Invisible 22: AINA

Magsimula sa umpisa
                                    

Napailing ako. Hindi siya naaksidente. H'wag naman sana.

Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan ko. Napatingin ako sa sapatos ko. Kahit sarili ko ay ginagawan ko na ang dahilan kahit alam ko naman talaga kung bakit siya wala. Tama kaya ang naiisip ko?

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Nararamdaman ko na susungaw na ang ang luha sa gilid ng mga mata ko kaya kinurap-kurap ko iyon at tumingala. Baka nasa baba lang si Alex. Maaring doon niya ako hinihintay. Wala lang 'tong naiisip ko. Paranoid lang ako.

Nang susuutin ko na ang sapatos ko ay napaigtad ako nang may kumatok. "Alex?" Mahina kong anas sa pangalan niya.

Nang bumukas ang pinto ay napuno ako ng dismaya nang si Leo ang dumungaw sa nakabukas na pinto. Nakangiti. "Happy birthday."

"Thank you," mahina ko lang na sabi at inabala na ang sarili sa pagsusuot ng sapatos. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Well... I think you'll be my escort for tonight?" Nagtatanong kong sabi. Alam ko na. Lagi namang si Leo ang tagasalo sa akin sa tuwing iiwan ako sa ere ni Alex. I felt my throat tighten for what I am thinking... and my chest.

Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at malapad ang ngiting tumingin sa akin. "At your service, madame," magalang niyang sabi at nag-bow.

Binigyan ko siya ng simpleng ngiti, ngiting hindi man lang 'ata nagmukhang ngiti. Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso niya.

Nang bumaba kami ay nagsimulang tumugtog ang 'Happy birthday' rock version performed by Drew with Edward on the stages. Nakatingin sila sa akin na nakangiti.

Ang mga bisita ay sumusunod sa pagkanta. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Masaya dahil araw ko ngayon pero kabaligtaran iyon nang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib pero hindi ko iyon pinansin. Abala lang ako sa paghahanap sa mga taong nasa loob ng bar, taong inaasahan ko pa ring hindi ako sasaktan ngayong araw.

"He's comming," mahinang bulong ni Leo sa akin at hinagod ang likod ko para mapakalmahin ako.

"Is he?" May pag-aalinlangang tanong ko. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng lungkot.

"Trust him. He's in love with you, right? He'll come whatever happens."

Napahinga na lang ako nang malalim at tumango. Yeah. He's in love with me. And I'm not invisible to him already. Because he's in love with me for real. Is he?

Ngumiti na rin ako sa mga bisitang kumakanta para sa special na araw ko.

Pero kahit ano'ng pigil ko ay hindi ko maiwasang hindi tumingin sa pintuan at hintaying bumungad sa akin ang nakangiting si Alex.

As when the song ended, walang Alex na dumating, walang Alex na bumungad at nagsabing, 'I'm right here, my girl'.

Humarap ako sa itim na cake na pareho naming pinili ni Alex. He knows ever since that I want my cake to be pure black.

As I blew the candle, my tears fell. He said he'll be here. He said that. I can still hear it.

Huminga ako nang malalim at pasimpleng pinunasan ang luha at humarap sa mga bisita. Ngumiti ako na parang ang saya-saya ko nang araw na 'to kahit pakiramdam ko ay magko-collapse na ako dahil sa kalungkutan nararamdaman ko, kasabay pa nang pananakip ng dibdib ko. This damn chest!

"Thank you for coming, guys! Enjoy the pa--rty!" malakas kong sabi kahit alam kong pumiyok ako dahil pakiramdam ko ay gustong-gusto ko nang umiyak.

Hours passed by, wala pa rin si Alex kahit ang kanyang mga barkada ay andito na. Nakikisaya sa party kung saan ay kaming dalawa ang nagplano. Dahil ngayong araw sana ang muli naming pagdiriwang ng birthday ko na magkasama kami. Birthday ko kung saan ay birthday niya rin.

"Aina..."

Napakurap ako at hunarap kay Leo. Malungkot akong ngumiti. "He said he'll be here. He said that... he really said those words."

Niyakap niya ako at nang gawin niya iyon ay umusbong na ang luhang kanina ko pa pinipigilang hindi kumawala. "Maybe he has some valid reason. Maybe he doesn't plan not to come."

"But..."

"Why don't you call him?"

Napakalas ako ng yakap sa kanya. "Should I?"

"Mahal mo, 'di ba?"

Napangiti ako sa sinabi niya. "I'll just go to my room to pick up my phone. Thank you, Leo."

Tumalikod na ako kay Leo at nagmamadali akong umakyat papunta sa room ko. Sa pagpasok ko sa kwarto ay nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko ang phone ko na nagriring. Nang dadamputin ko na ang phone ay tumigil sa pagriring. I unlock my phone and I saw the numbers of missed call.

I dialed his number with shaking hand nang magring ang phone at bumungad ang pangalan ni Alex.

"Alex..." mahina kong sagot.

"I'm sorry. I'm really sorry," he said apologizing.

Napangiti ako nang malungkot. His sincere apology. His apology when she is involve. Matagal ko ring hindi narinig ang sorry niya. "W-where are you?" Mahina ko pa ring sabi. Napahawak ako sa dibdib ko. Masakit. Pakiramdam ko ay may kumukurot sa puso ko. Sobrang sakit.

"At Sons' house." Napakagat ako nang mariin sa labi ko nang marinignko 'yon, iniiwasan kong hindi gumawa ng ingay habang kausap siya. "I'm really sorry but today... she really needs me. She needs my company. Something happened to her so I have to run into her. I'm really sorry."

Malaya nang tumulo ang luha ko habang naririnig ang paliwanag niya. Bawat salitang naririnig ko'y pakiramdam ko'y may pumipiga sa puso ko, sobrang pagpiga na kahit ang paghinga ko ay naapektuhan na kaya hindi ko nagagawang magsalita.

"I'll make it up to you some other time."

Pero ngayon ang birthday ko. Ngayon ang plano. Hindi napasama sa plano ang emergency and when the emergency's mention, it means it's related to her.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para mapigilan ang paghagulhol ko ng iyak at nalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa pagkakariin ng kagat ko. Huminga ako nang maraming beses para pakalmahin ang boses ko, 'yong hindi niya mahahalatang naiiyak na ako. "It's... it's okay. I'm sorry."

I ended up the call then cry out loud. I want to release all the pain.

"Aina!" Sigaw ni Leo at naramdaman ko na lang na yakap niya ako.

Nang maramdaman ko siya ay mabilis akong kumapit sa kanya habang humahagulhol ng iyak, nakatingin sa mga mata niya, sa naawa niyang mata. "He... he's not. Oh God! Why? Alex... Alex... he's... he's... not coming. He's not coming. He's not coming."

"Shhh..." mahinang bulong niya habang hinagod-hagod ang likod ko.

"I'm... I'm so... sorry. I'm sorry. I'm sorry," halos maubusan ako ng hininga habang sinasabi ang salitang huli kong sinabi kay Alex. Sobrang higpit din nang pagkakahawak ko sa polo ni Leo na patang duon lang ako kumukuha ng lakas.

It should be Alex that I am holding right now. Alex should be my escort for tonight because everything was planned by him. He should've been here.

But he didn't come. He didn't come because someone needed him. Someone that really important. Someone that he priorities than anyone else, even if its me.

Napapikit ako nang madiin ng maramdaman ko ang sobrang paninikip ng dibdib ko habang walang tigil ang hagulhol ko. Napabitaw ako kay Leo and everything turned out black.


---
Michiimichie
MERRY CHRISTMAS EVERYONE.

InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon