chapter 7

80 8 0
                                    

Narinig ko na parang may kausap si Dr. Bliast. Lumabas ako sa kwarto at cheneck kung sino ang kausap nito. May tumatawag lang pala sa cellphone niya. Papasok na ulit ako sa kwarto nang narinig ko ang sinabi ni Dr. Bliast sa katawag niya. Kaya napahinto ako.

"Nope. Hindi ko pa sinasabi... Tumityempo lang ako. Yup, kasama ko siya now." rinig kong sabi ni Dr. Bliast sa kausap.

Nagtaka ako. Sino ba ang pinag-uusapan nila? Ako?

"Stop it, Zander! No, I won't do that!" dagdag pa nito.

Tumikhim ako para kunin ang attention ni Dr. Bliast. Nang makita niya ako agad niyang binaba ang cellphone. Lumapit siya sa akin na nakangiti.

"Hi, kanina kapa ba d'yan?" Tanong nito sa akin.

"Yes," sagot ko. "Pero hindi ko naririnig kung anong pinag-uusapan nyo ng katawag mo. Baka mapagkamalan mo pa akong chismosa."

May malaki siyang ngiti sa labi. "I didn't say that."

Na-distract ako sa uri ng ngiti niyang iyon. Napalunok ako saka iniwas ang paningin sa kanya. Sumulyap ako sa kanya, ganoon pa din ang ngiti sa kanyang labi. Inilayo ko ulit ang mga mata ko sa kanya. His smile make me feel uncomfortable. Lalo kasi siyang gumagwapo.

Tumikhim siya. Dumayo ulit ang paningin ko sa kanya. Naglaho na ang ngiti niyang iyon pero nakatitig parin siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"You're so beautiful," he said.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin. Ako una pumutol sa titigan namin at walang anu-anong pumasok ng kwarto. Lutang akong umupo sa gilid ng kama ko habang nakahawak sa dibdib na ang lakas ng kabog.

Bahagya akong napaiktad ng may kumatok sa pintuan. Alam kong si Dr. Bliast ito. Dahan-dahan akon lumapit roon at binuksan ang pinto. Pagkabukas bumungad siya sa tapat nito. Sira-bukas ang bibig niya na parang hindi niya alam kung anong sasabihin.

Humakbang siya nang isang beses papasok sa kwarto ko. Napahakbang rin ako ng isang beses paurong. Nabigla ako sa kilos niyang iyon.

"A-anong gusto mong ulam? I can cook it for you." casual niyang sabi. Umaakto siyang parang hindi niya ako sinabihan ng mga katagang 'you're so beautiful'. Naiinis tuloy ako.

"Lutuin n'yo po kung anong gusto n'yo." Iritable kong sagot.

"Okay..." Just what he responded.

Kumunot ang noo ko nang may naiisip. Tiningnan ko siya ng masama. "Teka... bakit kapa andito? Diba sabi mo aalis kana pagkatapos kong kumain."

"I thought you agreed to stay me," he was acting confused. "I asked you earlier."

The fact that he knows everything my pain, maybe it's the reason why I can talk like this to him. Keeping the head's up and lifting my one hundred percent self confident. This is me without mental illness.

"I didn't say yes," pinagdilatan ko siya. Natawa naman siya dahil dito. "What's funny?" I was annoyed by his laugh.

"You're so cute."

Kanina beautiful, ngayon cute. Ano ba talaga?

"Anu-ano nalang pinagsasabi mo." This time, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi sa kilig.

Hindi maipinta ang mukha ko nang lumakas ang tumawa ni Dr. Bliast. Pakiramdam ko katawa-tawa ako sa paningin niya. Natahimik rin naman siya, siguro napagtanto niyang nagagalit na naman ako sa kanya. Tumikhim siya at sumeryoso. Ang bilis nagbago ng mood niya.

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now