chapter 19 (epilogue)

99 7 1
                                    

Nagising ako na ang una-unang nahagilap ng aking mga mata ay si mama. Bumangon ako at niyakap ko siya. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Hinihimas-himas ni mama ang likod ko. Paraan niya ito para pakalmahin ako.

"Ma, nanaginip ako. Si Dr. Bliast-"

"Sshh... Tama na, nak." Umiyak si mama. Nagkatitigan kami. Makikita sa expression niya na may masakit na nangyari. Tyaka ko na-realize na hindi panaginip ang lahat. Totoo ang mga sinabi ni Dr. Drake.

Nanginginig akong napatakip ng bibig para mapigilan ang malakas na hagulhol. Hindi ito naging sapat. I cried as if there's no tomorrow. Mama still hugging at me. She tried to calm me down but failed. I got off the bed and left the room. Paglabas ko... saka ko nalaman na nasa hospital ako.

Sinundan ako ni mama at muling niyakap. "Nak, please, tama na." Pagmamakaawa niya.

"Mama, si Bliast! Gusto ko siyang makita! He's not dead right?!" I was in denial.

"W-wala na siya, nak. Wala na siya." Mama murmured.

"No! Binigyan niya ako ng assurance na hindi niya ako iiwan. Mama, hindi pa siya patay!" Giit ko. "Hindi ko pa nasabi sa kan'ya kung gaano ko siya kamahal."

I suffered a lot. I cried a lot. I hurted a lot. Is this really what God wants for me?

Kung ang nakatadhana para sa akin ay ang kalungkutan, ayaw ko nang tumutol. I am very tired being a fighter. Nakakapagod na ang lumaban. Ayaw ko na. Gusto ko nang pahinga.

"Nak, pupunta si Dr. Drake bukas dito para bisitahin ka." Paalala ni mama. Nilapag niya ang isang basong tubig sa nightstand. "Uminon ka ng gamot bago matulog. Good night, nak." Lumabas siya sa k'warto ko.

Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kesame. Wala akong balak na uminom ng gamot. For me, ayos na ako. I'm not sick anymore. I don't need medicines. I don't wanna depend my life, my happiness from it. I'm already healed.

Pinikit ko ang aking mga mata. Napangiti ako nang masilayan ang matamis na ngiti ng nag-iisang lalaking nagbigay ulit ng saya sa buhay ko. Nilahad niya ang kan'yang kamay sa akin para hingin ang kamay ko. Binigay ko rin agad ito.

"Wife, can I dance with you?" Dr. Bliast asked.

I smiled. "You can dance with me forever."

Holding each hands, I stood up and we started dancing without a music. I put my hands in his shoulders while his was on my hips. Bawat indayog ng aming mga katawan, mararamdaman kung gaano namin kamahal ang isa't isa. In the end, I was writhing in pain when he was vanished.

Humiga ako sa kama, yakap-yakap ang sarili. Hindi ko mapigil ang mga luhang dumadaloy. Basang-basa na ang mukha ko pati ang aking unan.

Eight in the morning dumating si Dr. Drake sa bahay. He's my psychiatrist. Hindi siya narito para bisitahin ako bilang kaibigan, kung hindi bilang doctor ko.

"Rae, nakikinig ka ba sa akin?" Tanong ni Dr. Drake. "I know it's-"

"Dr. Drake, please, leave." Pagputol ko sa sasabihin niya. "Ilang beses ko na sinasabi sayo na okay na ako. Weeks na ang lumipas. Tanggap ko na."

"Rae-"

Tumayo ako dahilan na naputol ulit ang sasabihin ni Dr. Drake. Lumapit si mama sa kan'ya, dumeretso naman akong pumasok sa k'warto ko. Ni-lock ko ang pintuan at humiga sa kama.

Masakit ang ulo ko at buo kong katawan. Naninikip rin ako ang puso ko. Buong araw kong nararamdaman ang mga ito. Pero binaliwala ko lamang. Alam kong isang araw maglalaho rin ang mga ito.

Kinuha ko ang laptop ko sa nightstand at nilapag ko ito sa kama. Nag-log-in ako sa laro. Nag-form ako ng team at ininbitahan ko si solo.  Pero walang tumanggap ng imbitasyon ko. Hinampas ko ang laptop sa sahig saka bumalik sa higa. I cried and tired.

"Nak, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni mama na nasa labas ng k'warto. "P'wede mong buksan? Mag-usap tayo."

Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking mga daliri. Pinilit ko ang sarili na tumigil sa kakaiyak. "Ayos lang ako, ma. Nahulog lang ang laptop ko."

"Buksan mo ang pinto, Raessemie!" pasinghal na utos ni mama. "Buksan mo 'to, ngayon na!"

Pinagbuksan ko si mama ng pinto. Namilog ang mata niya nang makita ang laptop kong basag na nasa sahig. Umupo ako sa gilid ng kama.

Pinulot niya ang laptop. "Anong nangyari dito?"

"Hindi ko sinadyang nahulog," sagot ko.

Inilapag ni mama ang laptop sa nightstand. Tumabi siya sa aking umupo. Hinawakan niya ang aking kamay. Napatitig rin ako doon.

"Nak, mangako ka sa akin, sasamahan mo ako hanggang sa pagtanda." Umiiyak si mama.

Ngumiti ako. "Pangako, mama."

Yumakap si mama sa akin. Nawala ang ngiti ko. Actually, wala akong kasiguraduhan na matutupad ko ang pangako ko. Napakaikli lang ng buhay.

Ako ang unang dumestans‘ya kay mama. Ibinalik ko ang ngiti ko sabay tayo. "Maliligo na muna ako, ma."

"Sige. Lalabas na ako." sabi nito. Tuluyan nang lumabas si mama.

Naglaho ang ngiti ko. Tumulo ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala. Marahas akong umupo ulit sa gilid ng kama.

Lalong lumala ang paninikip ng aking dibdib. Napahiga ako sa kama habang hawak-hawak ang dibdib. Nahihirapan akong makahinga.  Lumaban ako para sa sariling buhay pero nabigo ako. I slowly closed my eyes while my breath became deeper and deeper. I still want to hold on for mama, but my life in this moment not in my hands anymore.

“Mama, I'm sorry for leaving you..”

"Wife, finally you're here. I'm waiting for you. I know you'll come."

Nakatayo si Dr. Bliast sa ilalim ng maple tree. Tinakbo ko ang pagitan namin at yumakap sa kan‘ya. Umiyak ako sa saya at walang balak na bitawan pa siya.

"H'wag kang umiyak. Hindi ba sabi ko ayaw kong umiiyak ka." Ani Dr. Bliast.

"H'wag mo na akong iwan. Hindi ko kayang mawala ka sa piling ko. Mahal na mahal kita, Bliast." Tuloy ang pagtulo ng aking mga luha.

Wala nang lungkot, wala nang luha. Sa after life na ito, alam kong kasiyahan na lamang ang mararamdaman. Goodbye those heartaches and pain that I experienced.

"I have something for you," Dr. Bliast murmured.

Bumitaw ako sa pagkayakap kay Dr. Bliast. "Ano 'yan?"

May tinuro si Dr. Bliast sa bandang kanan namin. Mas lalong sumigla ang ngiti ko nang makita si ceilo. Tumatahol siya habang papalapit sa amin. Tumalon siya sa akin, niyakap ko naman ito.

"Ceilo, I miss you so much!" Hinahalik-halikan ko ito.

"Woof! Woof!" Tahol ni ceilo. Dinidila-dilaan niya ang aking mukha.

Dr. Bliast hugged us. "Wife, I love you."

"I love you too, Dr. Bliast." I responded.

Dr. Bliast Montebello saved me in darkest part of my life. He became my smile at fiction world. And we found each other again in a world that there is unending happiness.

I called this world, after life.

The. End.

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now