CHAPTER 48

18 5 0
                                    

Rosa's "POV"

Napaigik ako ng maramdaman ang hindi pamilyar na pakiramdam sa aking kanang balikat, saktong nandito ako ngayon sa aking silid habang nagbibihis paalis. Mabilis kong tinignan ito sa salamin at nakita ko mula doon ang Marka na bago lang sa aking paningin, hugis otso ito pahiga at umiilaw ng ginto. Nalilito at nagtataka kong hinaplos ito at kusang nawala ang liwanag nito, ngayon ay normal nalang na nakikita kong Marka. Anong ibig sabihin nito, bakit meron akong ganito?

"Malapit na ang time!" Narinig kong sambit ni Grace mula sa labas kaya dali-dali kong sinuot ang uniform ko at agad lumabas ng silid sakto naman na nasa labas pa ang dalawa.


"Anong subject niyo ngayon" out of nowhere na tanong ko sakanilang dalawa, alam kong magkakaiba kami ng schedule dahil magkakaiba naman kami ng section.

"Training/ potion." Magsabay nilang sagot.



"Ah, same lang pala tayo Angel." Sambit ko sakanya. Hindi ba kami kumain dahil baka malate pa kami, ayoko din namang malate dahil nakakahiya sa ibang kaklase ko at sa trainer namin kapag nalate ako, ayoko ng atension.




Gaya ng nakasanayan at dating gawi nagklase kami ng buong Oras hanggang tanghali, nararamdaman ko na nga ang pagrereklamo ng tiyan ko dahil sa gutom pero hindi pa kase natatapos ang oras ng klase namin.



"Yow, wazzup." Nangunot ang noo ko ng marinig ko ang asungot na si Mike. Nakangiti siyang naglalakad palapit sa pwesto ko kung saan ako naka-upo.



"What again?" Irap kong tanong sakanya.



"Sungit naman, alam mo nakakatanda kaya ang pagiging masungit." Sambit niya kaya tumingin ako sakanya ng may panghuhusga.



"Talaga ba? Eh bakit hanggang ngayon mukha pa rin akong maganda." Ngising sambit ko natawa nalang siya sa sinabi ko.


"Gusto mo bang turuan kita," Sambit niya kaya taka akong tumingin sakanya. "Alam kong kailangan mo din ng tulong ko para mas lalong lumakas ang kapangyarihan mo, hindi lang 'yon maging ang physical mong lakas." Dugtong niya kaya natahimik ako. Alam ko naman ang kapasidad niya, malakas siya at nakita ko iyon, sinabi pa nga ni HM na sa royalty section na sana siya nguni't siya mismo ang unayaw ewan ko lang sa isang ito. Sabagay sa yabang ba naman niya ayaw niyang mapunta doon dahil hindi naman daw basehan ang section para masabing malakas siya kaya mag-stay daw siya sa Elite section para may kasama ako.


"No." Mabilis kong tanggi. Hindi pa ako baliw para pahirapan ang sarili ko sa pagtraining kasama ang isang tulad niyang akala mo naman sing lakas ng diyos. Ayokong matulad din kina Angel na halos mamatay na sa puspusan nilang training para lang sa tungkulin nila, sa nawawalang Princessa. Kung sino man siya, aba! Sino siya para pagtuunan ko ng oras para lang maghirap at halos mamatay sa training para lang sa kapakanan niya.


"Okay. If you say so." Pagsuko niya. "Pero Ikaw din, sayang ang opportunity mo. Ako na ang nag-offer sa'yo, Ikaw din." Muling sambit niya.


"Yeah, whatever." Irap ko at tinuon ang pansin sa trainer na busy sa pagsasalita sa harapan namin tungkol sa mechanics about sa laban namin or should I say training namin.













*****************

Mike's "POV"

Napangiti ako ng lihim habang nakatingin sa mukha ni Rosa. Hindi mapagkailang isa siyang Princessa, maganda siya at may taglay na alindog para akitin ako. Agad akong nag-iwas ng tingin ng tumingin siya sa gawi ko. Alam kong namumula na ang pisngi ko maging ang tenga ko at hindi ko na mapigilang mapangiti.

The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now