046

719 31 14
                                    


"Late na late ka na ah? Sa pagkakaalam ko ay kanina pa natapos ang meeting, tapos ngayon ka lang umuwi?"

Napahinga ako ng malalim dahil sa bumungad sa akin sa bahay. Sa dami-dami ng bubungad bakit si Eyroh pa?

Hindi ko ito pinansin pa at dumiretso lang patungong hagdan.

"Ganyan ba ang uwi ng matinong babae ha?!" Tanong pa nito.

Naiinis akong binigyan s'ya ng pansin. Mag-isa lang ito habang naka-upo sa sofa, hawak n'ya ang phone n'ya at nakakunot noo na nakatingin sa'kin. "Wag kang magsalita tungkol sa pagkatino at wala ka non." Aniya kong naiinis dito.

"What?!"

Umiling-iling akong umakyat na sa hagdan at tuluyan nang iniwan ang lalaki. Sa pagakyat ko sa hagdan ay hindi ko ine-expect na makasalubong si Dad ni Gaiyal. Yumuko ako ng kaunti bilang pagbati dito.

"Bakit ngayon ka lang?" Malamig nitong tanong.

"May pinuntahan pa ho ako." I just answered. He didn't utter more words after that, kaya naman dumiretso na ako at iniwan ito.

Cold.



It's already eight in the evening, katatapos ko lang mag dinner. Nasa library ako ngayon, I am doing my homework, na dapat naman talaga ay hindi ko ginagawa. I mean, ano ba naman kasing makukuha ko sa paggawa nito? Tsk, kung ako'y binabalik n'yo na sa mundo ko eh matutuwa pa ako.

"Aral-aralan?" I was startled by a familiar voice. I looked at him, and looked away after a second.

The great Buhuer is here.

Bumuntong hininga akong hindi ito pinansin pa. Umupo ito sa tapat kong upuan at ramdam ko ang pagsubaybay ng lalaki sa aking ginagawa.

"Masyado ka naman atang nagpapaka-career sa pagpapanggap mo at nag-aaral-aralan ka ngayon?" May panunudyong saad nito. Hanggang ngayon ay talagang hindi pa rin mawala sa kanila ang ideya na nagpapanggap lang akong may amnesia. "Kahit ano namang gawin mo walang papasok d'yan sa utak mo, oh. Do you even have a brain?" Palihim akong napangiwi at pinagpatuloy lang ang pagbubuklat ng libro.

"I heard you came home late earlier? Don't tell me marunong ka ng maggala ngayon? I wonder, saan ka kaya nagpupunta?" Dahil wala akong balak na sagutin ang binata ay nag-hummed nalang ako. He silently tsk-ed at pagkatapos non ay naramdaman ko nalang na parang may sumipa sa paa ko sa ilalim mesa. Tiningnan ko s'ya.

Napakapapansin ng taong ito ah?

Tinitigan ko ang lalaki, at nakipaglaban din naman ito ng titigan.

"Oh? May bonding kayong dalawa kuya B? Bakit di n'yo naman kami sinasama?" Napatingin kaming dalawa sa bagong dating na mga binata, si Dhireo at Franque, at sumunod dito sina Calmed at Eyroh.

Tsk, hindi pa inaya si kuya Arioz nang kumpleto sila eh?

"Hoy, umalis ka na nga dyan, may gagawin kami dito!" Utos sa'kin ni Eyroh.

Tiningnan ko silang lahat nang sila'y magsiupo na rin. "Ako ang nauna dito, bakit mo ako paaalisin mo?" I asked plainly.

"Huwag kang magsimula ngayon, Gaiyal." Napairap ako sa pagbabanta ng binata.

"Go now Gaiyal. We will talk some privacy matter here and you're cooperation is so much appreciated." Napatingin ako kay Franque nang sabihin n'ya iyon. Tinitigan ko ito, hinihintay nilang lahat ang sagot ko kaya't wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.

"Okay." I just said and stood up. Kinuha ko ang mga gamit ko at tuminging muli sa kanila. "But, next time please do know how to respect someone who is just silently doing her work. Sayang ang kagwapuhan n'yo kung hindi kayo marunong rumespeto." Pagkatapos kong sabihin iyon ay saka ako tumalikod at umalis sa silid na iyon.





HiyalWhere stories live. Discover now