chapter 9

72 7 0
                                    

Tapos na kaming mag-dinner. Nakapag-half bath na rin ako. Ininom ko na rin ang gamot ko. Nakahanda na ako para matulog. Saglit muna akong nagbukas ng game. Naabutan kong online ang mga ka-team ko. Napangiti ako nang makatanggap ako ng team invitation from Solo. Accepted ko agad ito.

[Hi, Rae.] Sixx messaged. [How's your day?]

[Bakit mo pa tinatanong, sixx... Alam naman natin na masaya ang araw niya.] Shadow messaged.

Natawa ako sa mensahe na iyon ni shadow. Paano naman naging masaya ang araw ko? I was annoyed almost whole day. Sana nga lang hindi na babalik si Dr. Bliast sa bahay.

[Good evening, Rae] bati ni Saint.

[Good evening din sayo, Saint.] Balik bati ko.

As a team leader, inistart ni Solo ang party para makapagsimula na kami sa dalies. Nag-spirit hunt muna kami bago ang raid. Minutes rin na nangingibabaw ang katahimikan bago nagsalita si solo sa mic.

[Hi, Rae...]

Bumuga muna ako ng hininga bago nagbukas ng mic at nagsalita. [Hello, Solo... K-kumusta?]

Pumasok si mama sa kwarto ko. Nakuha niya agad ang pansin ko. Inoff ko agad ang mic ko. Ayaw kong marinig ng mga ka-team ko kung ano man ang sasabihin ni mama.

"Matulog kana, anak." Ani mama. "Sige na, good night."

"Okay, ma. Good night." response ko sa kanya. Lumabas rin agad siya. Muli ko namang binuksan ang mic ko. Narinig ko silang nag-uusap pero hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Kumunotnoo na lamang ako.

[Oh, she's back.] sabi nito ni Sixx na parang nabigla sa muling pagbukas ng mic ko. [Bakit mo inoff ang mic mo, Rae?]

[Pumasok kasi mama ko sa kwarto. Meron lang siyang sinabi.] sagot ko. [By the way, matutulog na ako. Hindi na ako makakasama sa inyo sa ST.]

Nag-good night na mga ka-team ko maliban kay Solo. Nagsialisan ang mga ito sa team party. Nabigla ako sa ginawa nila. Ako at si Solo na lamang ang naiwan. Kinabahan tuloy ako. Hindi ko mapigilan ang puso ko na kumabog ng malakas dahil kasama ko siya.

Dinala ni Solo ang character ko sa maple garden. Hindi na ako nabigla. Palagi kaming nakatambay sa lugar na ito. Palagi niya akong dinadala dito lalo na kapagnaglalaglagan ang mga dahon ng maple tree. Napakaganda talaga ng garden na ito. It looks realistic.

Tumikhim si Solo. [Rae, pwede ba akong magtanong?] We were under the maple tree.

[Ano yun, solo?] Tanong ko. Nakakunot pa ang noo ko. I was confused.

[About sa sinabi ko sayo dati. Tungkol sa nararamdaman ko sayo.] his response.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. That time, wala akong sinagot sa sinabi niyang iyon. Lalo na ngayon. Takot akong magmahal dahil sa sakit ko. Kapag malaman niya na may mental Illness ako, sigurado akong lalayuan niya ako. No one will love a person na mayroong ganitong sakit.

[Rae, you still there?]

[Oo, Solo...] Kinuyom ko ang aking kamao para doon kumuha ng susunod na sasabihin. [Hindi mo ako pwede mahalin, solo. H-hindi mo ako kilala. Hindi natin kilala ang isa't isa.]

Loving You O2O (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon