CHAPTER 28

55 7 0
                                    

Angel "POV"

Pabalik na kami ni Grace sa aming dorm room galing infirmary ngayon palang kase kami nadischarge at wala ang mga kaibigan namin hindi ko nga alam kung saan sila nagpunta basta paggising ko walang tao sa infirmary kundi kami lang ni Grace sakto rin naman na pagising na rin siya that time sakto rin ang dating ng healer at sinabing pwede na kaming lumabas ng infirmary.

"Grabe pakiramdam ko ilang araw akong tulog parang nanibago ang katawan ko." Biglang sambit ni Grace habang naglalakad kaming dalawa sa mahabang hallway papasok sa aming dorm room.

"Ako din pakiramdam ko kagagaling ko lang sa malubhang sakit tapos ngayon lang ako gumaling, hahaha. Pero sa totoo lang pasalamat pa rin tayo kase buhay pa rin tayo ngayon," Hindi ko lubos maimagine ang nangyari last time pakiramdam ko wala akong kinakatakutan maliban lang ang kapakanan ni Grace hindi ko na naisip na what mamatay ako kapag niligtas ko siya wala akong naramdamang pag-aalangan noong oras na iyon kundi matinding hangarin na iligtas sa kamay ng halimaw na umataki dito pero ang hindi ko maintindihan kung paano sila nakapasok sa academy pero wala namang inpossible kase naman walang proteksiyon ang academy dahil lang siguro sa walang masamang nangyayari noon pero ngayon nakikita ko na ang matingkad na kulay ng proteksiyon para kaming nakakulong sa loob ng crystal dahil doon.


"Wait," Napatigil kami sa aktong pagbukas sa pintuan ng pinto ng makita ni Grace ang isang sticky note na nasa taas ng pinto medyo may magkakulay ang sticky note sa kulay ng pinto kaya hindi ko napansin agad, Binasa namin ang nakasulat doon. "Royalty section." Pagbasa ni Grace ng malakas sa nakasulat sa sticky note.

"Hu?" Nagkatinginan kaming dalawa dahil doon. "Anong Royalty section?" Patanong kong sabi.


"Ewan ko din, ano bang ibig sabihin ng sulat na iyan bakit naman kase ang tamad ng nagsulat pwede naman sabihin niya ng deretsyahan hindi yung parang code lang hindi naman tayo programmer para alam iyan," Sagot niya.


"Anong coding ka diyan, ang cheap naman kung gan'yan ang code niya. Pero anyway sa tingin ko ang tinutukoy ng sulat na iyan ay ang Royalty section." Sabi ko sakanya.


"Oo nga pero anong meron sa Royalty section?" Tanong din niya at napa isip pa ito.


"It's means punta tayo doon." Sambit ko at agad hinila ang hawak ko kung saan nakalagay ang aming mga kagamitan hindi ko nga alam kung paano namin nagamit iyan gayong tulog naman kami siguro pinapalitan kami habang tulog edi nakita na nila ang future namin pero kahit man mahiya pa kami eh huli na nakita na nila at kung sino man iyon either ther the healer or mga kaibigan namin pero sana babae hindi lalake.



"Wait me naman," Sigaw ni Grace ng mahuli lang siya ng konti pero hindi ko na siya hinintay pa dahil naka abot din naman siya. "Ano ba naman kase itong nangyayari kalalabas lang natin ng infirmary ah," Reklamo ni Grace pero dahil tumatakbo kami hindi ko na magawa pang sumagot ang hirap kaseng magsalita kung tumatakbo ka parang kinakapos ang hininga ko mabuti nga ngayon medyo mas malakas na ang stamina ng katawan ko kesa nu'ng unang pagtapak ko dito sa mundong ito.

Bogssss!


"Arayy!" Sabay kaming natumba ng nakabanggan ko at ang masama tumama ang siko ko sa sahig pakiramdam ko nagasgasan.



"Ay ano ba 'yan Angel hindi ka kase nag-iingat tignan mo ang siko mo may gasgas na, kagagaling mo lang ng infirmary eh." Pangangaral sa akin ni Grace at tinulungan akong tumayo at ng tuluyan na akong makatayo sabay naming tinignan ang nakabanggan ko na ngayon nakayuko dahil pinapagpagan ang niya kaniyang pants.



The Tears Of The Lost Princess(Ongoing)Onde histórias criam vida. Descubra agora