024

611 25 0
                                    


"I bought a lot of dresses and accessories for you, apo." Aniya ni Grandpa habang inabot ng mga bodyguard n'ya ang mga paper bags sa'kin. Wala akong magawa kung hindi tanggapin iyon sundan ng tingin ang mga bags. Nakaupo na kami ngayon, habang hawak ng Lolo ang kamay ko.

"I also heard that you'll go in school na." I looked at him again, and he welcomed me with his smiling eyes. Makikita mo pa rin na kahit matanda na s'ya ang kagandahang lalaki nito. Siguro'y ang gwapo nitong Lolo noong kabataan nya.

"She will, grandpa." Sagot ni kuya Arioz, nang hindi ako sumagot pare-parehas kaming napatingin sa kanila. Napansin ko wala na ang ama ni Gaiyal, mukhang umalis na. I saw how some of the eyes of Morioness had this irritated look.

Tumingin muli sa'kin si Grandpa. "That's good. Para makakilala ka ng mga kaibigan. I'm sure mage-enjoy ka doon, apo." I forced a smile at him and looked away. What I want is to go back at my real home.

"Do you have school supplies na? I also bought you some." Napaliit ang mata ko, doo'y saka biglang pumasok na naman ang mga guards na may dalang kahon. Darn! Don't tell me? Lahat ng yun school supplies?

May gulat akong tumingin sa Lolo ni Gaiyal, nakangiti ngunit kita mo ang lungkot sa mata n'ya. "Are... all of those... just for me?" I asked. He pinch my hand that he's still holding and nodded. "Yes, you like it?" He asked. I didn't answer him. 'That's too much.' I secretly sighed.

"Tsk, masyado mo na namang ini-spoil yan granpa. Mag-aaral lang naman s'ya." Biglang sabat ni Eyroh, dahilan para mapatingin kami rito, mukha itong inip na inip na at inis na inis na sa nakikita n'ya. Binitawan naman ni granpa kamay ko, napahinga ako. I made sure to hide my hand, so that he won't get it again.

Clingy grandpa mo, Gaiyal.

"Yeah, Eyroh's right. I mean, hindi kailangang maraming gamit n'yan, as if she will study hard eh. Dito pa nga lang kung mag-aral napakatamad na. Paano pa kaya kung nasa school na." Dagdag ni Dhireo, kita mo ang pangiinsulto sa mukha nito.

Ang hilig nila sa ganoong lines. Kailan kaya ako makakarinig sa kanila ng maayos ayos na salita?

"Grandpa..." mahinang tawag ko sa Lolo. Tumingin ito sa'kin. "Don't worry po, I'll study hard." I paused and gazed at my brothers. "Not like my brothers." I jokingly continued. I smiled as I saw how they eyebrows met.

"Oh? Really?" Tanong ng Lolo na parang gulat sa mga sinasabi ko ngayon.

Siguro hindi nagsasalita ng ganito si Gaiyal noon?

I sighed.

Kasanayan n'yo muna ho na ganito si Gaiyal hangga't hindi pa ako bumabalik sa katawan ko, Lolo.

I nodded. "I will make sure to make you proud po, grandpa."

HiyalWhere stories live. Discover now