CHAPTER 27

50 6 1
                                    

Barry "POV"

Kanina ko pa napapansin si Angelo na parang may bumabagabag sakanyang isipan na para bang may kausap siya sakanyang isipan dahil kapag tinatanong namin matagal bago siya sasagot.

"Alam mo pare ano naman kung failed tayong mahanap ngayon ang Princessa no, malay mo next time magtagunpay na tayo kaya naman wag mo ng isipin yun okay. Hindi porke Ikaw Ang leader eh Ikaw lang ang mapapagalitan ni HM siyempre hindi kami papayag." Sabi ko sakanya sabay tapik sa balikat niya.




"Tsk!" Paghiss niya kaya napa nguso nalang ako sa sagot niyang sobrang haba tinawanan pa tuloy ako ng mga kasama namin.


"Alam mo Prince Barry kilala mo naman na iyan si Mr. A laging tahimik kaya wag ka ng umasa na sagutin ka ng mahaba." Tumatawang sambit sa akin ni Ronela lalo tuloy akong napasimangot.



"Ewan ko sainyo, boring niyong kasama pabalik na nga tayo eh. Pero seriously ilang araw lang tayong nawala sa academy namimiss ko na si Gellatin ko, isa pang maingay ang babaeng iyon eh." Sambit ko ng bigla kong maalala ang babaeng iyon hindi ko alam kung bakit lumabas siya sa isip ko ngayon.



"Shit guys ang academy sinalakay ng mga hindi pa kilalang nilalang, pero sigurado galing iyon sa dead kingdom." Dahil sa lakas ng boses ni Gab kaya napatingin kami bigka sakanya at hindi ko maiwasang kabahan at alam ko din na ganun ang iba pa.





"Hurry baka kung ano na ang nangyayari doon!" Sigaw ni Sylvania at ramdam ko ang takot niya pero si Angelo bilib ako sakanya dahil sa kabila ng aming pagpapanik nakuha pa niyang maging kalmado, grabe siya how to be him.



"Paliparin mo na ang sasakyan, gosh I can feel something strange." Ramdam ko ang bigat ng loob ni Ronela dahil hawak-hawak pa niya ang kamay niya sa tingin ko nanginginig na siya sa takot at pag-aalala.




"Ano bang klaseng mga nilalang na iyon, hindi ba nasabi nu HM?" Inis kong tanong kay Gab dahil siya ang may hawak ng connection namin kay HM.





"Hindi pa nga niya alam kaya bilisan mo na ang pagpapatakbo dahil nauubos na ang oras natin." He answered and I feels the anger toward him alam kong takot at nag-aalala din siya hindi dahil sa amin nakasalalay ang academy kundi dahil nandoon pa ang kaibigan namin.

Halos paliparin ko na ang sinakyan namin na sobrang bagal, bakit ba naman kase ganitong sasakyan pa ang napili namin pwede naman kaseng gumamit nalang kami ng portal pero itong si HM kase ang daming alam kaya tuloy natagalan kami lalo sa pagbalik.



Mga ilang oras pa ang nakalipas bago kami tuluyang nakarating at wala na kaming ibang nakita kundi ang sirang gate at mga punong nasira basa na rin ang lupa dahil sa lakas ng ulan kanina ng malapit na kase kaming dito sa academy saka lang umulan ng sobrang lakas mabuti nalang at may silong ang sinakyan namin kaya hindi kami nabasa.


Dali-dali kaming nagtungo sa office ni HM para alamin ang nangyari pero wala siya lali tuloy kaming kinabahan kase ultimo ang mga estudyante wala rin sila.



"Goodness what happened here!" Di makapaniwalang sambit ni Sylvania at frustrated itong naupo sa semento.



"Infirmary." Maiksing sambit ni Angelo at agad ng naglakad paalis kaya agad na din kaming sumunod sakanya. Napahawak nalang ako sa aking dibdib dahil sa bigat ng aking nararamdaman hindi pa rin kase nawawala ang takot at pag-aalala ko dahil ngayon lang nangyari ito ang may sumugod dito usually kase saka lang kami napapalaban kapag nasa mission kami pero ngayon iba na ngayon.



The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now