chapter 8

76 8 0
                                    

"Nak?"

Tinulak ko si Dr. Bliast palayo sa akin nang marinig ko si mama. Hindi ko yata kayang makita niya kami ng ganoon. Iniwan ko si Dr. Bliast sa kusina at sinalubong si mama sa living room. Pinilit kong ngumiti nang nasa harapan ko na siya.

"Nak, si doc. Bliast, saan siya?" tanong ni mama. "Pinaalis mo?"

"Kahit papaalisin ko naman 'yun, ma, hindi parin 'yun aalis," inis kong sabi. "Nasa kusina po siya. Nagluluto."

Dali-daling tinungo ni mama ang kusina namin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinagot kong iyon. Sinundan ko siya. Naabutan ko siyang pilit na kinukuha ang ladle na hawak ni Dr. Bliast. Hindi rin ito binibigay ng doctor.

"I can do it na po, tita." Pamimilit ni Dr. Bliast. "Nag-iisa lang ako sa condo kaya sanay akong magluto."

"Pero doc... subra-subra na ginagawa mo. Umupo kana lang dun. Ako na ang tatapos." Mama insisted. Lumingon siya sa akin na nasa bandang likuran niya. "Nak, bakit mo naman siya pinaluto?"

Oh, bakit ako? Hindi ko naman pinaluto. Siya lang naman nagpasya na magluluto siya.

"Hindi po ako pinaluto ni Rae, tita. Ako lang po talaga nagdesisyon na magluto," pagtatanggol ni Dr. Bliast sa akin.

Bumuntonghininga akong nakanood sa kanila. Hindi ko na sinagot si mama. Sapat na para sa akin ang sagot na iyon ni Dr. Bliast. Tumigil si mama sa pag-agaw ng ladle at tumayo siya ng deretso sa harapan ng doctor. Lumapit ako kay mama. Humawak ako sa braso nito.

"Ako na po, tita. Umupo na po kayo dun." Tinuro ni Dr. Bliast ang hapagkainan.

"Ma, hayaan nalang natin siya," sabi ko. Bahagya kong hinila si mama papunta sa hapagkainan. Pinaupo ko siya doon. Pinagdilatan niya ako, nginitian ko naman lang siya. "Let him, mama. Ginusto niya 'yan eh."

"Ang sama mo sa doctor mo ah. Dapat hindi mo siya hinayaan na gawin ang mga 'yan," sermon ni mama.

Hindi ako sumagot. Yumuko na lamang ako. Inilapag ni Dr. Bliast sa mesa ang isang bowl na may laman ng niluluto niya. Nanuot ang bango nito sa ilong ko.Sa amoy palang masarap na. Nagutom ako bigla.

Nakasunod ang paningin ko kay Dr. Bliast na umalis rin agad pagkalapag niya sa bowl. Kumunot ang noo ko nang kumuha siya ng platter plate. Dali akong tumayo at sumunod sa kanya. Ako na mismo ang umagaw ng hawak niya. Hindi siya katulong namin para gawin ang paghahanda ng lunch namin.

"Marunong ako, Rae. Ako na..."

"Dok, ako na po. Subra-subra na ginagawa mo. Hindi ka namin katulong para gawin ang mga ito," ani ko. "Ako na po. Umupo ka nalang doon sa hapagkainan."

"Okay..." sagot niya. Wala siyang paliguy-ligoy na humakbang papunta sa hapagkainan. Umupo siya doon sa upuan na kaharap ng inuupuan ni mama.

Bahagya akong bumuntonghininga tyaka naglagay ng kanin sa platter plate. Dinala ko ito sa hapagkainan at nilapag ito sa mesa. Umupo na agad ako sa katabing upuan na inuupuan ni mama. Napatingin ako kay Dr. Bliast, naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Tumikhim ako. Inilayo rin niya agad ang kanyang paningin sa akin. Bahagya akong napaigtad ng pinisil ni mama ang hita ko. Binalingan ko siya.

Ngumiti si mama sa akin. Halatang peke lamang ito. Kumikibot-kibot ang bibig niya na parang may sinasabi sa akin ngunit hindi ko ito naiintindihan. I gave her a what expression.

"Don't be rude to him," mama said.

"I didn't, ma." I responded.

Bumuntonghininga si mama. "Okay-okay, let just start to eat. Dr. Montebello, kain na tayo."

"Sige po, tita." sagot ni Dr. Bliast. Kinuha niya ang platter plate na may laman na kanin at inabot niya ito sa akin. "Kain kana."

House namin 'to pero sa tuno ng boses niya habang iniabot niya sa akin ang platter plate, ako ang bisita. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili na matawa. Natigilan ang dalawang kasama ko dahil dito. Napatitig sila sa akin.

"What's wrong?" Tanong ni Dr. Bliast sa akin.

I became serious. "Nothing." Tinanggap ko ang kasalukuyan na inaabot parin ni Dr. Bliast sa akin. Ibinalik ko rin ito sa kinunan niya pagkatapos ko maglagay ng kanin sa plato ko. Kumuha na rin ako ng ulam at tinikman ito. Kanina ko pa ito talaga gustong tikman dahil sa amoy nito.

Ngumiti si Dr. Bliast nang mapatingin ako sa kanya. Napalunok tuloy ako kahit wala pang laman na pagkain ang bibig ko. Sumubo ako at dahan-dahan na minuya habang ninamnam ang lasa ng adobo. Hindi ko mapigilan na hindi ma-impress sa luto niya. Kung anong amoy nito, ganoon din ito kasarap. Mukhang professional chef nagluto. Nagdududa na nga ako kung doktor ba talaga itong kaharap ko o chef?

"Anong lasa? Is it good?" Dr. Bliast asked.

"Masara-" tumikhim ako. "okay lang naman. Ordinaryong lasa lang naman."

I need to lie. Ayaw kong malaman niya na na-impress ako sa luto niya. Baka magyayabang lang ito sa akin. Pero sa nahahalata ko sa ugali niya, hindi naman ito ganoon. He is an introvert man.

Tumikim rin si mama. "Oh... Ang sarap! Grabe ang sarap ng luto mo doc." puri ni mama. Humarap siya sa akin. "Diba nak? Nagbibiro ka lang... di ordinaryo ang lasa nito. Ang sarap 'di ba?"

Tumikhim ako. This time I can't lie. Kaharap ko ba naman mama ko. "Yes mama." Nahihiya na lamang akong nagsimulang kumain. Nakayuko at walang balak na itaas ang paningin sa kaharap.

"Do you have girlfriend dok Bliast?" Biglang tanong ni mama na nabilaukan ako. Dali-dali akong binigyan ng tubig ni Dr. Bliast. "Dahan-dahan naman sa pagkain, nak..."

Hindi ko na lamang pinansin ang huling sinabi ni mama. Dahan-dahan kong hinagod ang dibdib ko para maibalik sa huwisto ang paghinga.

"Nope tita. I don't have girlfriend. Pero may balak po akong ligawan." sagot ni Dr. Bliast.

Nakuha niya ang attention ko sa huling mga kataga niya. Nagkasalubong ang aming mga paningin na kinabilaukan ko ulit. Nakatingin pala siya sa akin. Dali kong tinuga ang basong may laman na tubig. Naubos ko ito.

Umakto akong busy sa pagkain. Pero nasa isip ko parin ang huling mga kataga ni Dr. Bliast. Nakatingin ba siya sa akin habang sinasabi ang mga katagang iyon? It's so weird. My mind keep asking why he's looking at me?

"Ang swerte naman ng liligawan mo, dok... Maganda trabaho mo, masarap ka magluto, at gwapo pa." Ani mama.

"Mama, tumigil na po kayo," saway ko dito.

"Why, nak? Totoo naman ang sinabi ko ah." Nagtagpo pa ang kanyang mga kilay.

I keep my mouth shut. It comes to mama Julie, sometimes I don't have gots to disagree. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain. I heard mama and Dr. Bliast talking, pero hindi ko na sila pinapansin. I eat as if it's all that matters.

Pagkatapos naming kumain iniwan na ulit kami ni mama. Bumalik na siya sa trabaho niya. May pagmamadali pa ito, mukhang hindi na ito makapaghintay na masolo namin ni Dr. Bliast ang isa't isa. Nanunukso pa ito ng ngiti sa aming dalawa bago ito umalis. Subrang nakakahiya kay Dr. Bliast.

Tahimik kami ni Dr. Bliast na nagliligpit ng pinagkainan namin. Palaging nakalaglag ang paningin ko. Ayaw kong magkasalubong muli ang aming mga paningin. Subrang awkward sa pakiramdam.

Tumikhim si Dr. Bliast na kinabulabog ng katahimikan. "Just wanna apologize, tungkol sa nangyari kanina bago dumating si tita Julie. Sorry talaga. Alam kong nakaramdam ka ng hindi kompurtable dahil do'n."

"Amhn... Kalimutan na natin 'yun, dok. Actually nawala na 'yun sa isip ko eh." sagot ko.

"Okay." His voice sounds disappointed. "Huwag mo na nga akong tawagin na dok. I'm here not as a doctor, Rae."

"So... Anong itatawag ko sayo? Mr. Montebello? Iyon ba?" Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang sagot niya.

"No, Rae," Bliast said. "Tawagin mo ako sa first name ko. Call me Bliast." He brightly smiled at me.

Nang sumilay ang ngiti niyang iyon, nakaramdam ako kakaiba. Iyong pakiramdam na parang may maging kaagapay ako sa lahat ng mabibigat na dala-dala ng puso ko. He's my doctor and I know him a year... But it's my first time I feel this kind of feelings and it's because of him.

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now