Chapter 5: Starting The Banquet

29 7 0
                                    

Chapter 5: Starting The Banquet

.

.

[Third Person's POV]

"Can't we stay a week more Daddy Alpha?"

Naiiyak na pakiusap ni Axen habang mahigpit paring nakayakap sa leeg ni Alpha Evil.

"Come on! Come on! Alpha is still your Alpha, you shouldn't do that! Wolf ka ba o ungoy?"

Nag-unahang pumatak ang luha mula sa mata ni Axen dahil sa sinabi ni Khalid.

"Beta Khalid!! Bakit pumapatol pa po kayo sa bata!!"

"Gamma Axel! Dapat ikaw na ang nagpapa-alis sa kapatid mo sa pagkakalingkis kay Alpha! Alpha is Alpha and you were his Gamma! Ano?! Kampon ba kayo ni Selena? Ha? Nahawa na kayo ng kalintaan niya?"

Napanguso nalang din si Axel at humiwalay na sa pagkakayakap sa hita ng Alpha.

"Hindi kaya ampon lang kayo ng dating Gamma...hindi naman siya ganito ahh...ganun din ang Gamma Female..."

Nahihiwagaang bangit ni Khalid na mas lalong nakapagpa-iyak kay Axen, naluluha na rin si Axel dahil sa mga pinagsasa-sabi nito.

"Shut up Khalid."

Nakagat niya ang dila niya ng umimik na ang Alpha.

"Y-yes Alpha..."

"You should go now..."

Baling nito sa dalawang bata.

"Let's go Axen...*sniff*"

"Daddy Alpha, I don't *huk* want to leave yet..."

"It's time to go Axen."

Sabi lang nito at ibinaba ang Gamma na wala nang nagawa kundi ang bumitaw sa kaniya.

"I'm afraid Daddy *huk* Alpha..."

"You shouldn't be."

"Why would you? It's not like they'll try and bully you! You're one of the Gamma of the largest Pack in the continent! Duh!"

"Shut it Khalid."

Napaiwas nalang si Khalid nang tingin niya at bumaling sa mga punong nakapaligid sa kanila na parang iyon na ang pinaka-interesanteng bagay sa mundo.

Nasa border kasi sila ngayon para ihatid hangang doon ang dalawang Gamma na kailangan ng bumalik sa Academy ng mga ito.

Tapos narin naman kasi ang isang lingo na excuse ng mga ito para sa paghahanda sa birthday ng Alpha which is bukas na.

Pero ayaw parin ng mga itong umalis dahil sa dalawang dahilan.

Una, bukas na ang birthday ng Alpha, pero hangang ngayon ay wala paring 'Mommy Luna' na nagpapakita. Kung hindi ito makikita hangang mamayang alas-dose ng gabi ay awtomatikong si Lady Selena na ang magiging Luna.

Siyempre bilang isang Gamma ay nakaka-abot sa kanila ang mga ginagawa ni Lady Selena na hindi kaaya-aya sa mga Pack members nila.

Kaya tutol na tutol talaga sila sa ideya ng pagiging Luna nito sa kanila.

Pangalawa, ayaw nila sa atensyon na nakukuha nila sa Academy. Masyado silang iniingatan at iginagalang kahit na ng mas matanda sa kanila. And it really scares them sa tuwing ngiti lang ng mga ito ang nakikita nila habang kaharap sila, mahirap makita ang tunay nilang pagtingin sa kambal, making it hard for them na malaman kung sino ba sa mga ito ang pwedeng maging totoong kaibigan o ang mapagkakatiwalaang talaga.

Gusto sana nila na kahit papaano ay maging normal lang ang kanilang Academy days, na kahit doon man lang ay payagan silang maging bata at umakto sa edad nila. Pero masyadong mabigat ang gampanin nila kaya alam nila na never nila iyong mararanasan muli-- ang pag-akto sa edad nila, specially now that they were the Gammas of the biggest Pack in the continent at wala narin ang parents nila.

Alpha Evil's Mate is an Angel (AEMIAA)Where stories live. Discover now