CHAPTER 1

195 11 0
                                    

A/N: Unang-una sa lahat nais ko munang sabihin sainyong lahat na ang story na ito ay pawang mga kathang-isip lamang at wala akong intensiyon na gayain kung ano man ang kapareho nito sainyong buhay, pangalan o mga pangyayari dahil ito ay pawang gawa-gawa lamang ng malikot kong isipan.

Bago tayo magsimula gusto ko munang sabihin sainyo na kung ano man ang pagkakamali ng story such as error, wrong typus o anu pa man hinihingi ko ang inyong mahabang pasensya.





CHAPTER 1

Angel "Pov"

Kasama ko si Rosa sa pagliliwaliw sa labas ng bahay ampunan dahil wala kaming magawa. Katatapos lang kase ng aming klase kaya nandito kami naggagala upang maalis ang aming pagkaburyo.




"Halla, Angel pagabi na baka hinahanap na tayo nina sister." Sambit ni Rosa at agad niya akong hinila pero hindi ako nagpatinag.




"Mamaya na muna, malapit lang naman sa bahay ampunan eh." Gustong-gusto ko lang maglakad-lakad dahil naboboring na ako sa loob ilang taon na kami sa bahay ampunan pero hindi ko man lang naranasang makapunta sa palengke o sa mall dahil pinagbabawalan kami nina Sister, hangga't wala daw kaming rason para gumala hinding-hindi kami lalabas saka lang kami makalabas kapag may klase pero pagkatapos ng klase deretsyo uwi sa bahay ampunan.




"Eh Angel naman eh, alam mo naman kung paano magalit si sister Slot eh." Nailing nalang ako ng maalala ko ang madre na iyon, ewan ko ba kung bakit ang sungit-sungit ng isang iyon sa amin siguro dahil matandang dalaga kaya ganun.






"Hays tara na nga." Napilitan akong naglakad kasama si Rosa pabalik sa bahay ampunan dahil kahit ako ayoko ring mapagalitan ng madreng iyon.




Pagkarating namin ng entrata ng bahay ampunan agad naming nakita ang isang mamahaling sasakyan na nakaparada sa harapan.





"Mukhang may aampunin na naman sila." Bakas sa boses ni Rosa ang lungkot dahil ilang taon na kami dito sa bahay ampunan pero walang nais umampon sa amin kaya naman gan'yan yang babaeng iyan pero ako okay lang naman isa pa mas gusto ko dito dahil nagagawa ko ang gusto ko like mag-aral at maglaro kahit pa nasa 17 na ako pero walang kaso iyon sa akin.





"Alam mo Rosa kung may gustong aampon sa'yo kahit pa ilang taon ka na kukunin ka pa rin nila, pero anyway tara tignan natin kung sino ang kukuning bata." Agad ko siyang hinila papasok sa loob at mabuti nalang hindi kami nakita ng iba lalo na si sister Slot dahil kung nagkataon baka pinipingot na naman niya ang tenga naming dalawa.




"Andiyan na pala sina Rosa." Masayang sambit ni superior liza ng makita nilang kaming palapit sakanila habang kausap ang dalawang bigating mag-asawa.





"Mga Iha ito sina Mrs, Gina at Rico Corazon na nais umampon sa'yo Rosa." Agad na sabi ni Superior Liza. Natigilan ako at alam kong pati si Rosa dahil tumingin siya sa akin pero hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti ako ng bahagya kase alam ko kung ano ang nasa isip niya ngayon kaya hindi ko siya hahadlangan sa kagustuhan niya.





"Kitams, sabi sa'yo eh may aampun rin sa'yo." Nakangiting sabi ko pero ang loob-loob ko tila umiiyak na sa lungkot ang isipin na magkakahiwalay na kami sa isat-isa pero sino ba naman ako para pigilan siya alam ko naman na ito ang pangarap niya ang magkaroon ng pamilyang maituturing niya kaya kahit masakit papayagan ko siya.





"Pero paano ka." Bakas ang lungkot at pag-aalala niya pero umiling lang ako habang nakangiti pa rin.




"Matanda na ako no kaya ko na ang sarili ko, saka isa pa nandiyan naman sina sister." Naluha ako habang sinasabi iyon dahil hindi ko talaga kayang pigilan ang lungkot ko at the same time masaya rin para sakanya.






The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Where stories live. Discover now