CHAPTER 58

43 1 1
                                    

Author's "POV"

Naka-upo ang isang babaeng naka suot ng kulay itim na gown na sumasayad sa lupa ang laylayan nito. Kumikinang ang diamond na nakasabit sa suot niya habang may nakapatong na korona sa ulo niya. Nakatingin siya sa kaganapan mula sa labas ng kaharian gamit ang kapangyarihan niyang maipakita ang nangyayari sa kasalukuyan.

"I want you to kill her, but make sure na walang makakaalam." Utos nito mula sakanyang isipan. Kausap niya ang Isa sa babaeng nasa larawan sa harapan niya na ngayo'y nakikipag-usap din sakanya through mind link.

"Opo mahal na Diyosa." Mula sa itim na itim na mata ng dalaga nagbalik ito sa normal pagkatapos siyang kausapin ng Reyna ng kadiliman.

"Kailangan na niyang mawala bago pa nila malaman ang tungkol sakanya, hindi siya pwedeng mabuhay at maging sagabal sa plano kong pagpapabagsak sakanilang lahat." Tumawa siya ng malakas na halos ika yuko ng mga tauhan niya. Ang lakas ng awrang nagmumula sa Reyna ang dahilan para matakot ang kaniyang mga tauhan. They are under her na para bang mga puppet na kung ano ang gusto ng kanilang Reyna ay iyon ang kanilang susundin.

"I really like to make chaos in this world, even if heaven realms... My wrath will be their downfall. Tama na ang ilang taon kong pagkatulog, panahon na para maghasik ulit ng kasamaan dito sa lupa at maging sa itaas... HAHAHAHA HAHAHA!" Kumulog ng malakas pagkatapos itong tumawa. Sakto rin ang pagdating ng kaniyang asawa.

"What's with that laugh?" Naka smirk na tanong ng lalake sakanya.

"It's about my upcoming revenge against them.. malapit na, pero nagsimula na ang lahat!" Sagot nito sa kasama at sabay silang tumawa ng malakas.

Napa isip nalang ang lalake total hindi na magawang basahin ng Reyna ang kaniyang isipan malaya na niyang isipin kung ano ang gusto niya, natuklasan niya ito pagkagising niya at hindi niya magawang hulaan ang nasa isipan ng babaeng kinidnap nila na ngayo'y naka kulong sa piitan kasama ang matandang babaylan.

"I will use you for now, but in the end, I will kill you to claim the throne that I have long ruled." Sambit nito sakanyang isipan habang nakangising naka tingin sa tumatawang Reyna ng kadiliman. Ang diyos ng kasamaan at siya na nilikha niya lamang, siya ang magiging dahilan ng kaniyang pagkamatay sisiguraduhin niya iyon.

Tumalikod muli ang lalake at nagtungo sa piitan kung saan naka kulong ang kanilang bihag. Noong wala pang buhay si Neva hindi niya naisip na maging isang Hari pero ng magising ito at hindi man lang siya kinilalang isang asawa o Hari niya ay nagsimula na siyang magdesisyon ng para sakanyang sarili. He has no heart, that's true, because he was created by Neva to be a companion in evil. However, he has a mind capable of doing whatever he wants.

""I have made the decision to set one of you free, so think carefully about who will be left behind... who will be set free." Sambit nito sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawa na para bang nag-uusap sakanilang isipan.

"Kailangan mong tumakas iha, ako na ang magpapaiwan. Ito na ang pagkakataon mo." Through mind link nagawang maka-usap ng matanda ang dalaga.

"Pero paano po kayo?" Tanong din ng dalaga pabalik.

"I will be fine, iha. Isa pa kailangan mong makatakas para sa kaibigan mo, kailangan ka niya... Kailangan niya ng kasama sa ngayon." Sagot ng matanda sa dalaga. Hindi naman agad nakuha ng dalaga ang ibig sabihin ng matanda.

"By the way, balikan ko nalang kayo mamaya. Siguro naman nakapag decide na kayo kung sino ang aalis at kung sino ang maiiwan dito ng mag-isa." Sambit ng Hari ng kadiliman bago ito umalis at iniwan ang dalawa sa piitan.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 12 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ