03

774 26 0
                                    


"Nagpupuyat ka na naman." Natigilan ako sa pagsusulat ng marinig ko ang boses ni mama. "Kaya pati mga kaklase mo nagagalit na sa'yo eh." Dugsong pa nito.

"Ma, matatapos na ako. Tutulog na ako 'maya." I said making her sighed.
She handed me a milk, I pouted I as saw it. "Gatas na naman."

"Huwag kang magreklamo. Inumin mo yan, pagkatapos mo d'yan matulog ka na. Tigas ng ulo mo. Hindi na iyan tulog ng estudyante eh. Matulog ka na ha."

"Sige ho." Sinamaan pa ako ng tingin nito bago umalis.

I don't really know how can they handle sleeping eight hours a day, while me having a hard time sleeping within five hours every night. May insomnia ata ako.

Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at pilit natulog. Baka sumama na naman ang pakiramdam ko katulad kanina. Ang bigat na nga ng katawan at paghinga ko eh. I sighed.

"Ano? Okay ka na?" Si Kennel agad ang bumungad sa'kin pagdating ko sa school. Hindi agad ako nakasagot.

Hindi ko alam, mas lalong sumama pakiramdam ko. Dahil ata ito sa pagpupuyat ko kagabi. Mas bumigat katawan ko.

I forcefully smiled at him. "I'm okay na." Tinitigan lang ako nito. Tumawa ako ng mahina. "Hon, stop worrying about me." I teased him making him tsk-ed and my classmates laughed.

"Don't hit on me, Hiyal." Seryosong aniya. Umiling lang ako at umupo na. I deeply sighed and force myself to look more okay, so that my classmates won't worry.

"So, do you believe in reincarnation?" Tanong ni ma'am Rose, teacher namin sa Philosophy.

Maraming nagbigay ng opinion ngunit hindi na ako nakasabay sa kanila. Yun ay dahil sa sama ng pakiramdam ko. Hindi naman ako nilalagnat pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Yung ulo ko ang sakit. Nahihilo ako.

"Hiyal." Natigilan ako sa tawag sa'kin ni ma'am. I help myself to stand up. "Y-Yes ma'am?"

"Do you believe in reincarnation?" She asked. I gulped as I felt the heavy feeling inside my head. Ang mga kaklase ko ay naghihitay ng sagot ko.

"M-Ma'am, I...I..." sh*t, not now. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdamn ko ang pag-ikot ng sariling paningin.

Naramdaman ko ang pagbigat ng aking paghinga kasabay ng pagsigaw ng mga kaklase ko ng aking pangalan. "Hiyal!" The last word that I heard before I lost my consciousness.

HiyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon