CHAPTER 31

37 5 0
                                    

Barry "POV"

Ang tahimik ng buong paligid at ganun din kami na tila ba pinapakiramdaman ang bawat isa, hindi ko mawari kung bakit parang may masamang kutob ako na may hindi magandang mangyayari siguro dahil isa akong earth user kaya nararamdaman kong may kakaibang nangyayari sa ilalim ng lupang tinatapakan namin.



"Tch," Napa hiss nalang ako sa frustration dahil hindi ko malaman laman kung ano bang nangyayari sa akin. "Shit!" Malutong ang pagkakamura ko ng may maramdaman akong gumapang sa aking paa dahilan para agad ko itong tignan nguni't wala naman.



"Ayos ka lang ba, gurang?" Tamo pati si Gellatin ko nahawa na sa pagtawag sa akin ni Sylvania, kainis sa gwapo kong 'to tinatawag na naman akong gurang, I don't deserve this.


"Wahhhhh!" Napatalon-talon nalang ako sa gulat ng maramdaman ko ulit ang paggapang sa paa ko na para bang mainit-init na gustong sakmalin ang buong paa ko. Naalerto naman agad ang mga kasama ko dahil sa inasta ko, gulat at nagtatakang tumingin sila sa gawi ko.



"What's wrong with you?" Inis na sambit ni Sylvania sabay duro sa akin ang hawak niyang spada dahilan para mapalunok ako sa takot para kase siyang aswang na mananakmal kung makatingin.



"Hey! Stop talking," Naalarma kami sa biglaang pagyanig ng lupang tinatapakan namin kaya napatigil kaming lahat sa paglalakad, mahina lang ang pagyanig pero tila buong katawan namin ang nayanig dahil hindi kami maka kibo habang hinihintay kung anong mangyayari.



"Move!" Mariing utos ni Angelo, nanakbo kami agad ng magsimulang mayanig ang lupa na para bang may dumadaan sa ilalim nito.




"Kyahhh!" Napatili si Sylvania ng bigla siyang hablutin sa paa ng kung sino mang nasa loob ng lupang tinatapakan niya, mabilis pa sa alas kwatro kong tinungo ang kinaroroonan niya at agad siyang hinila pataas at hindi naman ako nabigo. Hawak ko sa braso si Sylvania at nararamdaman ko ang panginginig nito na pilit pa ring tinatago ang takot kahit kitang-kita na ang panginginig ng katawan niya.



"Faster!" Sigaw ni Angelo habang tumatakbo sila kaya agad ko ng hinila sa kamay si Sylvania wala na akong paki alam kung aangil na naman siya sa akin pagkatapos ko siyang hawakan sa kamay ang importante makalayo kami sa lugar na iyon. Nasa unahan sina Angel at Ronela na sinunsundan ng dalawa at kami ni Sylvania ang nasa huli, naramdaman ko ang bahagyang pagkapit niya sa braso ko ng malakas na lumindol ang lupa at mula sa aming kinatatayuan kitang-kita namin ang pagbukol ng lupa na mabilis gumagapang patungo sa paanan ni Shit!



"Ilag!" Iyon nalang ang tanging nasambit ko ng kamuntikan ng mahablot ng tila isang galamay ang paa ni Angel mabuti nalang at nahila agad siya ni Angelo palayo. Gulat na gulat akong nakatingin sa gumagapang, hindi ko alam kung marami sila pero Ang nakikita ko parang iisa lang siya dahil iisa lang ang bukol sa ilalim ng lupa na humahabol sa amin pero anong klaseng lamang lupa iyon bakit may galamay na parang isang octopus, possible namang may octopus dito sa lupa. Gumewang-gewang kami ng banggain ng lamang lupa ang kalapit na Puno at agad itong natumba dahilan para mayanig kami habang tumatakbo at iniiwasan ang paglapit ng nilalang na iyon.



Bigla akong napatigil sa pagtakbo ng biglang bumitaw si Sylvania mula sa pagkakahawak kamay namin. Kinunutan ko siya ng noo ng inihanda niya ang espadang hawak niya at tila hinihintay ang paglapit sakanya ng lamang lupa.



Goodness this girl, sakit sa ulo!


"Anong pumasok sa kukute mo!" Inis kong bulyaw sakanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. "Putang-ina!" Malutong ang mura ko ng makitang lumiko ang lamang lupa at palapit na sa amin.



The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now