CHAPTER 19

73 10 3
                                    

Continuation......

"Ano na maghiwa-hiwalay nalang tayo para naman mapuntahan natin ang gusto nating puntahan." Suggestion ni Ronela kase kanina pa siya nagrereklamo simula ng pumunta kami sa shop ng matanda na nagbigay sa amin ng sandata hanggang sa napadpad kami dito sa library na malaki may binili kase itong si Grace at ayaw pumunta itong si Ronela kaso pinilit namin kaya hindi na siya natigil sa pagmamaktol.



"Since kanina pa kami naririndi sa'yo sige pumapayag na ako." Sagot ko sakanya.





"Kung ganun mauna na ako sainyo, kita nalang tayo sa base." Agad niyang sabi hindi pa man kami nakakasagot ng tuluyan na siyang tumalikod sa amin.


Nagkatinginan kami ni Grace at sabay nalang na tumango sa isa't-isa.


"Paano sa pet shop muna ako." Sabi ni Grace sa akin. Ngumiti lang ako at nagkanya-kanya na kami ng daang tinahak hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil hindi ko pa naman ganun kabisado itong gold City at ayoko din namang sumama sakanila baka gusto nilang ng privacy eh.



Napadpad ako sa isang store na kung saan puro mga flower ang paninda nila, flower shop ata at hindi ko alam pero kusa ang katawan kong nagtungo doon.




"Magandang tanghali sa'yo binibini. Anong bibilhin mo?" Nakangiting tanong sa akin ng matandang lalake. Ginala ko naman ang tingin ko sa kabuuan ng shop niya at masasabi kong maganda sobra kase puno ng mga paninda niyang iba't-ibang uri ng bulaklak. Natigilan ako ng may makita ang mga mata kong bulaklak ang gandang bulaklak na kulay blue merong ding orange, red at puti nakatiklop siya pero hindi naman nakabawasa iyon sa taglay niyang ganda at ang bulaklak na iyan ang nagpapa-alala sa akin sa kaibigan kong naiwan ko sa mundo ng mga tao.



"Ang ganda!" Manghang sambit ko sa aking sarili dahil bigla nalang itong bumuka at may nagsilabasan pang mga dust ng fairy pero wala namang fairy doon.




"That Rose symbolize a love, passion, romance and devotion. Ang bulaklak na iyan Iha ay sacred dahil ang bulaklak na iyan ay kayang magpagaling ng mga poison mula sa isang makamandag na insecto, alam mo bang ang bulaklak na iyan ay nakukuha pa sa mount fulag at ang pangalan ng bulaklak na iyan ay galing mismo sa isang magician na nagngangalang Rhoda." Mas lalo naman akong namangha sa mga sinasabi ng matanda tungkol sa bulaklak na pinaka paborito ko.



"Sadyang nakakamangha ang mga bagay na nandito sa mundong ito!" Namamanghang sambit ko at hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa bulaklak na siyang tanging nagpapaalala sa akin sa isang taong naging malapit sa akin dahil dito nabase ang pangalan niya.





"Tama ka diyan iha, alam mo bang ang mundong kinalalagyan natin ngayon ay isang libong taon na Ang nakalipas." Sambit niya dahilan para mapalingon ako sakanya. Nakatingin siya sa akin ng seryoso pero ang mga mata niya'y parang may sinasabi hindi ko lang alam kung ano.




"Ano hong sinabi niyo, isang libong taon?" Paniniguro ko dahil ang pagkala-alam ko ayon sa nabasa ko sa libro ni Carmela ay isang daang taon at siya kasama ang kaibigan niyang dating Reyna ng dead kingdom ang kauna-unahang magician dito sa magical realm.




"Oo tama ka Iha, isang libong taon na nga." Seryosong sagot niya at kitang-kita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata niya at hindi ko alam kung anong dahilan pero ang mga tingin niyang iyon ang nakakuha ng atensyon ko para mas gustong malaman ang tungkol sa sinasabi niya.




The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now