chapter 11

75 7 0
                                    

Tahimik kaming kumakain. Pasimple akong sumulyap kay Dr. Bliast. Nakatingin pala siya sa akin. Sa muling pagkakataon nagtama ang aming paningin. Ako ang unang umiwas.

Tumikhim si mama na kinabulabog ng katahimikan. Nakuha niya rin ang aking pansin. Naabutan ko siyang nagpasalin-salin ang kanyang paningin sa amin dalawa ni Dr. Bliast.

"Kumain ka ng marami, dok." ani mama. "H'wag ka mahiya. Ikaw ang bumili ng mga pagkain na ito."

"Thank you, tita," malumanay na sagot ni Dr. Bliast.

Wala akong imik na nagpatuloy sa pagkain. Katabi ko si Dr. Blast habang nasa harapan namin si mama. Inubos ko ang pagkain na nasa aking plato. Iniwan ko sila sa kusina at dumeretso ako sa living room. Naalala ko ang hugasin kaya bumalik ako sa kusina. Egsakto rin na kakatapos nilang kumain.

Tinulungan ko si mama na iligpit ang hapagkainan. Tutulong rin sana si Dr. Bliast. Naudlot ito nang seninyasan siya ni mama gamit ang kanyang nguso na palabasin sa kusina. Sumunod rin ang doktor.

"Tigilan mo na ang pagtrato ng hindi kaaya-aya kay Dok Bliast." Biglang hinawakan ni mama ang kamay ko. "Bigyan mo naman siya ng second chance. Nararamdaman kong mabuti siyang tao."

"Pero ma-"

Mama clipped my words. "Isipin mo, nandito siya para bantayan ka imbes na pumasok sa trabaho niya. Nag-live siya sa trabaho niya para sayo, nak."

Hindi ako nakaimik sa sinabi na iyon ni mama. Mapakla akong ngumiti sa kanya tyaka ko siya tinalikuran at nagpapanggap na abala sa paghuhugas. Kahit na ang gumugulo sa isip ko ay ang sinabi niya. Narinig ko ang mga yapak ni mama na palabas ng kusina. Napalingon ako sa kanya.

Mama is right. Dr. Bliast is a good person. Alam ko naman 'yon.

Natapos ko ang paghuhugas ng plato. Paglabas ko nang kusina naabutan ko si Dr. Bliast sa harap ng pintuan. Nakatalikod siya at halatang hinihintay niya ako. Tumikhim ako. Humarap naman siya sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" kalmado kong tanong sa kanya.

Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin. "Rae, sorry talaga. Alam kong mali ang ginawa ko. Forgive me, please." he begged.

Tumitig ako sa kanya. Seryoso naman siya sa paghingi ng tawad.

"Rae, please..."

"Don't beg, dok. Hindi mo dapat 'yan ginagawa." I calmly said. "Kalimutan nalang natin ang mga nangyari sa araw na 'to."

Lumiwanag ang mukha ni Dr. Bliast dahil sa sinabi kong iyon. "You mean, okay na tayo. Hindi kana galit sa akin?"

"Galit na nga ako sa mundong 'to... Hindi ko hahayaan ang puso ko na makaramdam ng galit sa isang tao."

"I'm sorry, Rae. " Malungkot niyang sabi.

"Bakit ka nag-so-sorry... Hindi mo kasalanan ang mga nangyari sa nakaraan." Tipid akong ngumiti. "Ako dapat ang humingi sayo ng sorry, dok montebello."

Na-realize ko na tama si mama. Mabuti siyang tao hindi niya deserve ang maling trato na pinapakita ko sa kanya. Nais lamang niya akong tulungan. Nais lamang niyang mapalapit sa akin.

My heart was filled of pain and anger. At dahil dito nakalimutan ko paano magpatawad sa mundo, sa tadhana at sa sarili ko. Now, susubukan kong magpatawad sa isang taong ang layunin lamang ay iligtas ako sa sakit at galit na ito.

"No, Rae, naiintindihan kita. Hindi mo kailangan na sabihin pa." malumanay niyang sabi.

"Thank you, dok..." Napayuko ako.

Dr. Bliast held my hand. "I'm here. I will help you. I won't leave you." He said as if it's a promises.

Those words are the reason my heart beat too fast. Alam kong walang kasiguraduhan na tutuparin niya ang mga salita niyang iyon pero magtitiwala ako. Kagaya kung paano ako nagtiwala sa pangako ni papa na hindi niya ako iiwan hanggat hindi niya ako nalalakad patungong altar.

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now