chapter 5

88 8 0
                                    

"Raessemie, nak! Anong nangyayari sayo?!"


Nakasiksik ako sa gilid ng aking kama, yakap ang sarili. Lumingon ako sa bandang pintuan kung saan nanggaling ang boses ni mama. Wala akong tulog buong gabi. Tolero ako. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.


Lumapit si mama sa akin. Bahagya akong napabalikwas. Hindi ko talaga na makontrol ang aking takot. Alam ko na si mama ang lumapit sa akin pero sa isip ko, ibang tao iyon na may balak na masama. Para akong nasa loob ng katawan na 'di ko kuntrolado.


Hinaplos ni mama ang pisngi ko. "Nak, ako ito, si mama. H'wag kang matakot. Ako ito."

"M-ma? Mama..." Napayakap ako kay mama. Humagulhol ako. I feel relieved. I feel safe.


"Ayos lang yan, nak. Nandito ako, 'di kita pababayaan."

I calmed down. "Ma, gusto kong matulog. Gusto ko nang matulog."

Binitiwan ako ni mama. Tinulungan niya akong pumuwesto sa kama ko para humiga.
Umupo siya sa gilid ng kama ko. Kinuha niya ang aking kamay, at hinawakan niya ito. Alam ko na grabe na ang pag-aalala niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi masaktan para sa mama ko.


I closed my eyes. I can't bear to see mama's eyes filled up of pain because of me. The most strongest mother I ever know is her. Subra-subra na ang pinagdaanan niya hindi lang dahil sa akin, pati na rin sa mga nangyari sa nakaraan.


Ang bilis kong nakatulog. Marahil dahil ito sa mga gamot na ininom ko kagabi. Actually, inaantok naman talaga ako buong gabi, pero hindi ko mapikit ang akin mga mata. Hindi ko kayang matulog dahil pakiramdam ko kapag nakatulog ako, pagkagising ko nawalan na naman ako ng minamahal.


Nagising ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta nang dinilat ko ang aking mga mata isang mukha ng lalaki ang una-una kong nakita. Si Dr. Bliast ito.


"Gising kana," ani Dr. Bliast. "Kumusta? May nararamdaman kang masakit?"


Umupo ako sa kama. "Masakit ang ulo ko, Dok." sagot ko.

"It's normal na sasakit ang ulo. Wala kang tulog buong gabi at umiyak kapa. Uminom ka rin ng gamot." sabi nito.

Pumasok si mama sa kwarto. Lumapit agad siya sa akin nang makitang gising na ako. Mababakas sa reaksyon niya ang saya na gising na ako. Alam kong subra siyang nag-aalala sa akin.


"Ma, bakit nandito si dok Bliast?" Tanong ko dito.

"Tinawagan ko kasi siya. Subra akong nag-aalala sayo, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko." sagot ni mama. "Teka... kukuha lang ako ng food. Buong araw kang tulog, walang laman ang tiyan mo." May pagmamadaling lumabas si mama ng kwarto ko.


Naiwan kami ulit ni Dr. Bliast sa loob ng kwarto. Tumikhim ako nang maghari sa amin ang katahimikan. Nagtama ang paningin namin bago siya magsalita.


"Usap tayo pagkatapos mong kumain," sabi ni Dr.Bliast. Tumayo siya at lumabas ng kwarto ko.


Tyaka lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ako komportable na nasa loob siya ng kwarto ko. Lalo na, hindi ako komportable na may lalaki sa loob ng kwarto ko. Siya ang kauna-unahang lalaking napasok dito.


Bumalik si mama sa kwarto na may dalang tray ng foods. Inilapag niya ito sa kama. Tumunog ang tiyan ko nang makita ang mga pagkain.


"Kumain kana, nak. " ani mama. "Makikipag-usap daw si dok sayo pagkatapos."


Tumango ako kay mama. Sinimulan ko nang kumain. Nang matapos ako pumasok ulit si Dr. Bliast sa kwarto. Umupo siya sa upuang dinala ni mama nang kinuha niya ang tray. May hawak siyang mga papel.


Nakatingin ako sa malayo. Hindi ko kayang makipag-harapan sa doktor ko. He's on my room, paano ako maging kalmado?


"Can we start the session?" Entro ni Dr. Bliast. "May I know, what happened last night?"

"I met someone in online game," I said. Nakakatitig sa akin ang doctor. "He said to me, maglalaro siya last night pero hindi siya nag-online. Nag-alala lang ako sa kanya. I didn't know na aatakihin ako."


Nalito ako sa naging ekspresyon ni doc. Bliast nang marinig niya ang pahayag kong iyon.  Totoo ba iyon o guni-guni ko lang? Ang reaksyon niya nagpapahiwatig ng konsensya.


"D-did you take your medicine on time?" He asked. "Baka hindi ka umiinom ng gamot... That's why."


"Yes, po, dok. Iniinom ko naman po on time," sagot ko. "Hindi ako nag-e-skip ng gamot."


"Okay...I believe you." May sinusulat siya. Reseta ito. Inabot niya ito sa akin. "Kailangan natin taasan ulit ang dosage ng gamot mo."


Tinanggap ko ang inabot sa akin ni Dr. Bliast. Binasa ko ang nakasulat. It's sertraline 100mg was written in the prescription. Nanlumo ako.


"Maybe we can decrease the dosage after our next session." Dr. Bliast said. Tumayo siya. "I'll go head na, may patient pang naghihintay sa akin." Tumalikod siya pero hindi pa siya nakahakbang ng isang beses, humarap ulit siya sa akin. "Please, don't always play online game. Lalo na kung lalo itong nakakasama sa kalagayan mo. T-take care always."



Napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Dr. Bliast na palabas ng kwarto ko. At dahil iyon sa tatlong huling mga salita niya. Kauna-unahan na sinabihan niya ako ng ganoon.


Pumasok si mama sa kwarto ko. Dali-dali kong tinago ang reseta na binigay ng doktor ko. Ayaw kong ipakita sa kanya. Mag-aalala na naman ito sa akin dahil sa taas ng dosage ng gamot ko. Alam niya kasi na may side effects rin ang mga ito.


"Alam kong pinalitan ang gamot mo," ani mama Julie. "Sinabihan ako ni dok Bliast bago siya umalis. Asan na?"


Nagdadalawang-isip akong ibinigay kay mama ang reseta. Nakita ko ang reaksyon niya nang mabasa ang nakasulat dito. Gusto nang tumulo ang luha ko. Lalo na nang makita ko ang dumilim niyang mukha. Nasasaktan na naman siya at dahil ito sa akin.


Pinigilan ko ang aking mga luha na tumulo. Inilayo ko ang paningin kay mama. Hinawakan niya ang kamay ko kaya natuon ulit ang aking paningin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Ngunit halatang-halata naman na peke lang ito.


"Alam mo ba... kanina nang tumawag ako kay Dr. Bliast, alalang-alala siya sayo." K‘wento ni mama Julie. Iwan ko kung totoo o nililihis lang niya ang isip ko tungkol sa mga nangyari sa akin sa araw na ito.


"Talaga, mama." Masigla kong sabi. I just forced myself to sounds happy. "Anong sinabi niya sayo? Baka nagkakamali ka lang, mama."


"No, nak. Hindi talaga ako nagkakamali. Alam mo ba na simula nang dumating siya dito sa bahay hindi na siya umaalis sa tabi mo halos apart na oras. Nag-wo-worry talaga siya sayo." Dagdag kwento nito.


Kung totoo man itong mga sinabi ni mama, mas lalo na tuloy akong mahihiya kay Dr. Bliast. Wala siyang obligation na gawin ang lahat ng iyon. Oo, bayad siya pero hindi kasali sa binayaran namin ay ang pumunta pa siya sa bahay namin. At maghintay ng ilang oras para hintayin ang pasyente niya na magising.


Natawa ako. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, mama. Hindi yan totoo. Binibiro mo lang ako no?"

"Hindi talaga, nak. Totoo ang sinasabi ko." Biglang naging seryoso si mama Julie. "Nak, pangako mo sa akin ha... hindi mo iiwan si mama."


Hindi ko napigilan ang luha ko. Tumulo na lamang ito na hindi ko namalayan. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayaw kong mangako. Because either I'll accept it nor not, I have mental illness. Minsan hindi ko hawak ang aking pag-iisip. 

Loving You O2O (Completed)Where stories live. Discover now