CHAPTER 39

19 5 0
                                    

Author's "POV"

Nakatingin ang isang matanda sakanyang bolang crystal habang umiilaw pa ang mga matang nakatingin dito, umusal siya ng umusal ng kakaibang lenggwahe habang nakatingin doon natigil lamang siya ng biglang pumasok ang kaniyang kanang kamay na si Violeta. Nagtatakang tumingin sakanya si Violeta na para bang nagtatanong itong nakatingin sa unti-unting nawawalang ilaw ng mga mata ng matanda.

"Ano hong meron, bakit umilaw na naman ang inyong mga mata mahal na Diwana? May bagong propesiya na naman ba?" Kunot ang noong tanong ni Violeta sakanya, tumingin naman sakanya ang matanda na may masayang mga mata maging ang labi ay makikitaan mo ang saya dito.

"Ang Itinakda ay parito na, hindi mo maaaring sabihin sakanya ang kaniyang pagkakakilanlan habang hindi pa nangyayari ang ating iniiwasan. Matutupad na ang Isa sa mga itinakda -"


"Na ako ang magiging trainer niya?" Agad na pagputol nito sa gustong sabihin ng Diwana, tumango naman ang matanda sakanya na hudyat na tama nga ang kaniyang sinambit.

"Nguni't hindi lang siya nag-iisa, kasama niya ang mga anak ng Hari at Reyna. Malapit na sila dito," Hindi mawala-wala ang magandang ngiti sa labi ng matanda at tumingin ito sa bolang crystal ngayon ay mahinahon na at natural na lamang ang kulay nito.


"Kung ganun ay nahanap na siya ni Mike, ang founder ng Princessa." Nakangiti ring sabi ni Violeta ng maalala ang mission ng binatang nanggaling sa lugar nila iyon ay ang upang mahanap ang princessa.

"Ganun na nga, nguni't gaya mo ay hindi niya pwedeng isiwalat iyon sa karamihan at mas mabuting mananatili iyon sakanya para na rin sa kaligtasan ng Princessa at ng lahat. Gaya mo ay may oras at panahon para malaman niya, nilang lahat ang tungkol sakanyang pagkakakilanlan," Isang malalim na hininga ang pinakawalan pa nito bago makahulugang tumingin kay Violeta. "Kahit awang-awa ako sakanya dahil wala siyang ninais kundi ang makilala at makasama ang kaniyang tunay pamilya nguni't hindi rin maaari, sapagkat alam mo ang naka abang na panganib sakaling maisambulat sa lahat ang katotohanan." Naglakad ang matanda palabas ng kaniyang kubol na sinundan din naman ng kaniyang kanang kamay na wari'y nagtataka kung ano bang susunod pang sasabihin nito at kailangan pa niyang lumabas ng kubol.

"Kung ganun Wala talaga siyang magagawa tungkol doon, alang-alang sakanyang kaligtasan at ng nakararami," Sambit ni Violeta na tila siya ay nararamdaman din ang labis na pangungulila ng Princessa sakanyang pagkawalay. "Nguni't aking naalala ang tungkol sa Isa pang nawawalang Princessa, nasaan na siya ngayon?" Tanong nito ng maalala ang sinambit noon ng Diwana na dalawang nawawalang Princessa ang magbabalik. Lumingon sakanya ang matanda at ngumiti na para bang sinasabi nito na wala siyang dapat na ipag-alala pero kahit ganun nananatili pa rin ang katanungan sa isip nito.

"Nandito na rin siya sa magical realm, nguni't gaya ng Isa ay hindi pa niya nakikilala ang kaniyang tunay na katauhan, nguni't malapit na niyang malaman ang kaniyang pagkatao," Sagot niya kaya napatango naman ako, kung ganun ay nandito na nga silang dalawa at kung darating ang panahong malalaman niya ang kaniyang pagkatao sana ay hindi ito maka apekto sa isa pa. "Nandito na sila." Nagulat si Violeta sa biglaan niyang pagsalita at tumingala sa langit na siyang  sinundan nito ng tingin. Mula sa itaas kitang-kita nila ang pagbulusok ng isang kulay gray na ipo-ipo o isang portal at mula doon lumabas ang isang uri ng sasakyang panghiimpapawid at dahan-dahan na itong pababa mula sa malawak na lupain ng Mortis. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman nilang dalawa habang nakatingin doon magkahalong saya at pananabik habang nakatingin sa sasakyang pababa, siguro dahil batid nilang nandoon na ang Princessang kanilang hinihintay.

The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now