CHAPTER 52

24 5 0
                                    

Angel's "POV"

Tulala lang akong nakatingin sa kawalan. Hindi ma process ng utak ko ang nangyari, ang bilis, sobrang bilis na hindi ko man lang namalayan. Ano bang nangyari?

"Angel. Why are you staring at the two moon at the sky?" Lumapit sa akin si Grace at umupo sa tabi ko. Malungkot akong ngumiti habang nakatingin sa buwan sa kalangitan. It's been a month since the unexpected happened at hanggang ngayon hindi pa rin ako maka paniwala sa lahat. "Hanggang ngayon pa rin ba nalulungkot ka sa nangyari?" She ask again. Malungkot akong umiling sakanya.

"No. Sa totoo lang masaya ako para kay Rosa, pero bakit ganun? Parang nag-iba na siya simula ng bumalik siya sa atin?" I answered to her. Parang nawala ang kalahating parte ng katawan ko sa nangyari at pakiramdam ko wala na akong makapitan.

"But you need to move on lalo na ngayon, kailangan nating magtungo sa Gold Kingdom para sa kaarawan ng Reyna. Alam ko naman na ayaw mong mamiss iyon no!" Ngumiti ako sakanya at tumango.

"Oo."

"Kung ganun bakit malungkot ka?" She ask innocently. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko kayang sabihin sakanya kung bakit ako nalulungkot hindi ko din alam sa sarili ko.

Nahiga nalang ako sa sahig habang nakatingin sa langit. Tuwing Gabi kapag hindi ako inaantok dito ako sa rooftop ng aming dorm room tumatambay wala na akong pake alam kung may mangyari man sa akin, charot. Sa tingin ko naman wala pang balak ang dead kingdom na magkalat ng lagim dahil kabubuhay lang naman ng Reyna nila. Sa tingin ko nga nagpapalakas pa sila, bruhang iyon dinamay pa si Rosa pero tama naman sila ng kinuha siya nga talaga iyon ang nasa propesiya na kayang bumuhay ng patay gamit ang dugo niya.

"Pero alam mo bessy, simula ng malaman nilang si Rosa talaga ang totoong Princessa ng Gold Kingdom parang naging cold sila sa atin. Pansin mo ba?" She said at nakihiga sa tabi ko.

"Hayaan mo na sila, baka gusto lang nilang mag bonding ng sila-sila lang." Walang paki alam kong sabi kahit ang totoo may part sa akin na nasasaktan ako. Nawalan ng atensiyon sa akin ang aming mga kaibigan dahil hindi ko alam, si Angelo naman hindi ko din alam kung nasaan na dahil hindi pa nagpapakita sa amin ng isang buwan. Siguro nasa heaven Realm, nu'ng last kaseng balita ko kina Unice may problema daw na naganap sa Heaven Realm kaya nawalan sila ng time sa akin. Alam kong sobrang importante iyon kaya hindi na ako nagtatanong sakanila dahil mukhang busy at bigat ng suliranin nila dahil kung minsan bigla bigla silang nawawala, gusto ko na ngang puntahan sila sa heaven realm kaso hindi ko alam kung paano pumunta don.

"Pero grabe naman kase 'yun, nakalimutan ba nila na kaibigan din nila tayo. Lalo na Ikaw akala mo wala kayong pinagsamahan dahil hindi ka man lang nila magawang kumustahin. Anong klaseng mga kaibigan ba sila, at yang si Rosa, kababata mo nga pero kung umasta parang hindi kayo magkakilala." Hindi nalang ako umimik at dinama ang hangin na dumadampi sa aking pisngi.

That's how fast the night changes, kahit sabihin mong kaibigan o matalik na kaibigan kung isang araw kakalimutan ka din naman, kaya walang kasiguraduhan ang salitang forever o promise dahil pwede pa rin naman iyong kalimutan kung gusto mo. Ikaw rin naman kase ang magpapasiya kung ano ang gagawin mo at hindi ko na papaki alaman pa si Rosa sa buhay na gusto niya, kung masaya siya sa ginagawa niya supportahan ko nalang kahit sa malayo.

The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now