chapter 16

79 8 0
                                    

Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa enchanted kingdom, located in sta. Rosa Laguna. Naka-book na pala sila ng tickets. Nais kasi raw masubukan ng birthday boy ang sumakay sa mga raid. Ito ang inaasar ni sixx dito habang nasa kotse pa kami.  Pumayag naman ang mga baliw niyang kaibigan. Para silang mga bata na habang papasok kami. They are all excited except Dr. Bliast and I.

Tumatakbo silang papasok. Nakasunod naman kami ni Dr. Bliast. Napansin ko lang na medyo hindi pala salita si Dr. Bliast kapagkasama ang mga kaibigan niya. Seryoso ito palagi. Tumikhim ako para kunin ang attention niya.

"Meron ka bang gustong sabihin, Rae?" Biglang tanong ni Dr. Bliast. "Parang may something kang gustong sabihin sa akin. Huwag kang mahiya na sabihin 'to."

"Eh, pansin ko lang ang tahimik mo," sabi ko. Sabay kaming naglalakad, nakasunod sa mga kaibigan niya.

"I just don't want you feel you're not belong in our circle, Rae. You're quite, so I should too. Kahit nasaang sitwasyon ka, I'll make sure that I am always in your side," he said.

Napangiti ako. Kahit itago ko man, alam ko sa sarili ko na kinikilig ako sa mga sinabi niya. I don't know what I did good in my past life for God to give me this kind of blessing. He's a blessing for me.

Hinawakan ni Dr. Bliast ang palad ko. Napatingin ako dito. Pinagsaklop niya ito. Walang paghahadlang akong naramdaman. Nagkatitigan kami sabay ang matamis na ngiti sa isa't isa.

"Hoy, bilisan nyo sasakay tayo sa space shuttle rottle coaster!" sigaw ni Dr. Troy sa amin.

"We're coming!" sagot namin ni Dr. Bliast. Marahan niya akong hinala habang patakbo kami sa mga kasama.

Nakita ng mga kaibigan ni Dr. Bliast ang magkahawak naming mga kamay. Napansin nila na magkawak ang mga kamay namin pero patay malisya lamang sila.

"Oh, tara na!" ani Dr. Drake.

"I don't think it's good for Rae," sagot ni Dr. Bliast. "Kayo nalang ang sumakay, maglakadlakad lang kami."

"Sige, pree. Ingat kayo," paalala ni Dr. Drake.

"Wag n'yo bitawan ang isa't isa," pabirong sabi ni Dr. Troy. Sinaway naman siya ni nurse Zander.

Napayuko na lamang ako sa hiya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Dr. Bliast sa kamay ko. Dumako ang paningin ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin, sinukluan ko rin siya ng matamis na ngiti.

Iniwan namin ang tatlo. Hila-hila lamang ako ni Dr. Bliast, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Wala akong alam sa enchanted kingdom kasi ito ang kauna-unahang nakapasok ako dito kaya hiniyaan ko na lamang siya.

"Where are we going, Bliast?" My curiosity leads me to ask question.

"There!" Tinuro niya ang isang malaking claw machine sa hindi kalayuan. 

"Oh, okay..." tipid kong sagot.

Napatingin kami sa loob ng claw machine. Daming stuff toys ang nasa loob pero ang kumaha ng pansin ko ay ang dog shape. Kakulay kasi ito ni ceilo.

"Anong gustong kunin natin, Rae?" Tanong ni Dr. Bliast habang nasa mga stuff toy pa rin ang aming mga paningin.

"That one," turo ko sa dog shape stuff toy. It's human size.

"Oh, it looks like ceilo," he said. Napansin rin pala niya.

Naglabas siya ng pera. Hinulog niya ito sa claw machine. Pinosisyon niya ang picker sa toy na napili ko. He pressed the bottom to pick the toy then suddenly it goes up with it. Excited ako. Akala ko makukuha na namin ang dog shape na toy pero nang nasa kalagitnaan ng pagtaas ang picker nalaglag ito.

Loving You O2O (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu