Isang babaeng pinanganak na may malaking responsibilidad dahil na rin sa taglay niyang lakas, mawawalay sa pamilya pero babalik para iligtas ang mundo kung saan siya nararapat.
HAHA TRY LANG KUNG MAGANDA BANG MAGING BOOK ANG STORY KO..
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Magical Realm
"MAHAL KO MANGANGANAK NA ATA AKOOOO!" Pasigaw na sabi ng Reyna habang sapo ang tiyan nito at hindi na maipinta ang mukha dahil sa sakit na kanyang iniinda. Halos maiyak na siya ng humilab lalo ang tiyan niya kaya taranta naman ang Hari na dinaluhan ang asawa.
"Hinga lang ng malalim mahal ko, makakaya mo yan. Para sa anak natin." Kinakabahanma'y nagawa pa rin ng hari na pakalmahin ang reyna sakto rin ang dating ng magpapa-anak sa Reyna. Aligagangpinanood ng Hari ang asawa habang iginigiya ng kumadrona ang Reyna sa higaan na ngayo'y sigaw ng sigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya.
Nakakatawangisipin na isa siyang hari pero parang naging isang baliw ito dahil sa labis na pag-aalala sa kaniyang mag-ina. Napa-iling nalang ang Hari lalo na ng maalala ang mas masahol na karanasan niya noong isilang ang panganay nila, nawalan siya ng malay na tila ba hindi na maka-usap pero ngayon kayang-kaya na niyang panoorin ang asawa at tila ba gusto na niyang siya nalang ang iire para rito.
"Hingangmalalim mahal na reyna." Sabi ng kumadrona na siyang sinunod naman ng Reyna. "Ngayon kapag sinabi kong ire, ibigay mo lahat ng buong lakas mo!" Mariin ang utos nito habang nakatingin sa naghihirap na Reyna.
"IRE!"
"AHHHHHHHHHHHH!" Isang malakas na ire ang binigay nga ng Reyna pero hindi pa rin iyon sapat. Sa pa ulit-ulit na pag-ire ng Reyna tila ba pati ang Hari na nasa ulunan niya ay nakikigaya rin sa pag-ire ng asawa.
"Malapit na mahal na Reyna, nakikita ko na ang ulo ng bata. Isa pang Ire at wag mong pipigilan ang sarili mahal na Reyna." Sabi ng kumadrona na siyang sinunod ng Reyna.
"Ahhhhhhhhh!" Kasabay ng pagsigaw ng Reyna ay ang paglabas din ng sanggol. Nagtaka ang Kumadrona ng hindi man lang marinig ang iyak ng sanggol ng itoyitaas niya. Napatingin siya sa mag-asawangHari at Reyna na ngayo'y mababakas ang takot at pangamba habang nakatingin sa anak nilang hawak ng kumadrona.