CHAPTER 43

54 7 0
                                    

Angel's "POV"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para maging malinaw ang aking paningin, ng maka adjust ay agad akong napatingin sa buong paligid ko.

"Ha, nasaan ako?" Sambit ko sa aking sarili at agad tumayo. Dahil hindi ako familiar sa lugar lumabas ako ng silid para malaman kung nasaan ba ako, kung nasa academy pa din ba ako. Napatingin din ako sa suot ko iyon pa rin naman naka dress pa rin ako kaya walang nagbago. Tila nakahinga ako ng maluwag ng iisiping wala naman palang nawala sa akin ang problema ko lang ay kung nasaan ba ako ngayon.

Nangunot ang noo ko ng paglabas ko ng silid ay puro pintuan ang bumungad sa akin. "Anong? Bakit ang daming silid naman ito?" Kunot noo kong sambit pero mas lalo akong nataranta ng may marinig akong maiingay na para bang papunta sa pwesto ko.

"I hope, gising na siya."

"Oo nga, I want to bonding bonding her."

Napangiwi nalang ako sa sinabi ng isa, halatang mga babae sila.

"Eh kung magalit iyon."

"Masaya siyang kasama, promises."

Hindi ko alam kung babalik ba ako sa pinanggalingan ko ng makompirma kong dito nga sila patungo. Sa huli akmang papasok na ako ng tuluyan na nila akong nakita, bumukas kase bigla ang kanang pintuan at lumabas doon ang apat na babae. Napanganga nalang ako habang nakatingin sakanila na ngayo'y nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwalang nakita nila ako, ako din naman hindi ako makapaniwalang nakita ko sila hindi ko naman sila kilala.

"Omg, she's already awake." Gulat na sambit ng babaeng kulay green ang buhok habang ang kamay ay nakatakip pa sa bibig niya.

"Oo nga." Sang-ayon din ng kulay Brown ang buhok, hanggang ngayon gulat na gulat pa rin sila habang nakatingin sa akin kaya napailing nalang ako sa inaasta nila. Weird people.

"Hello, Angel." Pagbati ng kulay Blue ang buhok ng maka bawi sila. Mas lalo silang lumapit sa akin at ngumiti ng malapad, mukha silang mga manikang buhay ang gaganda nila pero mga baliw lang gaya nina Rosa at Ronela minsan idagdag mo pa si Grace.

"Kilala mo ako?" Kunot noo kong tanong sakanya.

"Of course kilala ka namin." Yung kulay White ang buhok ang sumagot sa akin kaya lalong nangunot ang noo ko. Paano naman eh ngayon ko lang sila nakita, hindi ko nga sila kilala eh.

"Talaga? Eh bakit hindi ko kayo kilala." Ngumiwi pa ako ng sabihin ko iyon sakanila.

"No, no dear. Kilala mo na kami, except itong isang ito." Sagot ng kulay White ang buhok at itinuro pa ang kulay Green ang buhok. Umiling lang ako sa sinabi nila, eh sa hindi ko nga sila kilala eh.

"Sorry dear," Panggaya ko sa sinabi niya kanina. "Pero hindi ko kayo kilala, even your name." Ngumiwi pa ako at umiling-iling.

"Ayts! Ito na nga magpapakilala na nga lang kami," Bumusangot ang babaeng kulay puti nag buhok at humarap sa akin. "Ako si Anachel, ang diyos ng Ice." Pagpapakilala nito sakaniyang sarili sabay lahad ng kamay niya, at this time ako naman ang napanganga. I didn't know na pwede pala silang maging tao, este mag-anyong tao. Ang alam kong katauhan niya kase ay aso, iyong mabalahibong aso na kulay puti. "Ito naman, ayaw pa tanggapin ang kamay ko." Lalong humaba ang nguso niya at siya na ang nag-abot ng kamay ko para makipag shake hands lang sakanya. Mabilis din naman iyon kaya sumunod naman ang kulay blue ang buhok.

"Ako naman si Unice, ang unicorn at diyos ng hangin." Pagpapakilala din niya na siyang lalong nagpalaki ng mata ko. Seryoso nga, sila talaga.

"Okay." Dahil sa gulat iyon nalang ang nasabi ko.

The Tears Of The Lost Princess[COMPLETE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz