CHAPTER 13

88 9 0
                                    

A/N: Clarification ulit, para hindi kayo malito just read this carefully.

Trainer(babae)- tawag sa mga babaeng nagtuturo sa mga magician.
Trainor(lalake) - tawag sa mga lalakeng nagtuturo sa mga magician.

Ayan na siguro naman malinawan kayo sa pagkakaiba ng trainer at Trainor.

***********
Continuation..

"Sino ang nakakakilala sa Princessa ng Gold kingdom?" Trainer Margie ask at agad namang may nagtaas ng kamay. "Go ahead Iha."

Tumayo naman agad ang nagtaas ng kamay na kaklase namin, halatang mahina lang din siya kagaya ko dahil sa postura nito sabihin niyo mang judgemental ako pero parang ganun kase ang nararamdaman ko sakanya.

"Princess Gianna Gift Hope Gold, pinanganak siya noong ika dalawa ng agosto taong dalawang libo at dalawa." Walang kahirap-hirap niyang sinabi.


Grabe memories niya ang ganung pagbasa ng numbers samantalang ako hirap na hirap akong bigkasin.


"Siya ang pangalawang anak nina Haring  Hunyo Gold at ang Reyna Jessica Gold, siya ang bunso at siya ang susunod na Reyna ng Gold kingdom kung sakaling nandito pa siya. Ayon sa naalala ko si Princess Gianna ay kapapanganak palang nito ng sumugod ang hari ng dead kingdom para makuha nila ang munting Princessa, ayon sa mga babaylan isang princessa ang ipapanganak at magiging pinaka powerful maging ang luha nito ay kayang bumuhay ng matagal ng patay kaya ng maisilang ang princessa nabalitaan agad ito ng mga taga dead kingdom kaya sila ay naghanda para sa isang paglusob upang kunin ang Princessa pero mabuti nalang at nakatakas ang Reyna at ang mga anak nito papuntang mortal Realm pero noong babalik na sana ang Reyna dito sa magical realm sumunod din pala ang panganay which is si Principe Gab kaya ng matapos ang labanan binalikan ng Reyna ang princessa kung saan niya ito iniwan pero wala na siya dito, at hanggang ngayon hindi pa siya nahanap at hindi mahahanap dahil nasa mundo siya ng mortal Realm at ang masama wala na sa kamay ng Reyna ang susi ng portal para makapunta sila sa mortal Realm." Mahabang paliwanag nito matamang nakikinig naman ako dahil hindi ko alam pero kusang ang sarili ko mismo ang nagbigay ng atensyon para makinig sakanya.


"Yes totoo ang sinabi niya, kung kaya't sa nalalapit na paglusob ulit ng mga taga dead kingdom natitiyak na natin ang ating pagkatalo dahil ayon sa ibang mga babaylan mas lumakas na sila kumpara noon at kung mabubuhay pa ulit ang Reyna ng dead kingdom ay maging kasing lakas na niya ang isang diyos mula sa heaven Realm. Pero nitong nakaraang araw may nabalitaan akong nandito na daw ang Princessa ng Gold kingdom dahil sa naganap na pag-ulan at kasalukuyan siyang pinapahanap ng Hari at Reyna." Dugtong ni Trainer Margie. "Kaya mas mabuting mag-ensayo kayo ng mabuti upang sa ganun kaya ninyong ipagtanggol ang ating academia at para na rin sa ating mga buhay, alam kong ang iba sa inyo ay natatakot at umaasa lamang sa mga Royalties pero wag naman ganun mga white magician dapat tayong maging independent upang sa kahit anong laban kaya nating ipagtanggol ang ating sarili." Paliwanag ni trainer na siyang aming sinang-ayunan.



The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now