029

970 43 5
                                    


Nang makaalis ang mga apo ni Adolfore Morioness, ay s'yang pagpasok n'ya sa loob ng mansion. Binalot siya ng lungkot dahil sa mga nakikita n'ya sa kanyang mga apo lalo na sa nagiisa nitong apong dalaga.

"Grandpa, nakaalis na sila?" Tanong ni Arioz nang makarating s'ya sa opisina ng kanyang anak na si Zehros.

Si Arioz ang panganay na Morioness ay isang CEO ng isa nilang kompanya.

Habang si Buhuer naman, wala pang nakakaalam ngunit siya ang bagong Dean ng eskwelahan na papasukan ng magkakapatid na Morioness, ipinasa ito ng kanilang Lolo Adolfore sa kanya nang magdesisyon itong manatili nalang sa probinsya.

"Yeah." Sagot ng matanda sa panganay na apo.

"Is there something wrong Gramps?" Tanong ng apong si Buhuer nang mapansin ang mukha ng Lolo. "Don't tell me, walang nagsabay sa apo nyong maarte?" Natatawang dagdag na tanong pa nito.

Hindi s'ya sinagot ng matanda bagkus ay tiningnan nalang nito ang anak na si Zehros na nakaupo ngayon sa kanyang upuan at nakatingin din sa kanya.

"Look what you did to my granddaughter, Zehros." Seryosong saad nito sa anak na nakapagpatigil sa mga tao sa loob. Pare-parehas na nagtinginan ang dalawang apo sa isa't isa na nasa loob ng opisina, saka muling tumingin sa kanilang Lolo.

"Tell me what's you plan to her." Bubuntong hiningang tanong pa nito.

"Grandpa—" Hindi na naman natapos ang sasabihin ni Buhuer nang muling magsalita ang matanda.

"Gaiyal is sick. She has amnesia. She changing, son. And she looks..." Tumigil ang matanda sa sariling mga sinasabi at pumikit ng mariin.
'She looks different now.' Aniya sa isipan na hindi na niya isinatinig pa.

Zehros clenched his fist secretly. 'I know that. I can see that. But what will I do?' Tanong naman nito sa kanyang isipan.

"Grandpa, I don't really get you for worrying like that to her. I mean, gagaling din yon. Why are wasting your time to Gaiyal?" Takang tanong ni Buhuer sa Lolo na ikina buntong hininga ni Arioz.

Hindi lang din kasi nagugustuhan ni Buhuer ang pinapakitang pagaalala ng Lolo n'ya sa kanyang kapatid na babae. Para kay Buhuer, his Lolo is just wasting his time on Gaiyal. As if namam na hindi na ito makakaalala pa. Ayaw n'yang nakikita na binibigyan masyado ng atensyon iyang si Gaiyal dahil alam n'ya na lalaki lang ang ulo nito. He don't like whenever Gaiyal got so full of herself.

"Grandpa, Buhuer is right. Gaiyal will be okay." Pagdudugsong ni Arioz sa sinabi ni Buhuer upang takpan ang inis na tono ng kapatid.

Their grandpa looked at them with the hint of sadness. "I hope too. Sana nga Arioz, sana." Sagot n'ya sa apo at tumingin muli sa anak na ngayon ay umiwas lamang ng tingin sa kanya.

'Sana nga. Dahil hindi n'yo magugustuhan kung tuluyang magbago si Gaiyal. Sa ngayon na nakikita ko, delikado kung hindi s'ya bumalik sa dati, apo.'

Sa mga pag-uusap nilang iyon ay may isa sa kanila ang bumigat ang loob sa di malamang dahilan. 'I know, it's my fault for not taking care of her. I wish she'll regain her memories as soon as possible dahil baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko kung hindi iyon mangyari.'

HiyalWhere stories live. Discover now