chapter 18

80 8 0
                                    

"Wife, nak'wento ko na ba sa'yo na nawalan din ako ng kapatid dahil sa aksidente?"

Nawala ang tawa ko. Seryoso akong tumitig sa kaniya. His serious expression turns into painful reaction. Sumikip bigla ang dibdib ko.

"She's younger than me," Dr. Bliast added. His eyes were on the sea. "Naaksedente ang taksi na sinsakyan niya. She died on the spot. I was been in depression. Nilaban ko ito ng mag-isa."

Tumulo ang mga luha ko. Palagi akong inaalala ni Dr. Bliast, inuuna ang nararamdaman ko, without knowing na may pareho kaming may masakit na nakaraan.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagkatitigan kami. Ngumiti siya sa akin pero maaaninag pa rin sa expression niya ang sakit na nararamdaman. Niyakap ko siya. Gusto kong maramdaman niya na sa pagkakataon na ito hindi siya nag-iisa.

Bumitiw ako sa pagyakap sa kan'ya. Ngumiti ulit siya sa akin sabay ang pagpahid niya sa pisngi kong basa sa luha. Hinalikan niya ako sa noo. Napangiti nalang rin ako.

"Don't cry, wife. Nasasaktan ako kapagnakikita kang umiiyak."

"I won't cry again. Anymore." I murmured. Isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. "Ito ba ang dahilan kung bakit ka nag-psychiatrist? To treat yourself from depression..."

"No. Nag-psychiatrist ako para tumulong," sagot nito.

"Hindi ka lang tumutulong, Bliast. Niligtas mo ang mga kagaya ko. Salamat." I smiled.

Walang mga salita na maka-describe kung gaano ako kaswerte na kilala ko siya. Walang mga salitang maka-describe kung gaano ako kaswerte na ako ang nagustuhan niya. Sa dami-daming babae sa mundo, mapapaisip nalang talaga kung bakit ako.

Humarap si Dr. Bliast sa akin. Napatuwid na lamang akong umupo.

"Wife, thank you for coming into my life." Malambing niyang sabi. Sinapo niya ang aking pisngi. Hindi ko expect ang sunod niyang ginawa.

I intently closed my eyes when Dr. Bliast's lips was on mine. His hands was on my hips. I put my hands on his shoulders. Banayad na gumalaw ang labi niya. Wala rin akong ibang ginawa kung hindi gayahin ang bawat galaw niya.

Habol ang hininga na inilayo ko ang aking labi sa kan'ya. "B-bliast..." I have something to say but I don't know how to say.

"Amhn... May sasabihin ka, wife?" Ngumisi siya.

"Balik na tayo sa cabin, nagugustom na ako," sabi ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi 'yon ang gusto kong sabihin.

Tumayo si Dr. Bliast. Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Humawak ako dito at tumayo. Magka-holding hands kaming bumalik sa cabin ko.

"Pasok kana, I'll buy food for us," Dr. Bliast said.

"Take care." Paalala ko dito. "Balik ka agad ah. Hihintayin kita."

Ngumiti siya tyaka tuluyan nang tinalikuran ako. Nakatingin ako sa likuran niya hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Pumasok ako sa cabin. Naligo ako ng sariwang tubig. Nagbihis ako, pinatuyo ang buhok tyaka ako humiga sa kama. Napangiti ako habang iniisip ang halikan na nangyari kani-kanina. Kinapa ko ang aking labi. Hindi ko napigilan ang kilig ko. 

Pinakalma ko ang aking sarili. Bumuga ako ng isang mahabang buntonghininga. Napagdesesyonan ko na matulog muna habang hinihintay si Dr. Bliast. Napuyat ako sa kakalangoy sa dagat. Ipinikit ko ang aking mga mata.

"Rae... Help!"

I heard my brother's voice outside the cabin. Tumayo ako at daling lumabas. Nakita ko si kuya, nakatayo sa hindi kalayuan. He's coated by his own blood.

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now