Prologue

18.3K 196 2
                                    


"Ahhh! Huwag! Huwag mo akong papatayin bata pa ako! Huwag..."

Tagaktak ang pawis at nanginginig si Shu dahil sa samo't saring imahinasyon na bumabalot sa kanyang isipan.

Kakatapos lamang kasi ng betrothal wedding at kasalukuyan silang nagsasalo-salo sa hapag for dinner. Habang kumakain ay hindi niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano lalo na't alam niyang sasama na siya sa asawa niya matapos nilang kumain.

"Hays, erase! Erase! Anu bang iniisip ko! Hindi naman siguro siya ganun ka-aggressive. Isa pa minor pa ako at pre-wedding palang naman ito. Hindi naman siguro niya ako pipiliting makipagchukchak sa kanya mamaya!" Dahil sa isiping iyun ay nanginginig ang mga kamay niyang napahawak sa dress niya sa ilalim ng lamesa na napansin naman nung lalaki sa tabi niya na noo'y napangisi.

Bahagya pa siyang napaigtad nang bigla nitong nitong inilapit ang bibig sa tenga niya para pasimple siyang bulungan.

"Relax, I'm not your groom, Miss. Your groom couldn't attend today's wedding."

Napalitan ng pagkalito ang kaba at takot na kanina pa bumabalot sa pagkatao niya dahil sa tinuran ng lalaking kinapalitan niya ng singsing kanikanina lang.

"H-hindi po kayo s-si Mr. Griffin?"

"Lieutenant Carber po Ma'am, kanang kamay ni General, napag-utusan lamang akong irepresenta siya."

"A-anu?!"

"Tama ang narinig mo Ma'am, busy siya ngayun kaya hindi siya dumalo. Gayon pa man ay nagbilin siya tungkol sa mga bagay na dapat mong gawin ngayung tapos na ang kasal."

"Huh! Hindi ako makapaniwala, demonyo nga siguro talaga tulad nalang ng sinasabi nila! Nagtataka pa mandin ako kung bakit mabait at hindi naman mukhang demonyo itong lalaking 'tu, yun pala hindi naman talaga ito yung infamous demon general na magiging asawa ko!" Sa inis ay naibulalas na lamang niya.

"May sinasabi ka?" Kapagkuwa'y puna ni Lieutenant Carber na noo'y kakatapos lang makipag-usap sa iba pang tao sa lamesa.

Ngumiti naman si Shu ng peke bago umiling-iling sa Lieutenant na kanina pa din seryoso.

"Hays, kung wala lang sakit si kambal, hindi ako papayag na ako ang nandito para mapangasawa nung heneral na yun! Pamisteryos pa, baka pangit tsaka matanda na tulad nalang ng mga sabi-sabi tapos pamangkin pa ni lucifer kaya namatayan na ng dalawang asawa! Omg wait! Hindi kaya totoong siya ang dahilan ng pagkamatay ng mga iyun tulad ng sinasabi nila? Grr katakot!" Yakap-yakap ang sariling bulong ni Shu na papikit-pikit pa dahil sa takot na nadarama.

"K-kung ganun, kelan ko kaya siya makikita't makikilala. Hays, that demon General!"

The Demon General's Young WifeWhere stories live. Discover now