CHAPTER 57

27 4 0
                                    

DREAM!

Angel's "POV"

"My descendants" Malumanay ang boses ni Carmela ng makita ko itong naka-upo sa upuan niyang gawa sa hindi ko matukoy na materyales. Umiilaw ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang ang dalawang kamay ay naka buka para sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sakanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Ngumiti siya sa akin at hinila niya ako paupo sa tabi niya.

"Malapit na ang katapusan, ngunit ito at simula sakanila. Wag kang magtitiwala ng basta-basta sa mga mababait na iyong nakaka salamuha." Nagsimula siyang magsalita habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ako makatingin sa mismong mga mata niya dahil nasisilaw ako.

"Mas matakot ka sa nagpapanggap na mabait kesa sa nagpapakitang masama ang ugali niya, dahil ang mabait nasa loob ang kulo. Nasayo na ang lahat ng kapangyarihan ko at sa susunod niyong paglalakbay magsisimula ang 'yong tunay na paghihirap." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Bakit po, anong mangyayari?" Natatakot at nababahala ako sa possibleng nangyari, hindi para sa sarili ko lang kundi para din sa iba.

"Hindi ka basta-bastang maniwala sa mga nakikita mo, baka ikapahamak mo pa. Ang kalaban ay nasa paligid lang, naghihintay ng tamang oras para saktan kayo." Hinawakan niya ang noo gamit ang kaliwa niyang palad. Nakita kong pumikit siya kaya natitigan ko ang maamo niyang mukha. Dyosa nga siya at walang duda iyon.

Bumulong-bulong siya at maya-maya pay nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko parang may pumasok at pakiramdam ko lumakas din ako. Sa muling pagmulat ng mga mata niya nawala na ang ilaw nito tanging kulay puti nalang.

"I officially give my powers to my descendants. Your now the new Queen of the moon." Ngumiti siya sa akin.

Nangunot ang noo ko ng maramdaman kong parang may kakaiba sa ulo ko kaya hinawakan ko agad ito at napagtanto kong may suot na akong crown. Iyon ang suot niya kanina, alam ko dahil nawala bigla ang suot niyang korona.

"Ba-bakit po?" Taka kong tanong.

"Hindi na ako pwedeng maki-alam sa away ng mga nilikha ko. Si Neva ay isang diyos na nilikha ko lamang ngunit naging masama siya kasama ang nilikha niyang asawa, wala na akong karapatang tapusin ang buhay nila dahil ako ang may likha sakanya. Kaya pinapa-ubaya ko na ito sainyo, lalo na sa'yo at sa magiging asawa mo." Namula bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ano ba, wala pa nga akong jowa asawa pa kaya.

"Soon iha, malapit na.... Ngunit sa ngayon, kailangan mo munang matutunan ang dapat mong matutunan, kailangan mong masaktan at madapa para matuto kang bumangon at lumaban ng walang tulong galing sa iba."

"Opo."

"Maging maingat ka sana sa mga desisyon mo at maging bukas ka sa iba. Mag-iingat ka, at nawa'y sa muli mong pagbisita dito ay may iba ka ng ibabalita." Tumango-tango ako sakanya at niyakap nalang siya sa tuwa. Nakakagaan siya ng pakiramdam dahil parang lullabye ang boses niya at parang hinehele ka para makatulog samantalang ako parang boses lalaki kung seryoso at para namang maangas na boses babae kapag normal lang. Ano ba 'yan.

"Angel." Napa ungol ako sa bwisit na gumigising sa akin.

"5 minutes." Antok kong sagot pero hindi siya tumigil dahil hinila pa niya ang kanang braso ko.

"Aray ko!" Reklamo ko agad nh maramdaman kong parang may kung anong napunit sa kili-kili ko dahil sa lakas ng pagkahila niya sa akin.

"Sorry na. Pero gising na diyan para makapag hapunan ka na, kumakalam na ang sikmura mo oh." Hindi ako sumagot at natutulog pa rin. Gising na ang diwa ko tamad lang akong bumangon dahil inaantok pa ako.

The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum