CHAPTER 44

61 6 0
                                    

Rosa's "POV"

Omy, this is my first ever pov. I am blessed author, thankies for this chance.

"Maupo nga kayo, bakit ba ang lilikot niyo!" Inis na sambit sa amin ni kuya Gab. Yes nakikikuya na ako since kuya tawag ni Angel sakanya. Kagat-kagat ko ang kuko at hindi mapakali habang paroon at parito kagaya ko si Ronela.



"Eh kase naman, saan naman kase dinala ni Leader si Angel." Sambit ni Ronela. Tumango naman ako, pagkatapos kase ng paghiyaw ni Angel parang may lumabas sakanyang kung ano, basta ang alam ko inaapoy este umaapoy ang katawan niya tapos binuhat siya ni Angelo o yung taong masungit tapos lumabas sila at bigla nalang nawala. Ghad! I'm very nag-alala na sakanya, paano ba naman kase hanggang ngayon wala pa sila.



"Wag nga kayong OA, saka si leader 'yon... Hindi niya pababayaan si Angel, malay niyo naman may pinuntahan lang sila." Sambit ni Barry pero hindi ako satisfied.

"Pero hindi katiwa-tiwala 'yang leader niyo no." Masungit kong sabi sakanila.

"Anong hindi, malihim lang siya pero mabait naman no." Pagtatanggol ni Barry pero inirapan ko lang siya, kahit pa mas matanda siya sa akin ng isang taon hindi ko siya gagalangin gaya ni Angel. Mukha naman siyang bangag ayoko sakanya, mahangin pa.


"We hope na wala siyang gawin kay sissy, saka ayan... hindi na natuloy ang kasiyahan, kainis naman." Sambit ni Sylvania. Pagkatapos kase ng nangyari pina-uwi na agad ang mga Hari at Reyna, ayaw pa nga sana ng Reyna ng Gold Kingdom kung hindi lang siya pinilit ng kaniyang asawa.

"Kainis talaga." Nayayamot kong saad at nagmartsiya para lumabas ng dorm room nila. Yes nandito kami sa dorm room ng mga Royalties kasama ko pati si Grace hindi ko nga alam kung bakit ako napunta dito, basta dahil siguro sa pag-aalala ko ayun napunta ako dito.


"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Barry sa akin, inirapan ko nga. Naasar kase ako sa mukha niya ewan ko ba. "Kita mo 'to manang-mana kay Angel, ako na nga 'yung concern ako pa masama." Ngumuso pa siya pero hindi ko na siya pinansin at agad lumabas. Gusto kong matulog, napuyat ako kagabi kakaisip kung ano bang susuutin ko nainis kase ako kay tatang, kilala niyo ba si tatang iyong matanda na kumupkop sa akin, naiinis ako kase ang kulit niya sinabi ko na ngang wag siyang lumabas ng lumabas kapag wala ako sa bahay at baka may kumuha sakanya mahirap na matanda pa naman kaya ayon hindi ako agad nakapag-isip ng susuutin ko kakaisip sakanya tapos ngayon, ito pa ang nangyari kainis talaga.


"Anong mukha naman 'yan?" Napangiwi nalang ako pagkarating ko sa hallway ng girls dorm room ng makasalubong ko si Mike, ang Isa sa mga kaibigan ni Angel. Hindi ko siya kaibigan at wala akong paki-alam sakanya.


"Mukha ng maganda." Walang gana kong sagot sakanya.


Napataas ang kaliwang kilay ko ng marinig ko ang pagtawa niya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Sira ulo talaga kahit kailan, abnormal kagaya ni Barry.

"Bad mode ka yata ngayon?" Nakangiting tanong niya pero inirapan ko lang.


"Diba obvious," Asar kong sagot sakanya na siyang nagpatawa na naman sakanya. Kabanas, gwapo nga abnormal naman. "At pwede ba wag mo nga akong tinatawanan, hindi ako nakakatuwa." Singhal ko sakanya pero lalo lang siyang natawa sa akin kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis ng sobra.


"Relax lady, pumunta lang ako sa dorm room niyo para sana silipin kung nandiyan na si Angel... Tapos ito nakasalubong kita." Nakangiti pang sagot niya.


The Tears Of The Lost Princess[COMPLETE]Where stories live. Discover now