chapter 6

71 9 0
                                    

"Nak, Hindi ka muna p'wede maglaro ng online game na 'yan. Binilin ni Dr. Bliast na pagbawalan ka muna."

"Ma, just twenty mins. Magpapaalam lang ako sa mga kalaro ko," pamimilit ko. "Just twenty minutes, please..."

Bumintonghininga si mama. Tumango siya. Wala siyang nagawa kung hindi pumayag. Hindi rin naman ako titigil sa pamimilit kung hindi niya ako papayagan.

It was seven in the evening. Nagmamadali kong binuksan ang laptop ko. Nag-online agad ako sa laro. Cheneck ko agad kung nag-online si Solo. Napangiti ako nang makitang online ito. Nag-message agad ako sa kaniya.

[Good evening,] entro ng message ko. [Gusto ko lang magpaalam na hindi ako makaka-online few days. Meron lang akong importanting gagawin.]

Nag-reply agad si Solo. [Hi, how are you? It's okay. Naiintindihan ko. Sorry dahil hindi ako online last night. Nakatulog kasi ako. I'm very sorry. Sorry talaga. Forgive me.]

That moment, I really wanna tell him about what happened to me. That moment, I want to cry while saying the words, 'don't do that again'. But that moment, I also think, it's not his fault why I experienced those panic attack again.

[It's okay, Solo. Hindi rin naman ako nag-online.] response ko. [Out na ako. Nag-online lang talaga ako para magpaalam sa'yo. Baka magtaka kasi kayo sa akin.]

[Okay. For last time, I'm sorry. Off kana, mag-o-off na rin ako. Hinihintay lang rin kita na mag-online eh.] message niya.

[Good night, Solo] message ko bago nag-offline. Bumuntonghininga ako na sinira ang laptop ko. Napalingon ako sa likuran ko, nandoon pa rin pala si mama. Hindi pala ito umalis mula kanina.

"Sino yung ka-chat mo kanina?" Tanong ni mama Julie. "Siya ba ang rason kung bakit hindi ka nakatulog kagabi?"

"Just a friend, mama." sagot ko. "Nope, wala siyang kinalaman, ma."

Ayaw kong sabihin ang totoo. Sigurado ako na kung malalaman niya na si Solo ang dahilan ng pag-panic attack ko kagabi, hindi na niya ako tuluyang palalaruin. Ayaw kong mangyari iyon.

Nilagay ko sa nightstand ang loptop. Humarap ako kay mama. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil sa pagsisinungaling ko. At alam kung alam niya na hindi ako nagsasabi ng totoo. Walang ina na hindi kilalang-kilala ang anak.

"Naniniwala ako sayo," sabi nito. Inabot niya ang gamot ko kasama ang isang baso ng tubig. Tinanggap ko naman ito at ininom. "Matulog kana." ani mama bago lumabas ng kwarto.

Humiga na ako. Nakaramdam ako ng pagka-dizzy dahil ito sa gamot na ininom ko. Effect talaga nito ang pagiging dizzy lalo na mataas ang dosage. Pipilitin nitong makatulog ang patient.

Medyo masakit ang ulo ko nang magising ako. Nakangiwi akong bumangon. Naglaho lamang ito nang may narinig akong tikhim. Boses lalaki ito. Kinabahan akong lumingon sa bandang kanan ko kung saan nagmula ang boses. Napanganga nalang ako sa gulat nang makita si Dr. Bliast. Nakaupo ito sa isang upuan katabi ng bed ko. Anong ginagawa niya dito?

Dr. Bliast smiled. "Good morning."

Napakurap-kurap ako. "A-anong ginagawa n'yo po dito? Nakatulog naman ako ng maayos kagabi."

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now