CHAPTER 11

5 2 0
                                    

NASA garden house pa'rin sila at tama nga ang kutob niya na gigisahin siya ng mga ito hanggang masunog. Nasa loob kasi sila ng tent na pang maramihan talaga at naka indian seat silang lahat habang siya ay nasa may dulo. Iba ang mga tingin nito sa kaniya samantalang sila Miyoki, Dhara, Adrienne at Dionne ay nasa labas ng tent, nag-iihaw para may makain pa sila.

"What?" Pagmamaang-maangang tanong niya at umiwas ng tingin sa mga ito.

"For long years we let you do what you want to do. We didn't push you to tell us everything but, now? Hindi na pwede. When the butler of Daniel Dave Evans Oh called  Sierra, we were confused. Tapos malalaman pala namin kay Sierra kagabi na ikaw ang pasyinte niya." Sabi ni Amity na nakatingin sa kaniya.

"Ayaw namin makialam sa totoo lang pero nag-aalala kami sayo. Bakit andun ka?" Sabi ni Mallory na kumakain ng Piatos.

"Hindi ba dapat nasa bahay ka nila Baeps?" Sunod na tanong ni Chance, akala niya matatapos na ang mga tanong na iyun kay Chance pero sumunod pa na nagtanong ang iba. Napahilamos siya at tinaas ang dalawang kamay na parang suko na siya.

D*amn. Hindi talaga ako nakakapaglihim sa mga 'to.

"Fine. Sasabihin ko na." She said and hug her favorite strawberry pillow. Tinitigan niya muna ang mga ito isa-isa at halos lahat ay naghihintay lang sa sasabihin niya. Napatingin din siya kina Dhara, Miyoki, Adrienne at Dionne na nag-iihaw pero alam niyang nakikinig lang sa kanila.

Huminga siya ng malalim at yumuko.

"Dumating ang tito ko dun-" Hindi pa siya natatapos nang halos lahat nagreact.

"ANO?!" Sigaw ng mga ito kahit ang mga nasa labas at patakbong pumasok ang mga ito sa loob ng tent.

"P-Paano nangyari yun?"sabi ni Yvoñe.

"May ginawa ba sayo?"sabi ni Miyoki.

"Sinaktan ka ba?"sabi ni Dionne.

"Bakit siya andun?"sabi ni Anelle. Ang iba ay hindi na dumagdag na magtanong dahil hinihintay nalang ang paliwanag pa niya.

"Okay ka lang ba?" si Adrienne. Napatingin siya sa mga ito at ngumiti saka hinampas si Lovely sa may balikat ng unan pero mahina lang.

"Ano ba kayo hahahahaha.... Okay lang ako noh." Sabi niya sa mga ito at agad naman siya pinitik sa noo ni Sierra na ikinadaing niya.

"You're not okay. May pantal sa braso at likod mo sa may bandang bewang. Ang putla mo din kagabi. Ano ba talaga ang nangyari?" Sabi ni Sierra. Nanlalamig ang mga kamay niya, nagsisitayuan ang balahibo niya, at higit sa lahat naiiyak siya pero ayaw niya na makita ng mga ito na umiiyak siya. Ayaw niyang pinag-uusapan ang nakaraan niya lalo na sa lalaking sumira sa buhay niya.
Huminga siya ng malalim at pumikit.

"He harassed me and...w-want to marry me." She finally said it and before her friends could react or say anything, they saw tears falling from her eyes down to her cheeks.  Agad niyang pinigilan ang mga ito nang akmang lalapitan siya para yakapin.

"Wag...h-huwag niyo akong yakapin. A-Ayoko na masanay ako na g-ganiyan kayo sa'kin...k-kasi minsan niyo na akong iniwan pero hindi ko kayo iniwan." Mahinang sabi niya dahilan para mapaiwas ng tingin si Dhara, Astrid, Zeyana, Kyomi at Keturah sabay tulo ng mga luha nila.

"T-Taia-"si Kyomi. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya at umatras ng kaunti sabay yakap sa sarili niya.

"Taia?"sabay na takang tanong ng mga ito. Halos lahat sa kanila ay may mga luha na.

"Diyan lang muna kayo. H-Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon...m-masyadong masakit."sabi niya at tumulo na ang luha niya pero walang emosyon ang mga mata niya. Halos lahat sila ay nagulat sa Taia na nakikita nila.

FUTURE HUSBAND Where stories live. Discover now