047

499 20 1
                                    


Pinaglalaruan ko ang ballpen ko habang nakatitig sa orasan. I don't know what's with our teacher right now, at gusto kaming palabasin ng exact 4:30. Nakakainis dapat nakahiga na ako ngayon sa higaan at natutulog na. But here I am, still in the classroom with students who is only sleeping and having their own world.

Dalawang minuto nalang. Tiis pa ng kaunti, Hiyal.

"Okay class, your performance task for this quarter will be 'Let Me Know' at page 34. You will interview someone who's in the field of medicine. Ask them the five questions written on the box, then print out their answer together with your picture with them. Do you understand? Hanggang sa susunod na Friday nalang yan. Make sure to submit it before the deadline, I will never accept any late submition of it." Napabuntong hininga ako. Gagawin ko pa kaya yun?

"Okay, sige na. Class dismissed." Huling salita ng guro bago umalis ng klasrum, agad na nagsialisan ang mga kaklase ko pagkatapos non.

Nang tutungo na din akong pinto ay hindi ko naman inaasahang may makakasabay ako. Nagkatinginan kami.

Si Lucy.

Agad s'yang napaiwas ng tingin at umismid bago umatras, tiningnan ko muna ang kabuuan nito bago tuluyang umalis at lumabas. Tahimik si babae ngayon ah? That's good.

Sa labas ng eskwelahan ay may iilan kaming naghihintay ng sasakyan, ang ibang estudyante pa ay pasulyap-sulyap sa'kin.

Ano naman kayang problema ng mga ito?

"Hindi ba s'ya sumasabay kina Pres?"

"Lagi naman yang nagko-commute eh."

"Hindi talaga sila okay 'no?"

"Masama daw ugali n'yan sis."

"Oo nga, ang dami kong naririnig about sa kanya kaya..."

Napataas ang kilay kong tiningnan ang mga babaeng nasa kaliwa ko, nagbubulungan pa rinig ko naman. Agad itong nagsi-iwas ng tingin ng tingnan ko.

Kanina pa ako naghihintay ng sasakyan, ang tagal-tagal. I get my phone and tinawagan si Mang Kanor.

Sayang ang phone number kung hindi tatawagan.

Nang matawagan ko ito, ay sinabi nya na maghintay lang daw ako ng kaunti dahil kakahatid nya lang sa isang pasahero nito. Kaya't naghintay pang muli ako. Kaysa naman sa wala akong masakyan.

"Alice, wait. Hintayin mo kasi ako." Napatingin kaming lahat sa pagsigaw ng isang lalaki. Doo'y dumating si Alice sa hanay namin. Sumunod dito si Elias na dahilan nang pagkatuwa ng mga kababaihan.

"Sorry na, di ko naman alam na mapa-flat yung gulong eh." Kamot-ulong aniya nito sa dalaga. I stared at them while they are talking with each other. Alice seems just a normal girl while talking to the guy.

I am staring at them until Alice looked at my direction. She looks startled. Napatingin din naman si Elias sa direksyon ko. "Oh? Hey, Gaiyal." The boy greet me, making me just nod at him. But what caught my attention is Alice that is now just staring at me intently.

Lalapit na sana sila sa pwesto ko nang may bumusina, ang taxi ni Mang Kanor. Sumakay ako doon bago pa makapagsalita si Elias sa'kin. Hindi ko na rin sila binigayan pa ng pansin.

"Pasensya ka na Hija kung napatagal ha?" I smiled at the elder man.

"Okay lang ho." Gumanti ito ng ngiti sa'kin at pinatakbo ang sasakyan. Ngunit huli na rin pala nang mapansin kung may katabi si Mang Kanor sa passenger seat. Pati s'ya ay gulat din nang makita ako. "G-Gaiyal?" The girl stutter.

"Bella." I call her name.

"Magkakilala kayo 'nak?" Mang Kanor asked.

"Anak?" I uttered.

HiyalWhere stories live. Discover now