045

553 24 0
                                    


Nang makalayo ang kotse na sinasakyan ko sa babaeng pangalan ay Alice ay doon ako nag-cross arm at sumandal sa aking inupuan.

I am really curious why Alice is acting like that towards me?

Bumuntong hininga ako at tinuon nalang ang tingin sa unahan. "Hija?" Nagulat ako sa boses ng driver na tumawag sa'kin.

"Ikaw nga, kumusta ka? Aba't akalain mong nagkita tayo uli?" Sa muling pagsasalita nito ay doon unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

"Mang Kanor." Tawag ko rito.

"Kumusta ka Hija?" Tanong n'yang muli habang nakangiting sinusulyapan ako mula sa salamin. Tuluyan na akong ngumiti at tumango. "Ayos lang ho ako. Kayo po? Kamusta ang buhay?" I asked.

Tumawa ito. "Aba'y ayos din man. Sa awa ng Diyos ay patuloy na nakakaraos." He said making me nod.

"Wala kayong pasok ngayon? Kaya pala maagang nagsilabasan ang mga estudyante eh. Uuwi ka na ba?" Tumango lang akong muli. Nakakatuwa ang pagiging madaldal ni Mang Kanor. "Sige, sige ihahatid kita. Doon ba uli sa villege na yon?"

"Oho." Tumahimik na kami pagkatapos non. Natutuwa ako't nakita ko muli itong si Mang Kanor, may naalala kasi ako sa kanya iyong malapit na tiyuhin slash ninong ko maingay din, malakas mag-inom at tricycle driver. Iyon ang tiyuhin na talagang ka-close ko.

Sa pagbyahe namin ay dumaan kami sa isang street, traffic dito kaya't hindi ko maiwasang mainip. Kahit dito sa mundong ito, nata-traffic tsk.

"Nako, traffic ah?" Bulalas ni Mang Kanor. Tiningnan ko naman ito na ngayon ay binuksan ang bintana at s'yang pagdungaw ng lalaki. "Oy! Anong nangyayari? Bakit traffic?" Sigaw n'yang tanong sa katabi naming taxi.

Napailing ako. I miss loud voices like that, sa tinitirhan ko sa mundo ko talagang hindi mawawala ang sigawan, sa bahay kasi nina Gaiyal masyadong tahimik wala pang kapit-bahay. Akalain mong namiss ko ang pagbubunganga ni Aling Marites. Natawa ako sa sariling isipan.

"Ay, may komosyon daw pare! May putukan daw kanina ay!" May puntong sagot ng Isa pang driver.

"Aba't anong nangyari naman kaya?" Tanong ni Mang Kanor sa sarili. Ilang oras pa ay umuusad naman kami ngunit, pa-unti-unti.

Nakakainip.

Tumingin ako sa labas doon ko lang napansin na para pala kaming nasa isang palengke, ang daming tao at mga stalls. Binasa ko ang malaking sulat sa itaas. 'Centrolle'... Oh? Yun ang pangalan ng palengke nila?

"Mang Kanor... palengke po ba dito?" Tanong ko kay Mang Kanor na tumingin din sa labas. "Oo, Centrolle ang tawag dito. May 'changge' nga ngayon eh."

"Changge?"

Napatingin s'ya sa'kin. "Ay! Hindi mo nga pala alam yon. Changge ang tawag kapag maraming mga tindahan d'yan sa palengke, iba't ibang mga tinda nila, mura pa. Tapos nagaganap lang yan isang beses sa dalawang lingo."

"Alam ko ho kung ano ang changge." I silently uttered. I looked outside and smiled. Mahilig kaming mag-changge ng mga kapatid ko. They always want to go changge dahil t'wing changge lang sila nakakabili ng mga gusto nilang laruan, mura kasi doon eh kesa sa mall.

"Pwede n'yo po bang itigil nalang dito?" I asked.

"Ha? Dito? Bakit? Magaano ka dito, Hija?" Sunod-sunod na tanong ni Mang Kanor.

"Gusto ko pong maglibot dito." I just said.

"Ha? Eh, sige-sige pero hindi mo kabisado Hija. Gusto mo samahan kita?" Nagaalangan na tanong nito.

"Wag na ho. Maaabala lang ho kayo. Kaya ko po sarili. Don't worry."
Tumigil pa ito, ngunit bumuntong hininga nalang. "Sige, pero para sigurado na ligtas ka. Eto..." Binigay nito ang cellphone n'ya na keypad sa'kin. "Kunin mo number ko para matawagan mo at maiuwi kita. Baka kung anong mangyari sa iyong bata ka eh, hindi kaya ng konsensya ko." Natatawa akong kinuha ng phone.

HiyalWhere stories live. Discover now