049

458 30 1
                                    


"Gaiyal, pwede bang makikisuyo? Padala naman nito sa guard oh, need nila ng lista natin eh?" Salita ng mga president namin sabay abot sa'kin ng papel. Kami nalang ng mga kaibigan n'ya ang narito, recess na kasi. "Masakit lang talaga ang puson ko eh." She continued.

I sighed and stood up. Kinuha ko ito at tumango na lamang sa babae. "Salamat!" Nagtungo na ako palabas.

Nitong mga nakaraan, napapansin ko sunod sunod ang mga naguutos sa'kin ah. Tsk, ano naman kayang pakana na naman ito? Well, yeah I'm still doing it anyway.

Sa paglalakad ko ay may kumpulan akong napansin na dahilan ng pagkahinto ko. Saglit ko pang tinitigan ang kumpulan na iyon hanggang sa makita ko na ang nasa gitna nito.

Alice?

She look like a mess.

Puno ito ng dumi sa katawan, I also saw her eyes being puffy. Students are bullying her. Hindi ba s'ya lalaban man lang? Tsk.

Sa pagtitig ko dito ay natigilan ako ng magtama ang aming paningin. She looked surprised, ang mga mata nito ay di ko mabasa. Nakipagatitigan lang ako rito at bumuntong hininga.

Lumakad na muli ako at nagtungo sa direksyon papuntang guard.

Eyroh and friends is on your back Alice, your knights. Ang mga katulad mo ay ay di na dapat pa pag-aksayahan ng oras tulungan knowing there always someone that'll  help you.

Napailing nalang ako ng marinig ang isang sigaw ng lalaki mula sa lugar na iyon, I think that's Elias' voice. Though, they're late already. She's already a mess.


"Guard, eto na yung list." Nagulat ang guard na kanina pa tulala nang ito'y aking tawagin.

"Ay pasensya na. Salamat, salamat." I just nodded and let him look at the list that I gave. "I'm curious..." napatingin muli sa'kin ito.

"Ha?"

"Uhm, I'm just curious, why do you need the list of the students? May mga bagong rules ba ang eskwelahan na ito?" I asked. Kita ko ang pagtitig nito sa'kin, saka napakamot ng batok. "Ah, ang totoo bago lang talaga dito kaya di ko rin sigurado eh. P-Pero, may narinig kasi ako..." Lumapit ito ng kaunti at akmang bubulong. "Narinig ko, nagiingat na ang Dean ng eskwelahan na ito doon sa balitang kidnapping sa underground. Tapos narinig ko pa may mga ayaw na pumasok na estudyante kaya, ayon, imo-monitor lahat ng napasok at nalabas dito."

Underground na naman?

Ano ba yon?

I smiled a bit to the guard. "Salamat ho." Tumango ito. "Huwag mong sasabihin sa iba na sinabi ko sa'yo ha?" I nodded and leave that guard house.

Underground...what are you? A place? What kind of place?

"Kamusta ang araw mo my lay-day?" Napangiwi ako sa uri ng tawag sa'kin ni Acer, simula nong pinakilala s'ya sa'kin ni Butler Rem ay napansin ko kung gaano s'ya ka feeling close. Tsk, kairita.

"Tsk, di mo na naman ako sinasagot, my lay-day. Alam mo dapat masanay ka na sa'kin, pangmatagalan mo akong driver ha, paalala ko lang."

Tsk, kapag nakabalik na ako sa katawan ko, di na kita driver siraulo ka. Hindi na ako sumagot dito at tumingin nalang sa labas ng kotse.

I wonder, does this guy knows about that underground thing?

"Acer—"

"Shit! Sa wakas nagsalita ka din! Akala ko mapapanisan ka na ng laway sa sobrang tahimik d'yan eh. This is a miracle!" OA nitong pagputol sa sasabihin ko. Gusto ko namang hilutin ang sintudo ko dahil sa sakit ng ulo na binibigay ng lalaking ito.

HiyalUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum