chapter 12

76 8 0
                                    

I closed my eyes. Naibukas ko lang ulit ang aking mga nang maramdaman ko ang paghawak ni solo sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya kasunod sa kanyang mukha. Hinalikan niya ang likuran ng aking palad.

"Solo, anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong. Ramdam ko ang mga labi niya na dumikit sa aking balat. "Solo..."

"Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo," simula niya. "Patawarin mo ako, Rae. Bigyan mo ako ng isang pagkakataon para maitama ko ang pagkakamaling iyon. Please, Rae..."

Hindi ko mailayo ang mga mata ko kay solo. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako dahilan rin ng pagngiti niya.

"Anong ibig sabihin n'yang ngiti mo?" Exited niyang tannong. Nandoon pa rin ang ngiti niya.

Tumango ako. He deserved it.  Sa lahat ng ginawa niyang mabuti sa akin, deserve niya ito.

"Really?!" Mararamdaman sa boses niya ang saya. Tumango ulit ako. "You won't regret for giving me second chance, Rae." Hindi ko ma-explain ang sayang nakikita ko sa naging reaksyon niya.

Umulan ng nwebe. Nagyelo buong katubigan ng maple garden. Binuhat ako ni Solo at dinala niya ako roon.  Nag-skate paikot-ikot sa akin. Sunod nang sunod naman ang paningin ko sa kan'ya. Hindi ko mapigilan na hindi mapatawa.

"Rae, come on, join me." yaya ni solo sa akin. Inilahad niya ang kamay sa akin, hinihintay kung kailan ko iaabot ang akin. "Masaya siyang gawin, Rae."

Hindi ako nagdadalawang-isip na hawakan ang kamay niya. Hinila niya agad ako. Nagpadulas-dulas kami sa malawak na katubigan na naging yelo. We were both enjoying what we did. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang nakatitig kay Solo.

Hawak ni Solo ang dalawang kamay ko. Magkaharap kami. Ang mga paningin namin ay nasa isat isa.  Napayuko nalang ako sa hiya. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya ng matagalan.

"Ang saya!" sigaw ni Solo. "Rae, tumawa ka pa. Mas lalong naging masaya kung nakatawa ka."

Sinaway ko siya. "Tumigil ka nga, Bliast."

He was amazed. "For the first time tinawag mo ako sa first name ko, Rae. Nov 18, 1:35pm. Hindi ko kakalimutan ang sandali na ito. Ang petsa at oras na kauna-unahang tinawag mo ako sa first name ko."

Natawa ako sa sinabi niya. Sino bang tao na hindi kakalimutan ang petsa at oras dahil lang tinawag siya ng first name nang isang tao... Si Dr. Bliast Montebello lang yata ang makakagawa nun.

"Naalala ko pa ang petsa at oras nang una kang pumasok sa counseling room, Rae." bigla niyang sabi na kinaseryoso ko. "June 3 2020, 1:27pm. Lahat ng petsa at oras na may kinalaman sayo, Rae, hindi ko nakakalimutan."

"Ang creepy mo, dok," bigla kong nasabi. My voice sounds we're too long friends. Nahiya na lamang ako nang ma-realize ko iyon.

"Come on, Rae, let's just enjoy the moment!" sabi niya na kinalaho ng hiya ko.

Binitiwan ako ni solo. Dumampot siya ng snow at inihagis niya ito sa akin. Natatawa na lamang rin akong dumampot ng snow, binilog ko ito at pabalik na inihagis sa kanya.

Nagsasaya kami sa ginagawa namin nang may nag-enterupt sa amin. It's Saint. Bigla na lamang sumulpot doon.

"Sabi ko na nga ba nandito na naman kayo." Natatawang sabi ni Saint. Papalapit siya sa amin. "Pwede makisali sa batuhan ng snow?"

Lumapit sa akin si Solo.."Anong ginagawa mo dito?"

"Namamasyal," sagot ni Saint. "Sakto nandito kayo. Nasaksihan ko tuloy ang ka-sweet-tan ninyo." Nanunukso nitong sabi.

Nakaramdam ako ng hiya.

"Tumigil ka nga, kung ano-ano yang pinagsasabi mo," saway ni Solo sa kaibigan. Napansin niya na na-e-embarass na ako.

Tumikhim si Saint. "By the way, we're going to enter the floor six later. Hintayin lang natin ibang mga ka-team."

"Kaya na ba natin ang dungeon na 'yon? Malakas ang crimson belle. It's to early to enter floor six." ani Solo.

"I think, hindi ko pa kaya pumasok sa floor six. Magpasama lang muna siguro kayo ng ibang healer." suggestion ko.

"No, Rae, ikaw ang perma healer namin. You should come with us."

Kung ako ang healer nila, for sure we cannot kill the dungeon in floor six. Hindi ako ganoon kalakas mang-heal. Hindi uubra ang battle rate ko sa floor six.

"But—"

"No buts, Rae. Sasama ka sa amin. Maganda ang rewards na makukuha if matalo natin ang crimson belle." Saint insisted.

Hindi na lamang ako nagsalita. Ang katahimikan ko ang sinyales na sasama ako sa kanila sa floor six. Pero nasa isip ko parin talaga— if ako ang magiging spirit shaper nila hindi namin matagumpayan ang mission.

Nagpaalam si Saint na mag-monster hunt. It's for his logbook. Kami na lamang ulit ni Solo ang naruruon. Nag-aalala parin ako sa balak nila.

"Iniisip mo parin ba ang pagpasok natin mamaya sa floor six?" Usisa ni Solo sa akin.

Tumango lang ako.

"H'wag mo nang alalahanin 'yon. If we failed, at least we tried." pagpapagaan niya ng loob ko. "Subukan nalang natin ulit sa susunod.

Solo is right. Hindi ako dapat mag-alala. I'm with him.

"By the way, meron akong surprise para sayo," solo said.

"Ano 'yon?" I was curious.

Hindi ako sinagot ni Solo. Dinala niya lamang ako sa base niya. Pagpasok pa lang namin sa entrance may sumalubong na sa amin. It's a brown dog. Abot ang ngiti nang makita ko ito.

"I know you like dogs, so, I bought it for you." Solo said. "Anong gusto mong ipangalan sa kanya?"

Hindi na ako nag-isip pa. "Ceilo," sagot ko. Hinaplos-haplos  ko ang ulo ng aso. "He looks like my ceilo." I murmured.

Ceilo died when I was in my depression state. Napabayaan ko siya. Siguro ito rin ang isang rason kung bakit lalong lumala ang mental breakdowns ko that time at humantong na kailangan ko na ng tulog ng professionals.

"Woof! Woof!" Ceilo swagged his tail. Mukhang nagustuhan niya ang paghaplos ko sa kanya. "Woof! Woof!"

"You're so cute, ceilo," pinanggigilan ko na ito. "I'm your mom. You can call me mommy."

Ceilo just barks. He's a dog but seems he understand me.

"Ceilo, this is your mom and I am your dad, we are your parents. We'll take care of you." His voice sounds sweet for me. "We're now a happy family."

Natawa ako sa huling sinabing ni solo. Happy family? I like it. After all, I want to have a happy family.

"Don't laugh, Rae, I'm serious. Hindi ako nagbibiro. I wanna marry you." solo sounds serious.

That moment, naging seryoso ako. Gusto kong magsalita tungkol sa mga huling sinabi niya pero hindi ko alam kung anong sasabihin.

Loving You O2O (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora