party. It's the time to be merry and peaceful, it is a racial celebration for these wolves na magsisimula nang maramdaman ang koneksyon nila sa kanilang mga Mate. It would always be a happy thing.

"En."
Following behind Alpha Evil habang naglalakad ito palabas, nakasunod naman sa likod ni Khalid ang kambal.

"The gift is arranged as you ordered. Not too modest, but not as extravagant. So Commader Leoro at Commander Female Fellicia ang maiiwan sa Pack. The venue for the celebration ay sa Mortal World and we already prepared everything in advance. Everything is as arranged."

"En."
Climbing up into the back of the car, mabilis na sumunod si Beta Khalid na pumwesto naman sa passenger seat.

Swiftly looking at the rear-view mirror, tahimik na pinanood ni Alpha Evil ang kambal na sumakay sa kotse na nasa likod ng sinakyan nila. He watched as the doors of the car closes and after a few minutes, ordered: "Go."

"Yes, Alpha."
Sagot ng Pack member na driver nila ngayon while immediately starting the car.

~~~~~~~~~
Mortal World
SS Hotel

"Wow!"
Hindi maitago ni Lady Selena ang ngiti niya sa reaksyon ng kaniyang mga kaibigan na kaniyang kakikilala lang habang nagpa-praktis ang lahat ng sama-sama nitong mga nakaraang lingo para sa Moon Fest.

"Ito ang latest release ng Lusho, right?!"

"Wow! Lady Selena you look really pretty sa kwintas mo!"

"And the dress looked so gorgeous too!"

Ang tao na nasa malawak na silid ay nahahati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay ang kinase-sentrohan ni Lady Selena, kinapapalibutan ng mga dalaga na may magagarbong kasuotan, halters, bodycons, bardot, slit and cocktails. They were all delicately made-up at tuwid ang likod na naka-upo habang nakikipag-usap sa isa't isa.

Tahimik naman na nakamasid sa kanila ang pangalawang grupo, nakakalat sila sa sulok ng silid, nakayuko ang ulo ng ilan sa kanila habang hawak-hawak ang makukulay na bistida na suot-suot nila.

Magaganda naman ang kanilang suot, ngunit, isang sulyap lang sa magarbong ball gown ni Lady Selena at pakiramdam nila ay hindi naging sapat ang paghahanda nila.

Sa pinakamalayong sulok mula sa nagtatawanan at nagkwe-kwentuhang grupo, marahang binuksan ng isang dalaga ang kaniyang mga mata.

Blinking away the sleepiness in her eyes, mabagal niyang ini-angat ang kaniyang ulo bago mabilis na masapo ang kaniyang leeg.

"Aw..."
Marahan niyang minasahe ang nangalay na parte ng leeg at muling napapikit sa sakit nito.

*Pop!Pop!Pop!Pop!*

Nanlalaki ang mata na tumingin ang nasa paligid ng dalaga ng marahan niyang i-unat ang kaniyang katawan mula sa pagkaka-upo sa sulok.

Knitting her eyebrows in pain mula sa patuloy na pag-pop na nagmumula sa kaniyang katawan, sa wakas ay tuluyan nang nagmulat ang mata ng dalaga.

White.

Una niyang napansin ay ang magandang puting bistida na suot niya. Reaching her hand para laruin ang gold na ribbon na nakatali sa kaniyang bewang, napatulala ang dalaga.

'Where...'

Raising her head para sulyapan ang paligid, mabilis na nangibabaw sa dalaga ang ginto niyang mga mata na natatamaan ng sinag ng ilaw mula sa malaki at magarbong chandelier.

Blangko pa rin ang kaniyang titig sa maliwanag na liwanag nito habang pinoproseso ng kaniyang ulo ang ilang bagay mula sa mahaba niyang pagtulog.

'Where...?'
Makalipas ang ilang minuto at unti-unting nagbalik ang ka-klaruhan sa mata ng dalaga, immediately looking around the room in alarm.

'Meyyt...'

"Where is Meyyt...?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alpha Evil's Mate is an Angel (AEMIAA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon