CHAPTER 20

78 9 4
                                    

Primary section.

Angel "POV"

Sabay-sabay kaming nagtungo sa ground para sa leveling test, yes leveling test na ngayon at isang buwan na rin kase simula ng magtraining kami at ngayon lang napagdesisyonan na itutuloy na ang leveling test at ngayon ang unang araw.

"Grabeng kaba 'to pakiramdam ko hindi ko magagawa 'to." Naluluhang sambit ni Grace sa akin kitang-kita ko ang tension at labis na pag-aalala para sa kanyang sarili.

"Wag mo kaseng isipin na bagsak ka o hindi mo magagawa ang isipin mo kaya mo, kung kaya ng iba bakit Ikaw hindi." Sambit ko sakanya sabay upo sa pinakataas na bahagi ng upuan. Gusto sana sa baba sa pinakaharap para mas kita ang center kung saan maglalaban pero primary palang kase kami kaya dito kami sa taas naka pwesto.

"GELLATIN KO!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Barry mula sa baba at kumakaway pa siya sa akin at dahil sa lakas ng boses niya lahat ng nandito napatingin nalang sa gawi ko. Kumaway nalang din ako pabalik sakanya baka kase isipin pa ng iba na masungit ako.

"Halla, may tawagan na sila."

"Sila na ba?"

"Wahhh I can't, tapos na ang pila."

"No hindi pa saka I think hindi naman sila magjowa."

Uh! Tama ka diyan girl masiyado lang kayong Chismosa diyan kung ano-anong pinag-uusapan.

"Kung babagsak ba ako ngayon at pumasa ka, tumaas ang level mo papansinin mo pa rin ba ako?" Napatingin ako sa mukha ni Grace na malungkot na nakatingin sa akin.

"Hindi," Deretsyong sagot ko at kitang-kita ko ang pagbalatay ng lungkot at pagkadismaya. "Kung hindi mo gagalingan at ibigay ang best mo hindi talaga kita papansinin, pero kung binigay mo naman ang lahat ng best mo at bumagsak ka bakit naman hindi kita papansinin." Seryosong sagot ko .

"Talaga? Kung ganun papansinin mo pa rin ako?" Biglang lumiwanag ang mukha niyang lugmok kanina kaya napangiti nalang din ako at tumango. Hindi ako sanay na nagbibigay ng payo sa isang tao dahil usually si Rosa ang nagbibigay sa akin ng payo kase nga pasaway akong bata sabi ni superior Liza kaya nga palagi akong napapagalitan dahil daw napaka sutil ko pero kahit ganun mahal na mahal naman nila ako.


"Magandang araw sa ating lahat mga magician ang ating leveling test o power test ay magsisimula na ngayong araw na ito. Siguro ang iba sainyo ay excited na at ang iba sainyo ay nakakaramdam ng nerbyos o takot kaya ang payo ko sainyong lahat na wag niyong isipin kung matatalo man kayo o hindi basta gawin niyo lang ang best niyo," Pagsisimula ni Headmaster at agad namang naghiyawan ang ibang magician maliban sa amin ni Grace siguro wala siyang ganang sumigaw dahil mas iniintindi niya ang mangyayari mamaya. "Ang mga Royalties section ay sa huli na sila magpapamalas ng kanilang galing at husay kaya ang mauuna ngayon ay ang primary section, goodluck magician your game is start now." Pagkatapos sabihin ni Headmaster iyon napuno ng hiyawan ang buong ground pero  nanatiling kaming tahimik ni Grace at inaamin ko na kinakabahan din ako sa maaaring mangyari.


Lord please help me, us sana magawa ko ito ng maayos at sana makapasa kami ni Grace.


Napadasal nalang ako ng tahimik para panatagin ang aking loob ito kase ang ginagawa ko sa tuwing kinakabahan talaga ako at effective naman siya.



The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now