Chapter 2: Scissors to Our String

27 8 0
                                    

Chapter 2: Scissors to Our String

[Third Person's P.O.V.]

Tahimik na nakamasid lang ang Celestial Council sa isa't isa habang nasa harap nila ang dalawang medyo may kalakihan na bolang crystal. It doesn't really look like a crystal but a white vortex that is showing scenes from two different realms.

Sa unang bola ay makikita ang anghel na si Angel Peace na nakikipaglaro kay Angel Innocence sa playground na puno ng mga bata. They were in the Mortal World. Malaki ang ngiti nito habang ang inosenteng anghel na kalaro ay nangingilid na ang luha dahil hindi nito mahabol- habol ang kalaro sa bilis nitong lumipad. At kung nakakaapak nga lang siguro ang isang anghel sa lupa ay naglupagi na ito at doon ngumawa.

'Habol... habol... Ang bagal mo naman Angel Innocence!'

'Ayoko na! A-ayaw mo naman magpataya!'

At naupo na lang ito sa isang puno na pinakamalapit sa kanya habang pinupunasan ang gilid ng mata na hilam na ng luha.

'Ayy... Ang daya...'

At sumunod na ito sa pag-upo sa tabi ng kaibigang anghel.

Hangang sa maya-maya ay natulala na ito habang nakatingin sa direksyon ng pinuntahan niya kahapon. Seems like hindi na nito naririnig ang nagkwekwentong kaibigan sa kanyang tabi.

'...atsaka---huh? Angel Peace nakikinig ka ba?'

Pero patuloy lang itong nakatitig sa direksyon na iyon. Hangang sa kinulbit na ito ng katabi.

'Huh? Bakit? We're gonna play again?!'
Baling nito sa kaibigan na napanguso nalang sa kaniya.

'Anong tinitingnan mo?'

Muli itong bumaling sa direksyon na iyon bago sumagot.

'Sa mission ko kahapon. Dun sa lugar nayon... Hmm... Hindi ka pa kasi nakakapunta doon ehh...Hindi dito yun... hindi dito kasi nasa ibang realm ehh. Tapos doon...'

Naputol ang lutang na sinasabi nito at napatulala nalang ulit sa direksyon na iyon na mas kinanguso ng kaibigan.

'Anong meron doon?'

'May isang nilalang doon na gusto akong makilala pero...hindi niya naman ako makita...'

' Huh? Hindi ko maintindihan...'

'It's been a long time since he had peace...'

'Hmm... hindi ko parin maintindihan... ano bang ibig mong sabihin? We only serve Him, he can't have you...Sino ba siya? Ha?'

'Huwag mo nang pilitin...naaawa lang ako sa kaniya... sobrang sad niya pero hindi niya pwedeng ipakita... pag nakapunta ulit ako doon iha-hug ko ulit siya...'

'P-pero diba? Bad yun? Magagalit ang Council. '

Natahimik ito at napayuko, bago muling napalingon sa direksyon na iyon.

' I'll accept the punishment. Basta iha-hug ko ulit siya. Para kahit papaano hindi na siya sad...'

.

Napabuntong-hininga ang Celestial Council dahil sa naging sagot nito at bumaling naman sa isa pang bola.

Dito naman ay makikita si Alpha Evil na inaayos ang suot na suit. Magulo parin ang raven black nitong buhok na hindi niya yata balak ayusin. Inaayos nito ngayon ang necktie niya ng pumasok ang twin Gamma ng pack nito.

Alpha Evil's Mate is an Angel (AEMIAA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon