CHAPTER 31

5 2 0
                                    

HE wakes up early and he's surprised to see Taia already on the balcony. Gumising siya ng maaga para sana magluto na hindi nito makikita pero nakita niyang nagkakape na ito sa may balkonahe. He checks the time and it's 4:10 in the morning.

"Good morning." Bati niya rito at tumabi rito.

"Good morning din." Bati nito pabalik sa kaniya.

"Ang sariwa ng hangin." Sabi niya nang biglang humangin.

"Hmm. Malayo kasi ang lugar na ito sa syudad kaya presko ang hangin. Maraming bahay lang ang nagbago pero ganun pa'rin ang lugar. Isang bagay na ang ganda pa'rin dahil ayaw ng mga tagarito na sumabay sa mga bagong buhay, alam mo yun...modern world." Sabi nito sa kaniya at napapatango siya dahil may mga tao pa'rin pala na ayaw kalimutan ang pinaghirapan ng mga unang tao na mapanatili ang lugar na hindi mababago ng kahit na sino man.

"How's your sleep?" he asked and she give him a cup of coffee. He was confused that she's beside him few minutes ago.

"Habang tulala ka ay naisipan ko'ng iwan ka para gawan ng kape. Ayos naman ang tulog ko, ikaw ba?" tanong nito sa kaniya at sumimsim muna siya.

"Okay naman." Sabi niya rito pero ang totoo hindi dahil sa kakaisip niya na baka may iba pa'ng gusto manligaw rito. He scanned her from head to toe and drink again.

She's already beautiful even without makeup and just wearing a daster.

He smiled of the thought that this woman doesn't effort that much of herself to be beautiful and he can see it that she believed in herself that she's beautiful. Napatingin siya sa mga tao na gising na kanina pa.

"Ganito ba ang mga tao rito?" tanong niya.

"Oo. Iyung bahay na iyon...3am palang ay gising na. May mga paniniwala kasi sila na kapag maaga ka'ng gumising at binubuksan mo na ang pinto at bintana mo sa madaling araw ay papasok ang grasya sa tahanan mo. Para maging magaan ang pamumuhay at pagpasok ng grasya sa pang araw-araw na kailangan." Sabi nito at nakatingin lang siya rito habang nagsasalita ito. He really love  hearing her voice.

"3am? That's too early." He said in disbelief.

"Yeah. Sina Mama at Papa nga kanina pa gising." Sabi nito.

"Look! Papasikat na ang araw. Namiss ko 'yan." Sabi nito at tumingin sila sa bundok na tanaw sa kinaroroonan nila.  He looked at her and he can see the glimpse of happiness in her eyes. Pumikit ito at sakto na dumampi ang sikat ng araw sa magandang mukha nito.

"You're beautiful inside and out." He said with a smile. He saw her lips formed a smile.

"I know, Dave." She said and slowly open her eyes the looked at him.

"I'm glad that you know that you're beautiful." He said with a smile.

"Maganda ako kahit hindi na ako mag-ayos. Wala naman kasing ginawa na panget e. Naniniwala pa ako na may panget na ugali. Baba ka na magsisibak ka pa ng kahoy." Sabi nito sa kaniya na ipinagtaka niya.

"Ano yun?"

"Yung kahoy pagpipira-pirasohin mo para may magamit na panggatong. Gumagamit lang kami ng stove kapag may okasyon at for emergency purposes. Gusto mo ko makilala ng lubusan 'diba? Simulan mo ng kilalanin ang mundo na meron ako na malayo sa mundo mo." Sabi nito at naglakad pero huminto at hinarap siya.

"Good luck. Kung gusto mo na marinig ang matamis na oo ko, simulan mo ng gumawa ng paraan para marinig ang isa pang oo." Sabi nito sa kaniya at umalis na. Napangiti siya sa mga sinabi nito at ininom na muna niya ang kape niya habang nakatingin sa sikat ng araw na nagbibigay ganda at liwanag sa lugar.

FUTURE HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon