CHAPTER 6

14 3 0
                                    

MAAGA siyang gumising para ipaghanda ng pagkain ang mga kaibigan niya. She looked at her friends still sleeping and some are snoring. She smiled of the view she's seeing right now. It's one of her dreams to live with this beautiful ladies.

Aanhin ko pa ba ang love life kung meron na akong mga kagaya nila?

Napabuntong hininga nalang siya at nang makita niya ang oras ay agad niya itong ginising.

"Gising na!"sigaw niya, ang iba ay nagtakip pa ng unan sa tenga nila at ang iba ay nagtalukbong ng kumot.

"Hala kayo! Parang walang mga pasok ah! Gising na! Nagluto na ako ng paborito niyo kapag hindi pa kayo-" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay para itong mga binombahan sa isang higaan na grabe makatayo at nagtakbuhan papuntang kusina na parang hindi siya nakita.

"What just happened?" she said out of nowhere. Napakibit-balikat nalang siya at niligpit ang mga hinigaan ng mga ito at umakyat sa taas para katukin ang tatlong tinakot nila kagabi.

"Astrid, Yvoñe at Sierra? Gising na ba kayo?" Tanong niya at dinikit ang tenga sa pinto.

"Okay ka na ba, Taia?"tanong ni Astrid na ikinangiti niya at pinipigilan ang sarili na huwag tumawa.

"Oo naman. Lumabas na kayo diyan para sabay-sabay na tayong mag-almusal." Sabi niya at bumukas ang pinto. Sumalibong agad sa kaniya si Astrid na medyo magulo pa ang buhok. Napakunot-noo siya ng tignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Okay ka na nga? By the way, good morning, Kafated." Bati nito at kumaripas na ng takbo na hindi niligpit ang higaan.

"Huy!" Tawag niya rito pero tumawa lang ito na parang bata. Nakita naman niya na si Yvoñe ang nagliligpit sa higaan kaya tinulungan na niya. Nagtayaka siya bakit wala si Sierra.

"She's in the bathroom. Nature calls." Yvoñe said, seems like she already knew what she's looking for. Napangiti nalang siya at tinapos nila ang pagliligpit.

"Did you guys sleep well, last night?" She asked while putting the blankets in the cabinet. She was confused when no one answered and when she looked behind her, Yvoñe and Sierra are gone.

"Kagaling." Sabi niya nalang at bumaba na. Mula sa sala ay dinig na niya ang tawanan ng mga ito at mga chismis.

Hindi talaga nawawala ang chismis bilang side dish nila.

"Ta's alam niyo ba? May chupape na sobrang gwapo na nag check-in sa hotel mga Te!" Chika ni Anelle, may iba sa kanila napapailing, may iba naman tumitili at may iba na napapangiti nalang. Umupo na siya sa pagitan ni Adrienne at Miyoki.

"Tagal mo."sabi ni Adrienne. Sinabi naman niya ang dahilan rito at nilagyan ni Miyoki ang plato niya ng pagkain.

"Thank you."mahinang sabi niya, ngumiti naman ito at nagpatuloy sa pagkain.

"Sobrang gwapo ba?" Atat na tanong din ni Dove.

"Ay Te, sobra! Aah! As in. Yung mga naiimagine mo sa mga stories na nababasa mo. Gosh! Ganun!" Masiglang kwento ni Anelle.

"Ano name?"tanong ni Astrid.

"Ayt iyun lang. Hindi ko nakuha name. Hindi naman kasi ako yung humarap sa kaniya." Malungkot na wika nito na ikinatawa niya.

"Weh? Himala ata na hindi mo nakuha name niya. When it comes to men, I know you have ways to get his or their names. Lalo na pag gwapo."nakangiting sabi niya rito. Napatili naman agad ito na ikinagulat ng lahat.

"Omeged! You're so right! Yes, I got his name. Ako pa ba? No. No way, straight way." Sabi nito at napatawa sila sa mga gestures nito na from out of this world.

FUTURE HUSBAND Where stories live. Discover now