02

892 26 0
                                    


"Okay, mag-ingat kayo. Mag-review kayo ha, at may quiz tayo bukas."

"Yes sir!" Umalis na si Sir, kasabay ng pagaayos ng gamit ng mga kaklase ko. Tumayo na rin ako at nagayos.

"Hiyal, bye!" Paalam ng mga kaklase ko.

"Hmm, ingat kayo." Sagot ko at kumaway sa kanila. Habang iniintay si Aya mag-ayos ng gamit n'ya ay bigla akong nakaramdam ng pagtibok ng sintido ko. Ang sakit.

"Guys, pa'no? Una na kami? Ingat kayo." Paalam pa sa'kin dahilan upang mapangiti at mapatango ako.

"Ang tagal n'yo naman." Biglang imik ng isang tao sa tabi ko. Si Kennel. Doon ko napansin na tatlo nalang pala kami sa classroom. "Kayo na kaya magsara nitong classroom." Saad pa ni Kennel ng may pagka-sarkastiko.

"Maghintay ka nga." wika ni Aya, sinagot pa iyon ni Kennel. Sa sagutan nila ay wala akong naintindihan, nahihilo ako. Ang sakit ng ulo ko. Napakapit ako ng mahigpit sa upuan ko. Lately kasi, napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko, puyat ata ito eh.

"Ikaw Hiyal may—" hindi na natapos ang sasabihin ni Kennel ng manghina ako at mapakapit sa ulo. Kung hindi pa ako naalalayan agad ni Kennel ay siguradong natumba na ako.

"Hiyal, okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Aya.

Mariin kong pinikit ang mata ko. "Anong nagyayari sa'yo?" Tanong ni Kennel malapit sa tainga ko. Pilit n'ya akong tinayo ng maayos. Ngunit umalis na ako sa pagkakahawak nito at tinulungan ang sarili.

"Tsk. Kapupuyat mo yan eh." May inis na aniya ni Kennel sa'kin. Napangiti ako. "Oo na, sumakit lang ng kaunti eh." Masama n'ya akong tiningnan, ngunit kita mo pa rin ang pagaalala sa mata ng binata.

"Okay ka na? Kennel, ihatid muna natin—"

"Huwag na. I'm okay. Nahilo lang ako ng kaunti." putol ko kay Aya.

"Hindi. Ihahatid na kita. Huwag ng matigas ang ulo." Matigas na wika ni Kennel, dahilan upang mapabuntong hininga ako. Ayaw ko ng makipagtalo pa. Masakit pa ang ulo ko.

This is bad. I should sleep more. Napapadalas ang pagsakit ng ulo ko. Sleep more self, huwag ka munang magbasa please.

HiyalWhere stories live. Discover now