"Mahal kita. Mahal kita, Aina. Kilala mo ako. Hindi ko sasabihin ang salitang iyon kung hindi ko iyon nararamdaman."

Napahinga ako nang malalim at pinunasan ang basa kong pisngi dahil sa pagluha ko. Napatingin ako sa nakabukas na pinto at nakita kong nakatayo roon si Leo, nakatingin sa akin. "Pero mas mahal mo siya."

Natahimik si Alex sa kabilang linya. Wala akong sinabing pangalan pero alam na niya agad kung sino ang tinutukoy ko. Hindi siya makasagot dahil alam niyang totoo ang sinasabi ko.

"Kaya tigilan na natin 'to, Alex. Tigilan na natin 'to," may halong pagmamakaawang sabi ko. Nakatingin pa rin ako kay Leo na nakatingin din sa akin.

"Please, Aina. No."

"Please... nahihirapan na ako, Alex. Nahihirapan na ako. Pagod na ako. Pagod na ang puso ko. Susuko na ang puso ko." Napahigpit ang hawak ko sa may bandang dibdib ko. Hindi na nito kayang mahalin ka pa. Masyado ng masakit.

"Give me another chance. Aina... please let me prove to you that I really love. That I love you. Aina just please... please..."

Napapikit ako. I want. God knows, I want. I want it bad. But I can't. Ayokong iwan ka. Ayokong paghintayin ka nang walang kasiguraduhan kung babalik ako. Ayoko maulit ang nangyari dati. Dahil for good na kapag hindi ako bumalik.

"Aina," mahinang tawag sa akin ni Leo na napalapit sa akin.

Umiling ako sa kanya.

"Alex... I'm sorry but I can't. I can't. This is my goodbye. Nagmamakaawa ako, 'wag kang makikipagkita sa akin," baka hindi ko mapanindigan ang sinabi ko. Dahil baka kapag nakita kita ay wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin ka at mahalin nang paulit-ulit. Kahit hindi na kaya ng puso kong tumibok.

Narinig ko pang nagsasalita si Alex pero hindi ko na maintindihan dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Nabitawan ko ang phone at napahawak nang mahigpit kay Leo. Napaungol ako sa sakit. Hindi ako makahinga. "L-leo..."

'I bet you think I either moves on or hate you,
'Cause each time you reach out there's no reply,
I bet it never occured to you that I can't say 'hello' to you,
And risk another goodbye.'

"Aina.."

Natigilan ako sa pagbukas ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Alex.

"Aina please..."

Umiling ako, ayokong tumingin sa kanya dahil nang marinig ko pa lang ang pamilyar niyang boses ay tumulo na agad ang luha ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. "Aina, mag-usap tayo..."

Tumikhim ako at pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa kanya. "Ayoko na, Alex," mahinang sabi ko.

Sa pagkabigla ko ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang nakahawak sa mga kamay kong nanginginig. "A--"

"Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, Aina," putol niya sa sasabihin ko. 'Wag mo akong iwan, nakikiusap ako sa 'yo," mahinang sabi niya nang may kasamang hikbi.

Napakagat labi ako nang makita kong tumulo ang luha niya. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto kong sabihing 'hindi kita iiwan'. Gusto kong sabihing mahal ko siya pero hindi pwede. Hindi pu-pwede. Ayoko na. Tama na ang ilang buwang kasama siya.

Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa akin. Hahakbang sana ako patalikod pero pinto na ang nasa likod ko. "Ayoko na nga, Alex. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong maging option lang. Pagod na ako bilang second priority mo. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako, Alex. Ayoko na. Ayoko na, Alex. Ayoko na..." hindi ko napigilang hindi umiiyak at humagulhol sa harap niya. Kahit ano'ng pigil ko sa pag-iyak ay hindi ko magawa.

"I'm sorry. I'm really sorry. I know... I know I shouldn't come to her but... but... I have to."

Napangiti ako nang mapakla sa narinig ko at pinunasan ang luhang walang tigil na oumapatak. "You have to," ulit ko sa mga huling salitang sinabi niya. "You have to."

"Aina, please..."

Umiling ako.

"Please..."

"Sht naman, Alex!" Malakas kong sabi kahit ako ay nabigla sa pagsigaw ko. "Maawa ka naman sa akin!" Hinampas ko nang malakas ang dibdib ko. "Sobrang sakit na rito. Ang sakit-sakit na. Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi kayo pero alam kong wala akong laban sa kanya kaya tama na. Ayoko na. Ako na ang nakiki-usap. Maawa ka naman sa akin. Pakiramdam ko ay mamatay ako sa tuwing malalan ko na mas pinili mo si Son na puntahan. Kaya please. Tama na. Maawa ka sa akin." Dahil kung laging ganito ang mangyayari ay paniguradong bibigay ako sa kanya at tatanggapin ulit siya ng buong puso.

Kumalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. At nang mabitawanan niya ako ay nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko. Napasandal ako sa pinto at napahagulhol ng iyak. Kasabay ng pag-iyak ko ay ang pagsigaw ni Alex sa labas ng kwarto ko kasabay ng hagulhol.

"Alex..."

'And I just wanna tell you,
It takes everything in me not to call you,
And I wish I could run to you,
And I hope you know thay everytime I don't,
I almost do,
I almost do.'

"Aina... pagaling ka ha?" malungkot na paalam sa akin ni Edward matapos ang yakap.

Ngumiti ako nang malungkot, "sana."

Napabuntong-hininga si Drew, "ano'ng sana? Pagaling ka kahit ano'ng mangyari."

Napangiti ako sa sinabi niya, "I will. Happy?" Pabiro kong sabi sa kanya.

"Tsk. You should. After your operation we're gonna visit you kaya dapat tatagan mo ang puso mo."

"Let's go, Aina?" Mahinang yaya sa akin ni Leo at hinawakan ako sa braso.

"Leo, you better take care of her or else..." banta pa ni Edward.

"I will, bro."

'Oh, we made quite a mess, babe,
It's probably better off this way,
And I confess, babe,
In my dreams your touching my face,
And asking me if I wanna try again with you,
And I almost do.'

Matapos magpaalaman ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likod ko habang naglalakad. Si Alex, alam kaya niya? Alam kaya niyang aalis ako? Did Drew tell him?

'And I just wanna tell you,
It takes everything in me not to call you,
And I wish I could run to you,
And I hope you know thay everytime I don't,
I almost do,
I almost do.'

Mahinang pinagalitan ko ang sarili ko. Maybe Drew didn't tell him 'cause I told him not to.

'I bet this time of night you're still up,
I bet you're tired from a long hard work,
I bet you're sitting in you chair by the window looking out at the city,
And I hope sometimes you wonder about me.'

Napahinga ako nang malalim at humawak kay Leo. Tumingin ako ng diretso sa unahan. Goodbye, Alex.

---
MichiiMichie
Epilogue next. Thank you for patiently waiting for the updates. Thank you.
Don't get mad when you read the epilogue. Okay? :)

InvisibleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora