Chapter 16

15 2 0
                                    


DAPIT hapon na ngunit nandito ako ngayon at naglalakad papunta sa Havhav Resto kung saan ako nagtatrabaho at malapit lang din sa campus namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DAPIT hapon na ngunit nandito ako ngayon at naglalakad papunta sa Havhav Resto kung saan ako nagtatrabaho at malapit lang din sa campus namin. Kahit pagod ako ngayon galing sa klase ay wala akong ibang magagawa kun'di ang kumayod pa rin. Saan nalang ako pupulutin kung hindi ako magbabanat ng buto.

Minsan ay napapatingin ako sa mga taong nakakasalubong ko sa daan, sa mga magagarang sasakyan na dumadaan. Napapaisip ako kung ano kayang pakiramdam mabubay ng marangya. 'Yong tipo bang hindi mo na po-problemahin ang pera at ang tanging gagawin mo nalang ay huminga at gawin ang kung anong gusto mong gawin sa buhay. Ang gaan siguro nun. Wala kang ibang iisipin kun'di ang sarili mong kapakanan at ang pamilya mo. Ano kayang pakiramdam nun?

"Seth!" Agad dumako ang tingin ko sa binatang nakasuot ng cap na may logo ng restaurant. May sarili rin itong apron na isinusuot ng mga waiter kapag nagse-serve ng customer. Bago pa lang tayo itong resto na ito ngunit marami-rami na ring mga kumakain dito dahil unti-unti na itong nakikilala rito sa lugar. Masasabi kong matagumpay ang negosyong ito ni Nefali.

Agad kong binilisan ang lakad ko at maingat na tumawid sa gitna ng daan papunta sa harap ng kainan. Nasa harap ko ang binatang tumawag sa pangalan ko kanina.

Ngunit malabo rin ang kaniyang mukha at tanging malabong pagsilay ng ngiti niya lang ang nakaklaro ko.

"Ohh Jeff, napaaga ka yata," bungad ko sa binatang nagngangalang Jeff. Jeff ang pangalan niya at mukhang kasamahan ko siya sa trabaho. Maputi ang kaniyang balat at medyo tisoy kung tingnan kahit pa na malabo ang mukha niya. Parehas lang kami ng tangkad at at hubog ng katawan.

"Maaga kasing umalis si Criza. Uuwi raw muna siya sa kanila kaya naiwan akong mag-isa sa apartment ko. Magbihis ka na, maraming customer ngayon kasi Biyernes alam mo naman," aniya saka tinapik ang balikat ko. Iginaya niya ako sa loob at hindi nga siya nagbibiro nang sabihin niyang maraming customer ngayong araw. Halos puno rin ata lahat ng upuan sa loob at kahit yata sa mga upuan sa labas kanina. Nakita ko rin ang iba pa naming kasamahan na abalang nagse-serve ng orders.

Dali-dali na akong pumasok sa silid kung saan kami nagbibihis ng damit namin. Naiwan sa labas si Jeff dahil agad siyang tinawag ng taga-luto dahil may ise-serve ulit na bagong order. Matapos 'yon ay dumiretso na agad ako sa labas para simulan ang trabaho.

Ang trabaho ko ay taga-kuha ng orders ng mga customers kaya lagi kong dala-dala ang maliit na booklet at ballpen kung saan ko isinusulat ang orders ng bawat nila at ang menu kung saan sila o-order ng gusto nilang kainin.

Inayos ko ang cap ko at agad na isinuot ang masigla kong ngiti na lagi kong ipinapakita sa tuwing nagaasikaso ako ng mga customer. Palagi akong nakangiti sa tuwing sinasalubong ang mga bagong customer at sa tuwing kinukuha ko ang mga orders nila dahil sabi sa amin ni Nefali o ang may-ari ay dapat daw nakangiti kami o masaya naming inaasikaso ang mga customer dahil mas nakakaengganyo raw 'yon sa kanila na magustuhan ang serbisyo namin at babalik-balikan nila.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now